INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinanggap nito ang pagbibitiw sa serbisyo ng 18 Third-Level Officers ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y sangkot sa illegal drugs activities.
Base na rin ito sa naging rekumendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na masusing nag-imbestiga sa usaping ito.
Sa isang liham kay Pangulong Marcos, ipinaalam ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. sa Pangulo na ang Ad Hoc Advisory Group ay nagsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa di umano’y pagkakasangkot ng 953 Third Level Officers sa illegal drugs activities.
Sinabi nito na nagsumite ng kani-kanilang courtesy resignation ang mga nasabing opisyal kahit pa may nakabinbing imbestigasyon ang mga ito.
Sa 953, inirekomenda ng grupo ang non-acceptance sa 935 courtesy resignations at acceptance sa resignation ng mga sumusunod na 18 officers:
- PBGEN Remus Balingasa Medina O-10038
- PBGEN Randy Quines Peralta O-05124
- PBGEN Pablo Gacayan Labra II O-03734
- PCOL Rogarth Bulalacao Campo O-08477
- PCOL Rommel Javier Ochave O-08085
- PCOL Rommel Allaga Velasco O-08084
- PCOL Robin King Sarmiento O-03552
- PCOL Fernando Reyes Ortega O-07478
- PCOL Rex Ordoño Derilo O-10549
- PCOL Julian Tesorero Olonan O-12395
- PCOL Rolando Tapon Portera O-07520
- PCOL Lawrence Bonifacio Cajipe O-12905
- PCOL Dario Milagrosa Menor O-07757
- PCOL Joel Kagayed Tampis O-08180
- PCOL Michael Arcillas David O-07686
- PCOL Igmedio Belonio Bernaldez O-12544
- PCOL Rodolfo Calope Albotra Jr O-08061
- PCOL Marvin Barba Sanchez O-08043
Ayon sa PNP Chief, patuloy na mino-monitor ang mga nasabing opisyal.
Sinabi pa nito na ang kinakailangang “orders for their relief from their present positions will be immediately issued and the (resigned) officers will be assigned to the Personnel Holding and Accounting Unit, DPRM (Directorate for Personnel and Records Management) to preclude them from exerting further influence and/or performing illegal activities using their positions.”
Sa simula pa lamang ng kanyang administrasyon, nangako na ang Pangulo na “to clean up the ranks of the PNP, saying that the drug problem would not exist without the involvement of police officials.”
Samantala, sa SONA pa rin ng Pangulo, sinabi nito na magtatalaga siya ng mga indibidwal na may “unquestionable integrity” para pangunahan ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga. Lalagyan aniya ng kanyang administrasyon ng bagong mukha ang nasabing kampanya.
“In their stead, we will install individuals with unquestionable integrity, who will be effective and trustworthy in handling the task of eliminating this dreaded and corrosive social curse. We cannot tolerate corruption or incompetence in government,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Binigyang diin ng Pangulo na ang pamahalaan ay “will relentlessly continue our fight against drug syndicates, shutting down their illegal activities. We will shut down their activities and dismantle their network of operations.” (Daris Jose)
ANG BAGONG talagang chief ng Land Transportation Office (LTO) ay nangako na tutukan ang backlog ng mga license plates sa harap ng mga opisyales at empleyado ng ahensiya noong nakaraang Lunes.
ANG bongga naman ni Kapuso Teen actress Jillian Ward, nang mag-attend siya ng GMA Gala 2023 sa Marriot Hotel last Saturday, July 22.
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na nakatala bilang top 6 most wanted sa bayan ng Mandaon, Masbate matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City.
Ito ang kumpiyansang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon.
DIRECTOR BEN WHEATLEY TALKS ABOUT WHY HE WANTED TO HELM “MEG 2: THE TRENCH”
SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na mawawalan ng connectivity ang mga indibidwal na hindi nakapagrehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) pagsapit ng alas-12:01 ng Hulyo 26.
UMAPELA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang mga priority legislations kabilang na ang tax measures at ang reporma sa military pension.
MISMONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang humikayat na sa mga mambabatas na ipasa na ang Immigration Modernization Act, kapalit ng 82-taon nang lumang immigration law.