PERSONAL na ibinigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang special financial assistance sa 12 sundalo na nagtamo ng mga pinsala sa pakikipaglaban sa militanteng Dawlah Islamiyah-Maute Group na sangkot sa pagbomba sa Mindanao State University-Marawi noong nakaraang buwan.
Ang 12 sundalo ay kasalukuyang naka-confine sa Army General Hospital (AGH).
Maliban sa pagbibigay ng financial support, pinangunahan din ng Pangulo ang pagbibigay ng parangal ng Gold Cross Medal, Military Merit Medal with Bronze Spearhead Device, at Wounded Personnel Medal sa apat na sundalo na wounded in action (WIA).
Sa kanyang naging pakikipag-usap sa tropa, kinilala ng Pangulo ang katapangan at hindi matatawarang dedikasyon ng mga ito para protektahan ang mga mamamayang Filipino at ipagtanggol ang bansa laban sa mga elemento na nagsisilbing banta sa seguridad ng bansa.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa mga ito ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan para ipatupad ang mga programa na makapagbibigay ng tulong sa mga nasawi sa bakbakan at i-promote ang kapakanan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kanilang pamilya.
Tiniyak din niya sa mga ito na ang kanyang tanggapan ay kumikilos sa mga request ng AGH at Camp Evangelista Station Hospital (CESH) para sa karagdagang equipment, pinahihintulutan ang mga ito na “better serve the troops.”
Samantala, kasama ni Pangulong Marcos sina Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Special Assistant to the President Antonio Lagdameo sa kanyang naging pagbisita sa mga sugatan sundalo kasama si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., at Philippine Army (PA) Commanding General, Lt. Gen. Roy Galido, bukod sa iba pa. (Daris Jose)
KAUGNAY sa mga bagong na pahayag nina Bea Alonzo at Dominic Roque tungkol sa hiwalayan nilang dalawa ay may malamang pahayag din si King of Talk Boy Abunda.
BINIGYANG -DIIN ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na mayroong itong malakas at maaasahan na partnership sa mga makabuluhang ahensiya ng pamahalaan na may atas na i-promote at protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng mga miyembro ng mga mamamahayag.
The scale becomes even more epic as Denis Villeneuve’s Dune: Part Two picks up where 2021’s Dune left off. New characters sweep into the vast world, as the adventure sets off with even more stunning visuals and thrilling action sequences.