• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2023

P6K fuel subsidy sa jeepney at tricycle operators

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TARGET  ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)  na makapagbigay ng P6,000 fuel subsidy sa mga operator ng pampasaherong jeep at tricycle sa susunod na buwan ng Agosto.

 

 

Sa QC forum, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na plano nilang ibigay ang naturang subsidy upang makatulong sa naturang mga operators sa tumaas na gastusin sa operasyon ng pampasaherong sasakyan dahil sa tumaas na halaga ng produktong petrolyo.

 

 

Niliwanag naman ni Guadiz na prayoridad na unang makatanggap ng subsidy ay ang mga pampasaherong jeep na sumailalim na sa consolidation o kasama na sa kooperatiba alinsunod sa rekisitos ng PUV mo­dernization program ng pamahalaan.

 

 

“Kung hindi sila magko consolidate, bakit sila bibigyan ng subsidy..kaya ang bibigyan lang muna natin ng subsidy  ay yaong mga nag consolidate na..na nag- ayos na pumasok na sa modernization” sabi ni Guadiz.

 

 

Idinagdag pa nito na noong Hunyo ay umaabot na sa 64.9 percent ng nasa transport sector ang sumailalim na sa consolidation o pagsasama- sama ng mga pampasaherong sasakyan para sa pagbuo ng kooperatiba o korporasyon.

 

 

Target anya ng LTFRB na sa December 31,2023 ay may 85 hanggang 90 percent na ang mga pampasaherong sasakyan na sumailalim sa consolidation.

 

 

Ang consolidation o pagsasama-sama ng mga PUVs sa iisang  kooperatiba o korporasyon na isang hakbang para sa planong PUV modernization program ng pamahalaan.

 

 

Niliwanag naman ni Ortega na patuloy ang gagawin nilang pag-iikot sa ibat ibang panig ng bansa upang makausap at maipaliwanag sa mga hanay ng transportasyon ang kahalagahan ng pag-consolidate o pagsama-sama sa isang kooperatiba.

 

 

Iniulat din ni Chairman Andy Ortega ng Office of Transport Cooperative na pinag-aaralan pa nila ng LTFRB sa pangunguna ng DOTr ang mga guidelines  sa ipapamahaging fuel subsidy.

 

 

Samantala, iniulat naman ni LTO President Orlando Marquez na naiparating din ng LTFRB  sa kanilang hanay  na tutulungan sila ng ahensiya na maisailalim sa rehablitasyon ang mga traditional jeep  na  matagal na pero  road worthy pa sa ganitong paraan ay mababawasan din ang kanilang agam-agam na mawalan na ng kuwenta ang mga sasakyan.

Walang makatatalo sa eksena sa totoong buhay: BEA, iba’t-ibang emosyon ang naramdaman nang mag-propose na si DOM

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING nagulat sa engagement announcement nina Kapuso actress Bea Alonzo at boyfriend Dominic Roque, dahil kamakailan lamang ay nagsabi si Bea sa kanyang vlog na hindi pa sila magpapakasal ni Dom.  

 

 

Pero last Wednesday evening nga ay sabay na nag-post ng proposal ni Dom kay Bea habang nagpi-pictorial ito sa Las Casas:

 

 

“07.18.23 Sunset. “It was a balmy afternoon in Las Casas. I was there for a shoot, but little did I know that the next thing that would happen would change our lives forever.

 

 

“In the middle of the shoot, Mark Nicdao kept telling me to turn around because he wanted to shoot the back side of my dress.  I found it a bit odd, but when I turned around, I found Dom kneeling with a box in his hand.

 

 

“You see, I have done so many proposal scenes in my entire career, but nothing beats the real thing.  I have been doing it all wrong! Hahaha, Dom said his speech, and it’s like time stood still.  Everything went in slow motion.  And I felt different emotions all at the same time – joy, excitement, love.

 

 

“I started bawling (swipe to see my ugly cry).  But I didn’t want that moment to end.  I want this real thing to happen forever… and right then there… In front of the people we love…we decided on forever.”

