MALAPIT ng magkaroon ng anim na police district ang National Capital Region (NCR) kasunod ng panukalang Caloocan City Police District (CCPD) na nangangailangan lamang ng green light mula sa National Police Commission (Napolcom).
Ayon kay City Police Station chief Col. Ruben Lacuesta na ang panukala ay matagal nang isinumite ng mga nakatataas sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame at National Capital Region Police Office (NCRPO) bago sa Napolcom.
“Naghihintay na lamang ang PNP ng paborableng tugon mula sa Napolcom na nangangasiwa at kumokontrol sa una,” ani Lacuesta.
“Kung mangyayari iyon, malapit na tayong magkaroon ng Caloocan City Police District na hiwalay sa NPD na may hurisdiksyon din sa iba pang mga kalapit na lungsod ng Valenzuela, Malabon at Navotas,” dagdag niya.
Sinabi ni Lacuesta na ang mga nauna sa kanya ang nagtulak sa Caloocan na magkaroon ng sariling police district at ipinaliwanag din niya na ang lungsod ay lubos na kuwalipikado dahil sa lawak ng lugar at populasyon nito, bukod sa iba pa.
Sa katunayan, sinabi niya na ang mag-amang sina Caloocan District 1 Rep. Oscar ‘Oca’ Malapitan at Mayor Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan ay nagtulungan para sa pagtatayo ng modernong apat na palapag na gusali at isa pang tatlong palapag na istraktura para sa punong-tanggapan ng pulisya at bumbero.
“Siguro sa susunod na buwan, ang kasalukuyan at lumang mga gusali ng pulis at bumbero na magkatabi ay ganap nang gibain para bigyang daan ang bago at modernong headquarters,” ani Lacuesta na ang pamunuan ay tumanggap ng iba’t ibang pagkilala at parangal para sa “Best Police Station” sa NCR at pinakamataas na ranggo sa may pinakamaraming bilang ng mga naarestong drug personalities at nakumpiskang milyun-milyong pisong halaga ng iligal na droga.
Nagpahayag naman siya ng pasasalamat sa mga Malapitan sa pagtupad sa kanilang pangako na tumulong sa pagtatayo ng modernong police headquarters dahil luma na ang kasalukuyang gusali habang kalahati nito ay wala nang tao matapos ang naganap na sunog ilang taon na ang nakakaraan.
Binanggit ni Lacuesta ang mga bentahe ng lungsod na magkaroon ng sariling distrito ng pulisya ay tulad ng pagbibigay ng mas maraming pulis o higit sa 3,000 tauhan upang tumugma sa bilang ng mga residente at pagtatayo ng mas maraming unit at police substation
Sa kasalukuyan, mayroong limang distrito ng pulisya, na nasa ilalim ng direktang pangangasiwa ng NCRPO, ito ay, Manila Police District, Quezon City Police District, Southern Police District (SPD), Eastern Police District (EPD) at NPD. (Richard Mesa)
DAHILAN sa pagkakasangkot sa samut-saring krimen tulad ng human trafficking, prostitusyon, forcible abduction, murder, investment scam, swindling at iba pa, pinagtibay na ng House Committee on Games and Amusement ang panukalang batas na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na mag-operate sa Pilipinas.
SISIGURADUHIN ni Speaker Martin Romualdez na ang mga lokal na sasakyan ang bibigyan ng prioridad sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at in-adopt ang 10-year Maritime Industry Development Plan 2028 (MIDP), magsisilbi bilang whole of nation roadmap ng bansa para sa integrated development at strategic direction ng maritime industry.
TINALAKAY ng mga miyembro ng Task Force El Nino, araw ng Lunes ang updates ng interbensyon para sa mga pangunahing sektor at karagdagang aksyon na kakailanganin para paigtingin ang pagsisikap laban sa epekto ng phenomenon at tiyakin ang kahandaan ng bansa lalo na sa mga lalawigan na kasalukuyang apektado ng El Nino.
TUMANGGAP ng recognition sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco bilang 2023 Outstanding Public Servants mula sa RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).
NAKATANGGAP sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco ng recognition bilang 2023 Outstanding Public Servants mula sa RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD). Nagpasalamat naman ang Tiangco brothers sa kontribusyon ng mga opisyal at empleyado ng lungsod sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko at mga Navoteño sa kanilang matatag na pagtitiwala at suporta. (Richard Mesa)
NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Japanese government na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa panloloko lamang na bomb threats na natanggap ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa Pilipinas.
NANININDIGAN ang Kapamilya young actress at newest endorser ng Beautederm na si Gillian Vicencio, na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
NATANONG si Carla Abellana na bibida sa upcoming murder mystery series na