PINABULAANAN ni Kelvin Miranda na hindi siya ang tinutukoy sa blind item ng direktor na si Darryl Yap tungkol sa isang aktor na na-“booking” umano ng international singer na si Sam Smith.
Sa naturang blind, nai-book daw ni Sam Smith ang isang aktor sa halagang P1 milyon kada gabi.
“Ang dami na ring nag-ta-tag sa ’kin, even my friends, sine-send sa ’kin sa messenger, sa IG. Kailangan ba lahat, ito ‘yung pag-usapan?
“Gusto ko lang sabihin sa kanila na hindi, hindi totoo. Kumbaga, bakit ko gagawin ‘yun? Kumbaga, pinaghirapan ko lahat ng kung anong meron ako tapos sa ganoong klaseng bagay,” sey ng Sparkle actor.
Ayon kay Kelvin, hindi niya hinuhusgahan ang mga taong sangkot sa mga “booking” o pagbabayad kapalit ng one night stand.
“Pero ako kasi, hindi ako sanay nang hinuhusgahan ako. At hindi ko ginagawa ‘yung ganoong klaseng bagay.
“Mas gusto kong ginagastos ko ‘yung pera na kinikita ko. So hindi. Hindi talaga,” diin pa ni Kelvin.
Bibida si Kelvin sa upcoming ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ bilang si Adamus ang unang lalaking Sang’gre, na tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig.
Kasama ni Kelvin sina Angel Guardian bilang si Deia, tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin, Faith da Silva bilang Flamarra, tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy, at Bianca Umali bilang si Terra, bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.
***
NAG-CELEBRATE ang Movie Queen at “First Lady of Philippine Cinema” na si Gloria Romero ng kanyang 90th birthday noong Biyernes, December 15, sa Sampaguita Events Place sa Quezon City. December 16, ang birthday ni Tita Glo.
Dumalo sa kanyang birthday celebration ang ilang mga kasamahan niya sa industriya gaya nina Helen Gamboa at anak nitong si Ciara Sotto, Celia Rodriguez, Boots Anson-Roa, Ricky Davao, Barbara Perez, Roderick Paulate, Laurice Guillen, Marita Zobel, Daisy Romualdez, Pepito Rodriguez, Liza Lorena, at iba pang mga personalidad.
Mukhang retired na sa pag-arte si Tita Glo at inaalagaan siya ng kanyang anak na si Maritess Gutierrez. Huling paglabas niya sa TV ay sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ sa GMA noong 2020. Huling pelikula niya ay ‘Rainbow’s Sunset’ noong 2018.
Ilang awards na napanalunan ni Tita Glo ay tatlong FAMAS Awards (Dalagang Ilokanq, Nagbabagang Luha, Tanging Yaman), dalawang Luna Awards (Tanging Yaman, Magnifico), at dalawang Gawad Urian (Tanging Yaman, Magnifico).
***
PUMANAW sa edad na 61 ang aktor na si Andre Braugher, na napanood sa mga hit comedy series na Brooklyn Nine-Nine at sa drama series “Homicide: Life on the Street.”
Kinumpirma ng publicist ni Andre na si Jennifer Allen ang malungkot na balita sa People and Variety.
Pumanaw ang aktor noong Lunes sanhi ng karamdaman. Tumatak sa mga televiewers si Andre sa kanyang role bilang si Captain Raymond Holt sa Brooklyn Nine-Nine na umere for 8 seasons.
Gumanap naman siya bilang si Detective Frank Pembleton sa Homicide: Life on Street, na nagbigay sa kanya ng Emmy award for lead actor.
Napanood din siya sa TV shows tulad na Gideon’s Crossing, Hack, Men of a Certain Age at Thief na nagbigay sa kanya ng ikalawang Emmy award.
(RUEL J. MENDOZA)
POSIBLENG umabot sa 50,000 jeepney drivers sa Metro Manila ang hindi na makabiyahe at tuluyang mawalan ng trabaho sa pagsisimula ng taong 2024.
NASA Pilipinas muli ang “The Voice” season 19 alumna na si Ryan Gallagher para sa promo ng kanyang kinompos na “The Feeling of Christmas” na nagkaroon ng world release last November at napapakinggan na sa mga music platforms tulad ng Spotify at Apple Music.
MAY kinalaman sa kanyang kalusugan ang New-Year’s Resolution ni Christian Bables.
WHAT if everything you believed in as a kid was real? From the imagination of John Krasinski, enter a world you have to believe to see.
INIULAT ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagkakadagdag ng 10,000 hanggang 15,000 na mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila, simula nag-umpisa ang buwan ng Disyembre batay sa regular monitoring ng ahensiya.
NAGDEKLARA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa sila sa balak na magkaron ng 2-linggong welga na gagawin ng mga grupo ng progresibong sektor ng transportasyon.
INIULAT ng administrasyong Marcos, araw ng Lunes ang P14.5 billion na kabuuang puhunan kasunod ng business event ng Department of Trade and Industry-led (DTI) sa idinaos na ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.
NAKIISA ang gobyerno ng PIlipinas sa mga member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagkondena sa ginawang paglulunsad ng North Korea intercontinental ballistic missile patungo sa dagat ng Japan.