 

 

Kasunod noon ang maraming congratulations na natanggap nina Bea at Dom from friends.

 

 

                                                            ***

 

 

EXCITED na ang mga netizen sa highly anticipated na “GMA Gala 2023” na hinihintay nila kung ano ang mga isusuot na mga naggagandahang outfits ng mga Kapuso stars, lalo na ang mga Kapuso couples, na tiyak na magpapakilig sa pagrampa nila sa red carpet.

 

 

Pero siguradong mami-miss ng kanilang mga fans ang mga magka-loveteam na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, dahil umalis na sila last Wednesday, July 19, para mag-attend ng San Diego Comic-Con (SDCC) 2023, ang biggest annual comics convention sa California, USA na gaganapin from July 20 to 23, na naimbitahan ang “Voltes V: Legacy.”

 

 

Kasama nilang umalis si Gabby Eigenmann at mga heads for GMA Drama and Director Mark Reyes.

 

 

Marami ring nagtatanong kung a-attemd sina Vic Sotto at Jose Manalo na may mga shows sa GMA, at ang mga hosts ng “It’s Showtime,” dahil nakikita na silang isa-isang naggi-guest sa mga shows ng GMA-7, particularly sa “Fast Talk with Boy Abunda.”  Nauna na ngang nag-guest si Anne Curtis, then nag-guest na rin si Amy Perez.

 

 

Ilang Kapuso stars na rin ang nag-guest naman sa “It’s Showtime” noong opening day nila last July 1, at nag-promote naman si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose ng upcoming movie niyang “The Cheating Game” na showing na in cinemas on July 26.

 

 

                                                            ***

 

 

WISH naman pala ni “It’s Showtime” host Vhong Navarro na mag-guest sa kanilang show si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, na hinahangaan daw niya dahil napakabait nito.

 

 

Nagpasalamat din si Vhong sa GMA dahil binigyan sila ng bagong tahanan sa GMA Network.  Nagpasalamat din siya sa mga Kapuso na tinanggap sila nang buong-buo.

 

 

Natanong si Vhong kung papayag siyang gumawa ng project sa GMA?

 

 

“Buong puso ko pong tatanggapin,” sagot ni Vhong.

 

 

“Napakaganda ang nangyayari ngayon na nagko-collaborate na ang mga networks para makagawa ng magagandang projects ang kanilang mga artista sa kabilang network.”

(NORA V. CALDERON)

LTO, nagpapalabas ng permit sa driving schools sa kabila ng invalid documents – COA

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang ilang tanggapan ng  Land Transportation Office (LTO) para sa pagpapalabas ng permit o sertipiko ng accreditation o akreditasyon para sa  driving schools noong nakaraang taon  kahit pa ang mga isinumiteng dokumento ay  invalid o incomplete. 
Sa pinakabagong audit report  para sa  Department of Transportation (DOTr), sinabi ng COA na  ang 189 o 66.32% ng 285 driving school applicants ay inaprubahan sa kabila ng kulang sa  requirements.
Ang mga ito ay inaprubahan ng DOTr-Cordillera Administrative Region,  tanggapan ng LTO  sa National Capital Region, Central Luzon, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen regions.
Maliban sa kulang sa documentary requirements,  sinabi ng COA na ang mga aplikante ay walang “proper facilities at equipment” para makapagbigay ng  driving lessons.
“The laxity in the review and evaluation of the documentary requirements and on the conduct of site inspections by the RAC (regional accreditation committee) defeats the objectives for which these minimum requirements were imposed,” ayon kay COA sa audit report, in-upload sa kanilang website noong Hulyo  13.
Ang LTO offices ay required  na atasan ang  driving school applicants na magsumite ng tamang dokumento para sa akreditasyon.
Pinayuhan din ng COA ang  LTO na maging istrikto sa pagsasagawa ng site inspections sa mga classrooms, maneuvering sites, at iba pang pasilidad bago magpalabas ng permit.
Kinilala naman ng  LTO regional offices ang obserbasyon ng  COA at sinang-ayunan ang rekomendasyon nito.  (Daris Jose)

Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa desisyong ilayo ang MIF sa pamumulitika

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PINURI  ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilayo sa pamumulitika ang Maharlika Investment Fund (MIF).
Kumpiyansa si Speaker Romualdez na makatutulong ang hakbang na ito ng Pangulo sa ikatatagumpay ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos tinanggihan nito ang panukala na siya o ang Finance Secretary ang mamuno sa MIF.
Iginiit nito na ang MIF ay dapat patakbuhin ng competent at independent financial managers.
Sa ilalim ng RA 11954 o Act Establishing the MIF na nilagdaan ng Pangulo noong Martes, magsisilbi lamang na ex-officio chairperson ang kalihim ng Department of Finance. (Daris Jose)

Ben Affleck’s Final Batman Costume Would’ve Been His Best Yet

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BEN Affleck’s final Batman costume would have been his best yet, had it not been cut from The Flash.

 

Affleck’s DCEU Batman appeared at the start of the movie, with the character having an action sequence that may be the closest to the comics Batman has ever had in a movie. While he had an important role in The Flash, telling Ezra Miller’s Barry Allen in an emotional conversation that he should not try to change the past, Affleck’s role was ultimately brief. Adding to that, the actor apparently had a scene cut, and it would have featured his best Batman costume yet.

 

Affleck’s Batman had quite the visual change in The Flash. Affleck’s Batman costume in The Flash featured a stark change in the character’s color palette from his previous DCEU outings. Likely to fit the movie’s lighter tone in comparison to the rest of the DCEU, director Andy Muschietti decided to leave behind the black and dark gray combination that most other Affleck Batsuits had in favor of a blue and gray design that served as a nod to the character’s similar costume from the comics.

 

The Flash’s blue and gray Batman costume has the same design as Affleck’s silver and black suit from the movie’s deleted post-credits scene, as rejected concept art of Affleck’s The Flash Batman suit reveals in detail. However, the mix of silver and black helps hide some design choices that made the Dark Knight’s blue and gray The Flash suit look too busy, with many distracting parts, in the finished film.

 

Affleck’s silver and black Batsuit has a more practical design than the majority of his Batman costumes, and it looks great. While there have been story reasons for Affleck’s Batman to wear Batsuits with more intricate designs, such as the armor he dons to be able to fight Henry Cavill’s Superman, the practical design of his cut silver and black suit manages to be the best of both worlds.

 

It retains elements that make it impossible for a regular person to assemble, but at the same time looks easier to be put together by Bruce, with the sleek and simple design in The Flash being a worthy addition to the DCEU Batman. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Nag-celebrate pa ng 2nd anniversary last May: ARIANA GRANDE, hiwalay na sa asawa na si DALTON GOMEZ

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAIKUWENTO ni Sef Cadayona na pumasok na sa isip niya nitong mga nagdaang mga buwan na mag-quit na siya sa showbiz.

 

 

 

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit hindi na siya sumama sa bagong timeslot ng “Bubble Gang.”

 

 

 

“Actually hindi naman ako nawala, nandito pa rin ako. Kung kailangan niyo po ako nandito pa rin ako. But for me, I think it was my time to graduate and to look into a different side ng buhay ko,” paliwanag ni Sef.

 

 

 

Patungkol ito ni Sef kung bakit hindi na siya nakasama sa bagong timeslot ng “Bubble Gang”.

 

 

 

“Going back months before, actually ayoko nang mag-showbiz. I don’t know. Kung sa damdamin lang, parang hindi ko nakikita na nagsa-shine ulit ‘yung talent ko. In a sense, yes, na hindi showbiz.”

 

 

 

Ayon sa aktor, dumating ang pagkakataon na nagdududa siya sa sarili pagdating sa showbiz.

 

 

 

“Hindi rin po sa hindi stable sa showbiz, more on sa akin po iniisip ko, ‘Okay pa ba ako? Okay pa ba ako dito? Nagagampanan ko pa ba ‘yung role ko?,’” pahayag niya.

