• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2023

8 bagong miyembro ng Marawi Compensation Board, bagong chairman ng Commission on Filipinos Overseas, nanumpa sa harap ni ES Bersamin

Posted on: February 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA kabila ng kontrobersiyal na cash-for hire scam at para patunayan na lehitimo ang mga napipiling opisyal ng gobyerno ay pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang oath-taking ceremony ng mga bagong miyembro ng Marawi Compensation Board, ngayong araw ng Lunes, Enero 30.

 

 

Ang mga bagong appointees sa Marawi Compensation Board ay sina Dalomabi Lao Bula, Mustapha C.Dimaampao, Moslemen T. Macarambon Sr., Nasser Macapado Tabao, Mabandes Sumndad Diron Jr.,  Jamaica Lamping Dimaporo, Sittie Aliyyah Lomondot Adiong at Romaisa Lomantong Mamutuk.

 

 

Ang mga ito ay pawang mga naitalagang miyembro ng nasabing Board.

 

 

Makikita naman sa larawan na ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) sa media  na kasama ng mga bagong miyembro ng Board si ES Bersamin at SEnador Robnhood Padilla.

 

 

Samantala, nauna namang nanumpa rin sa kanyang tungkulin sa harap ni ES Bersamin si Romulo Victoria Arugay bilang  chairman ng Commission on Filipinos Overseas.

 

 

Nanumpa si Arugay sa kanyang tungkulin noong Enero 24, 2023. (Daris Jose)

Habang nanonood ng live sa ‘Eat Bulaga’: BIANCA, ‘di malilimutan ang sandali na makitang nag-e-enjoy ang kanyang lola

Posted on: February 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI malilimutan ni Bianca Umali ang sandali na makita na nag-e-enjoy ang kanyang lola na si Mama Vicky habang nanonood ng Eat Bulaga na live sa APT Studios sa Cainta, Rizal.

 

 

Guest host sa longest-running noontime show ang Sparkle couple na sina Bianca at kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.

 

 

At nitong weekend ay ibinahagi niya ang selfie kasama ang kanyang lola na tuwang-tuwa na makita ang mga dabarkads.

 

 

Sabi ni Bianca sa kaniyang Instagram post, “143, DABARKADS!!!… @eatbulaga1979, you made my Mama Vicky oh so very happy. Maraming maraming maraming salamat po! Mission Accomplished!”

 

 

Nagsilbing magulang na ni Bianca ang kaniyang Mama Vicky, matapos pumanaw ang kanyang mga magulang na sina May Soler Umali at Jose Vicente Umali.

 

 

Vocal si Bianca sa mga interviews tungkol sa naging sakripisyo ng kanyang lola ng inampon siya nito.

 

 

Lahad ni Bianca, “She is my superhero, kasi ‘yun nga noong ako po ay naulila sa mga magulang, tinanggap niya ako with her arms open, wholeheartedly, inampon niya ako sa kanila nang walang pag-aalinlangan, when I had nothing and nothing at all.

 

 

“As to who and how I am today, this, I believe is all her doing. Napalaki niya ako into a strong person and I’m very thankful for that and kung wala siya hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Classroom shortage, top priority dapat ng –DepEd

Posted on: February 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ng mga nakakaraming Filipino na unahin at resolbahin ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa mga silid-aralan.

 

 

Base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Setyembre 17-21,2022, tinanong ang 1,200 respondents kung alin sa mga nakalistang isyu ang dapat aksyunan.

 

 

Nasa 52% ang tumukoy sa kakulangan ng silid aralan, 49% sa school learning resources tulad ng aklat at computer habang 45% naman ang nagsabi sa kakulangan ng guro.

 

 

Kasunod ng mga pinatutugunan ng mga Filipino ay ang kalidad ng edukasyon, kakulangan ng text books, drug testing sa mga estudyante, mababang sahod ng mga guro, medium of instructions o wika sa pagtuturo, mga pagkakamali sa text books at competence ng mga guro.

 

 

Kabilang din sa mga pinatutugunan ang P2,000 allo­wance para sa mga estudyante na self supporting at ang seguridad ng mga bata dahil uso ang kidnapping.

