GAGANAP bilang Mary Ann Armstrong si Carla Abellana sa Voltes V: Legacy.
Anak ni Mary Ann sina Steve, Big Bert at Little Jon sa kuwento ng Voltes V: Legacy na eere sa GMA ngayong May 8.
Hindi ba na-overwhelm si Carla na tatlong lalakiang anak niya sa series gayong sa tunay na buhay ay wala pa siyang anak?
Tumawa muna si Carla bago sumagot…
“Nakakatuwa, lalo na kasi iba-iba sila ng personalities, yung tatlong Armstrong boys iba-iba ng special abilities or ng talents, kanya-kanya, iba-iba po.
“Medyo extremes, may isang napakakulit, may isang napakasobrang talino, may isa namang medyo matikas or yun bang very stern, very ano siya… serious, yung ganun, serious si Steve Armstrong.
“So iba-iba sila and nakakatuwa kasi tama lang yung blend, tama lang actually yung combination of the three Armstrong boys and Mary Ann Armstrong, so hindi po ako nahirapan.
“Siguro as a real life Mary Ann Armstrong kahit sino mahihirapan po sa ganung role, pero ako sobrang na-enjoy ko po yun, talagang super favorite ko sila and iba-iba din po kasi sila in real life and I really enjoyed working with the three boys, sina Matt Lozano, si Miguel Tanfelix and si Raphael Landicho, sobrang na-enjoy ko po yun,” kuwento sa amin ni Carla.
***
NAPANOOD namin sa red carpet premiere ‘Ang Adik Sa ‘Yo’ ng Viva Films.
Panay nga ang tilian sa loob ng Cinema 2 ng mga gay fans ni JM lalo na kapag shirtless scenes na niya ang nasa screen.
Nagulat kami kay Cindy Miranda dahil kaya niyang magpatawa onscreen sa unahang bahagi ng pelikula at magpaiyak sa bandang huli.
At muli na naman naming napansin ang malaking pagkakahawig nina Cindy at Sanya Lopez.
At si Candy Pangilinan, komedyana pero nag-drama siya sa pelikula, at naitawid naman niya.
INANUNSYO ng Presidential Communications Office (PCO) ang bagong appointees ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
NAGPALIWANAG ang pamunuan ng Land Transportation Office kaugnay ng nagkakaubusang drivers license card para sa mga kumukuha ng lisensya.
IBINUNYAG ng kontrobersyal na si dating 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves na dalawang mataas na opisyal umano ng gobyerno ang nagpaplano ng ‘assassination plot’ laban sa kanya.
SINABI ng Presidential Communications Office na nakatakdang mag-invest ang Government Service Insurance System o GSIS ng 3 daang milyong dolyar para sa proyektong imprastraktura partikular na may kinalaman sa transport, energy at digitalization.
KAKULANGAN sa government valid IDs at digital literacy ng mga SIM card subscribers ang itinuturong dahilan ngayon kung bakit nagiging mabagal ang pag-usad ng SIM registration sa bansa.
NASAMSAM ng pulisya ang mahigit kalahating milyong peso halaga ng shabu sa tatlong tulak ng illegal na droga, kabilang ang magkapatid na listed bilang high value individual (HVI) na naaresto sa magkahiwalay na buy bust operations sa Caloocan City.
Joaquin Phoenix returns Arthur Fleck in Todd Phillips’s Joker: Folie à Deux
MALUGOD na inihayag ng UST Publishing House (USTPH) ang paglabas ng kalilimbag na aklat, sa ilalim ng kanilang creative nonfiction shelves, na “Easy Listening” ni Nestor Cuartero
MATITIGIL na siguro ang mga speculations tungkol sa pagbabagong magaganap sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga.”