 

 

 

Sa kabila ng kaniyang pinagdaanan, nagpasalamat si Sef sa kaniyang GMA bosses, na gumabay sa kaniya para sa kaniyang desisyon na manatili sa industriya.

 

 

 

“Nakita ko po ‘yung pagmamahal nila,” sabi ni Sef.

 

 

 

Gaganap naman ngayon si Sef sa bagong Kapuso series na “Love Before Sunrise” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.

 

 

 

***

 

 

 

SA Hong Kong Disneyland ginawa ni Allen Ansay ang kanyang proposal kay Sofia para maging date niya sa GMA Thanksgiving Gala 2023.

 

 

 

Sa in-upload na video ni Allen sa official YouTube channel nila si Sofia, kinuwento niya ang naging plano niya para maging special ang proposal niya.

 

 

 

“Balak ko sana, mamayang gabi, pag-fireworks sa Disneyland, gusto ko sa kanya mag-propose gamit ito,” sabay pakita ni Allen ang tablet na may words na “Will you be my date in the GMA Gala?”

 

 

 

Kahit na magka-loveteam sila ni Sofia at marami na silang nagawang TV shows, hindi pa rin daw nawawala ang kaba at nerbyos niya lalo na at gagawin niya ang proposal sa harap ng maraming tao.

 

 

 

“Pag nagpalpak ‘to, hindi ko na puwede ulitin kasi maraming makakakita. Kinakabahan ako pero alam kong magagawa ko ‘to nang maayos,” sey ni Allen na nakasuporta sa gagawin niya ang kanyang mommy.

 

 

 

Buong araw nga raw sila namasyal ni Sofia sa Ocean Park at Disneyland hanggang sa sumapit na ang gabi para sa fireworks display.

 

 

 

Noong magsimula na ang pagputok ng mga colorful fireworks sa ere, doon na nilabas ni Allen ang tablet at tinapik niya sa balikat si Sofia para makita ang proposal niya.

 

 

 

Noong mabasa ni Sofia, ngumiti ito at nag-“yes” sabay thumbs up kay Allen.

 

 

 

“Yes mga ka-Team Jolly, successful na naman tayo at napasagot ko siya!” masayang balita ni Allen sa video.

 

 

 

Kaya abangan sa red carpet ng GMA Gala Ball on July 22 ang Team Jolly / AlFia loveteam.

 

 

 

***

 

 

 

AFTER two years, hiwalay na si Ariana Grande sa asawa nitong si Dalton Gomez.

 

 

 

Ayon sa report ng People: “The couple separated earlier this year and have been quietly and lovingly working on their friendship.”

 

 

 

Kasalukuyang nasa London si Ariana at ginagawa ang film adaptation ng musical na ‘Wicked’. Nakita ito sa set na hindi na suot ang kanyang wedding ring.

 

 

 

Last year ay nakitang hindi na suot ni Ariana ang wedding ring sa isang makeup tutorial on Tiktok. Pero pinabulaanan ng singer sa naging usap-usapan noon na hiwalay na sila ni Dalton.

 

 

 

Ang naging rason noon ni Ariana: “I’m just not wearing my wedding ring, it’s getting cleaned. I’m not getting a divorce before you start, don’t.”

 

 

 

Nakapag-celebrate pa sila ni Dalton ng second wedding anniversary nila noong May.

 

 

 

Kinasal noong May 2021 sina Ariana at Dalton sa Montecito, California, with less than 20 people present.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

RAIN WATER COLLECTION SYSTEM ILALAPAT NA SA BUONG QC

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si City Engineer Atty. Dave Perral na mag-install at magpagana ng mga rain water collection system sa lahat ng gusaling pag-aari ng lungsod at maging sa mga pampublikong paaralan sa syudad.

 

 

Ito ay bilang bahagi ng mga inisyatiba ng Quezon City LGU para tugunan ang mga nakaschedule na water interruption na makaaapekto sa ilang barangay.