 

 

Base sa 2019 National Building Inventory na 167,901 ang kakulangan ng classroom sa buong bansa at nang talakayin ang pambansang budget ngayong taon ay natukoy na kailangan ng P420 bilyon para matugunan at maipagawa ang lahat ng kinakailangan na silid-aralan. (Daris Jose)

Public apology ng Kuwait government sa pamilya Ranara, hiningi

Posted on: February 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT na mag-’public apology’ ang gobyerno ng Kuwait sa pamilya ni Jullebee Ranara, ang Pinay OFW na karumal-dumal na pinaslang ng anak ng amo ng kanyang employer sa Kuwait.

 

 

Sinabi ni Sen. Raffy Tulfo na kabilang ito sa mga kundisyong isinusulong niya kasabay ng panawagan niyang ‘total deployment ban’ sa mga first-timers OFW sa Kuwait.

 

 

Nais ni Tulfo na mag ‘public apology’ muna ang pamahalaang Kuwait sa ginawa ng isa sa kanilang mamamayan na pagpaslang kay Ranara upang sa gayon ay mapukaw sa isipan ng mga residente doon na seryoso na ang problema dahil mismong ang gobyerno na nila ang humihingi ng paumanhin sa nangyaring krimen.

 

 

Pangalawa sa mga kondisyong hinihingi ng senador ay ang pagkakaroon ng pre-screening, assessment at evaluation sa mga employers kasama ang mga kapamilya na nasa iisang household.

 

 

Ikatlo ang pagkakaroon ng pre-engagement orientation seminar para sa two-way na pagkilala kung saan inaalam din dapat ng mga employers ang kultura at kaugalian ng mga Pilipino hindi iyong mga OFWs lang ang nag-aaral tungkol sa mga magiging amo nila sa nasabing bansa.

 

 

Pang-apat ay dapat magsagawa ng mga bilateral talks at bubuo ng association ng mga employers at association ng mga OFWs kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan regular na mag-uusap tungkol sa mga umiiral na problema sa mga OFWs at maglalatag ng mga solusyon sa nasabing suliranin.

 

 

Panahon na rin umano para pag-isipan ang unti-unting paglilipat sa mga OFWs mula sa Kuwait papuntang Guam o sa iba pang lugar tulad ng Hong Kong at Singapore na umano’y ay may mataas na respeto at mas maayos ang pagtrato sa ating mga overseas workers. (Daris Jose)

Carl’s Story Resumes in the Upcoming ‘Dug Days’ Short

Posted on: February 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IN Up, Carl and Ellie’s journey through life together has truly left a mark as one of the most memorable sequences in a Pixar film, and continues to tug at our heartstrings even after 14 years since the movie was first released.

 

 

This year, Carl’s story continues with an upcoming Dug Days short subtitled Carl’s Date. Further details have yet to be revealed, but the short will reportedly follow Carl as he tries to get into the dating scene again since the death of Ellie, with the hilarious but reliable Dug as his wingman (wingdog?).

 

 

For those unfamiliar with the original film, Pixar’s Up follows the old and grumpy balloon salesman Carl, who tries to fulfill his late wife’s forgotten dream– that they find the fabled Paradise Falls. Using balloons tied up on his house, Carl flies away to the wilderness in search of the lost world, only to discover that the little Wilderness Explorer Russell was standing on his front porch, and gets caught up in his adventure.

 

 

 

Dug Days is a series of shorts revolving around the beloved canine in Up. You can stream the first five episodes of the spin-off on Disney+. The upcoming episode is set for release this February 10.

(ROHN ROMULO)

Malaking Chinese firm, nag-commit ng mas maraming investments sa Pinas kasunod ng pagbisita ni PBBM sa China

Posted on: February 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAG-commit ang isang  Chinese construction firm ng mas maraming  investment sa PIlipinas partikular na sa pamamagitan ng  public-private partnership (PPP).

 

 

Kasunod ito ng ginawang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China nito lamang unang bahagi ng buwang kasalukuyan.

 

 

Sa naging courtesy call sa Pangulo, araw ng Lunes,  ipinanukala ng China Communications Construction Co. Ltd (CCCC) ang pagtatayo ng  270-km Laoag City-Rosario City Highway Project at pagpapakilala sa Juncao technology  ng China sa PIlipinas.

 

 

Ipinanukala ng CCCC ang pagtatayo ng  Juncao Technology Demonstration Center at isang  Juncao Industrial Park para sa  Juncao grass cultivation at processing.

 

 

Ang Juncao ay isang hybrid ng Giant Napier Grass na dinivelop ng  Fujian Agriculture and Forest University mula sa 8 iba’t ibang  grasses  o damo sa pamamagitan ng  tissue culture.

