• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa desisyong ilayo ang MIF sa pamumulitika

PINURIĀ  ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ilayo sa pamumulitika ang Maharlika Investment Fund (MIF).
Kumpiyansa si Speaker Romualdez na makatutulong ang hakbang na ito ng Pangulo sa ikatatagumpay ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos tinanggihan nito ang panukala na siya o ang Finance Secretary ang mamuno sa MIF.
Iginiit nito na ang MIF ay dapat patakbuhin ng competent at independent financial managers.
Sa ilalim ng RA 11954 o Act Establishing the MIF na nilagdaan ng Pangulo noong Martes, magsisilbi lamang na ex-officio chairperson ang kalihim ng Department of Finance. (Daris Jose)