 

 

Inaasahang aabot ng hanggang 11 oras ang nasabing mga interruption bunsod na rin ng patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam, ayon na rin sa Maynilad.

 

 

Ayon kay Belmonte, malaki ang maitutulong nito para mapagaan ang epekto ng water interruption sa ating lungsod, lalo na sa mga komunidad na maaapektuhan ng water interruption.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga water companies upang matiyak na walang tagas o leak ang mga linya ng tubig.

 

 

Gayundin naman, maging ang Barangay and Community Relations Department ay inatasan na rin ni Belmonte na makipag coordinate sa Maynilad upang mamonitor ang schedule ng mga water tanker na aalalay sa mga apektadong barangay.

 

 

Samantala, responsibilidad naman ng Public Affairs and Information Services Depaetment o PAISD at ng Quezon City Citizen Services Department na makipag-ugnayan sa mga water concessionaires para sa mabilisang pagpapalaganap ng information kaugnay nga sa water interruption schedules. (PAUL JOHN REYES)

NEDA board, nagbigay ng go signal para sa P170.6B NAIA rehab

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang P170.6-billion Ninoy Aquino International Airport (NAIA) rehabilitation project.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang  “solicited proposal to rehabilitate, operate, expand and transfer the NAIA” project  ay isasagawa sa ilalim ng  public-private partnership (PPP) scheme.
Ang nasabing proyekto, sa ilalim ng  Department of Transportation at Manila International Airport Authority (MIAC), nagkakahalaga ng P170.6 billion ay isasagawa sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP).
“This initiative seeks to address long-standing issues at NAIA, including inadequate capacity and restricted aircraft movement,” dagdag na wika ni Balisacan.
Layon ng proyekto na itaas ang annual airport capacity mula  35 million  ay maging  62 milyong pasahero, palakasin ang  air traffic movement, at i- improve ang overall passenger experience at service quality.
“This also includes the improvement of all passenger terminals in NAIA and all its facilities, including those that have previously caused inconvenience,” paglilinaw ni  Balisacan.
Inaasahan naman na magsisimula ang proyekto sa taong 2024.
Ang  NAIA PPP project ay mayroong concession period na  15 taon at karagdagang 10-year extension, depende sa  performance ng  winning bidder.
“This includes improvement of all passenger terminals at the NAIA and all its facilities, including those previously identified as causes of inconvenience,” aniya pa rin.
“The goal of the project is to address long-standing issues at NAIA such as the inadequate capacity of passenger terminal buildings and restricted aircraft movement. It also aims to increase air traffic movement from 40 to 48 per hour,” dagdag na wika ni Balisacan.
At dahil sa desisyon ng pamahalaan na isulong ang solicited mode ng  NAIA rehabilitation, umaasa naman si Balisacan  na iyong mga mas pinili na magsumite ng unsolicited proposal sa pamahalaan ay magpapartisipa rin  sa  solicited bidding.
Sa kabilang dako, ang pangalawang inaprubahang proyekto ay ang Samar Pacific Coastal Road II Project, na may budget na P 7.48 billion. Kasama rito ang konstruksyon ng dalawang  marine bridges, gaya ng  Laoang II Bridge at Calomotan Bridge, at maging ang pagpapahusay sa kasalukuyan daan sa pagitan ng  Laoang Island at mainland Samar Island.
“This 15-kilometer infrastructure development is expected to improve connectivity in the region and promote economic growth,” ani Balisacan.
Inaprubahan din ang Unsolicited Proposal for the Upgrade, Expansion, Operation, and Maintenance of the Laguindingan International Airport Project.
“With an estimated cost of P12.75 billion, this initiative focuses on integrating sustainable and digitally advanced features into the design and operation of the Laguindingan International Airport in Misamis Oriental,” ayon kay Balisacan.
Ang proyekto, na isasailalim sa  PPP,  naglalayong palakasin ang regional development, i-promote ang turismo at magbigay ng mas maayos na “travel experience” para sa mga pasahero.
Idagdag pa sa bagong mga proyekto, inaprubahan din ng NEDA Board ang pagbabago sa “scope, cost, design, at/o loan validity” para sa apat na nagpapatuloy na  infrastructure projects.
Kabilang aniya rito ang Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation o IDRR-CCA Measures sa Low-Lying Areas ng  Pampanga Bay Project;  Jalaur River Multipurpose Project Stage II project;  Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II o MMIP II; at, ang Cebu Bus Rapid Transit Project.
Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Balisacan ang Proposed Adoption ng  National Policy on Infrastructure Sector Master Plans,  naglalayong “to harmonize and rationalize the formulation of master plans for the infrastructure sector.”
Ang polisiyang ito ay makasisiguro ng koordinasyon, synergy, at kakayahang tumugon ng sektor para sa mga umuusbong na usapin.
Samantala, sinabi ni Balisacan na isang executive order ang ipalalabas para palakasin  ang implementasyon ng nasabing polisiya sa buong bansa. (Daris Jose)

PBBM, umaasa na matitigil na ang 4Ps dahil sa food stamp program

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
UMAASA  si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na matutuldukan na ang  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa food stamp program. 
“Sana. Ibig sabihin kasi pag kaya na natin itigil ‘yan, sasabihin natin ibig sabihin wala ng nangangailangan. Maganda talaga kung maabot natin ‘yun. Pero kahit papano kung minsan tinatamaan halimbawa ng bagyo, tinatamaan ng peste, tinatamaan ng kung anu-ano eh kailangan pa rin tulungan,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam matapos ang isinagawang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program Kick-Off Activity sa Don Bosco Youth Center Tondo, Technical Vocational Education and Training Center, Tondo, Lungsod ng Maynila.
“‘Yung 4Ps eh ‘yung pantawid ‘yun eh. So kung hindi na kailangan magtawid ibig sabihin may trabaho na, may kaya na ang tao, kahit man lang mapakain ang sarili, ang pamilya, sana umabot tayo sa ganoon,” dagdag na wika nito.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati na ang poverty alleviation ay “ultimate goal” ng kanyang  administrasyon sa pagtatapos ng 2028.
“We have always tried to rise up from the throes of poverty but the problem of hunger and malnutrition still remains. And that’s why it has become a priority of this government that we will fight all the poverty. We will put in all the programs so that one day we can say that we are able to give our people, at the very least, the food that they need to survive, the nutrition that they need to survive,” lahad ng Punong Ehekutibo.
“That is the dream of this administration. That is what we are hoping to achieve in this administration, that by the end of 2028, we can say that we have done everything to reduce.” (Daris Jose)

PBBM sa ₱20 per kilo na bigas ‘We’re doing everything’

Posted on: July 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para matupad ang kanyang 2022 campaign promise na bawasan ang presyo ng bigas sa ₱20 kada kilo.

 

 

Araw ng Lunes, inamin ng Pangulo na hindi pa nya natutupad ang kanyang pangako.

 

 

“Iyon pa rin ‘yung ating hangarin na ₱20 na bigas ay wala pa tayo roon pero ginagawa natin ang lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati kasunod ng paglagda sa  Memorandum of Agreement para sa  Kadiwa ng Pangulo kasama ang  local government units.

 

 

“As of July 17,” makikita sa data ng  Department of Agriculture na ang  per kilogram na presyo ng bigas ay mula  ₱36 hanggang ₱48.

 

 

Tinuran ng Pangulo na ang pagpapalawig sa Kadiwa ng Pangulo sa buong Pilipinas ay maaaring nakapagpabawas sa presyo ng  agricultural products dahil mawawala ang tumatayong “middlemen.”

 

 

“Ang programa ng Kadiwa ay napakasimple lamang at tayo ay ginagawa natin ay pinalalapit natin sa magsasaka ang palengke. Kaya’t ‘yung mga middleman, ‘yung mga added cost ay binabawasan natin nang husto ‘yan. Sa ganyang paraan ay maipagbili natin ng presyo na mababa,”  ang winika ng Pangulo. (Daris Jose)