 

 

Ang panukalang Juncao technology project, sa oras na maaprubahan  ay popondohan sa pamamagitan ng Chinese foreign aid.

 

 

Maliban sa nasabing panukala, nagbigay ang mga opisyal ng CCCC kay Pangulong Marcos ng update  kaugnay sa nagpapatuloy na infrastructure projects sa Pilipinas, kabilang na ang Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Project at North & South Harbor Bridge.

 

 

Sinabi ng Pangulo na ang central part  ng  economic policy ng gobyerno ay  ang  “establishment, endorsement, and promotion” ng PPPs, kung saan maaaring magpartisipa ang CCCC.

 

 

Pinalitan naman ng gobyerno ang “regulations and rules” para sa pagtatatag ng PPPs upang mas maging kaakit-akit sa mga  private corporations na pumunta ng Pilipinas at makipagtulungan sa gobyerno, ayon sa Pangulo sabay sabing hindi lilimitahan ng administrasyon ang partnerships nito sa  PPPs.

 

 

“It can be of any nature – commercial venture or joint venture with a local partner. Of course, the PPP, where you have partnership with government, even G2G — government-to-government arrangements — are also something that we have been doing for a long time and again that we wish to further,” ayon sa Chief Executive.

 

 

“The Philippines has also relaxed the rules to allow foreign contractors to bring in their own professionals with the aim of encouraging technology transfer,” dagdag na wika nito.

 

 

Umaasa naman ang Pangulo na tutulungan ng  CCCC ang Pilipinas na maisakatuparan ang mga proyekto para tiyakin ang  environmental sustainability sa gitna ng banta ng  climate change.

 

 

Ang  CCCC ay isang  Chinese state-owned enterprise  na pangunahing nauugnay sa transportation infrastructure projects gaya ng lansangan, tulay  at mga riles.

 

 

Sa kasalukuyan, mayroon itong mahigit na “60 wholly owned subsidiaries” at may operasyon sa mahigit na 150 bansa at rehiyon.

 

 

Maliban sa government projects, ang  CCCC ay nuugnay din o sangkot sa nagpapatuloy na private-led reclamation projects sa Kalakhang Maynila gaya ng Pasay Harbor City Reclamation Project at Manila Waterfront City Development Project. (Daris Jose)

Ads February 2, 2023

Posted on: February 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Doncic pumuntos ng 53 points laban sa Pistons

Posted on: February 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Umiskor si Luka Doncic ng 53 puntos sa kanyang pagbabalik sa lineup habang si Spencer Dinwiddie ay umiskor ng 10 sa kanyang 12 sa fourth quarter nang mag-rally ang Dallas Mavericks para talunin ang Detroit Pistons, 111-105, noong Lunes ng gabi (Martes, Manila time).

 

Apat sa limang career 50-point games ni Doncic ang dumating ngayong season. Umiskor siya ng career-best 60 laban sa New York Knicks sa isang laro na nag-overtime noong Disyembre 27.

 

Tumabla ang kanyang 53 puntos sa pangalawa sa pinakamaraming kasaysayan sa Dallas kasama ang kabuuan ni Dirk Nowitzki laban sa Houston Rockets noong Disyembre 2, 2004.

 

Si Doncic ay may 24 puntos sa unang quarter at 18 sa ikatlo. Pangalawa sa pagpasok ng NBA na may average na 33 puntos bawat laro, bumalik siya matapos ma-sprain ang kanyang kaliwang bukung-bukong tatlong dagdag na minuto sa laro noong nakaraang Huwebes sa Phoenix at pagkatapos ay nawala sa laro noong Sabado sa Utah.

 

Karaniwang animated at vocal sa court, si Doncic ay partikular na nasangkot sa isang tumatakbong pag-uusap kasama ang assistant coach ng Pistons na si Jerome Allen.

 

Umangat sa ika-anim na pwersto ang Mavericks (27-25) sa Western Conference, kalahating laro sa unahan ng four-team play-in positions.

 

Si Bojan Bogdanovic ay may 29 puntos at si Saddiq Bey ay umiskor ng 18 — kabilang ang limang 3-pointers — para sa Pistons (13-39), na natalo ng anim sa pito.

 

Ang panghuling basket ni Doncic ay isang shot na tumalbog sa front rim at bumagsak upang ilagay ang Dallas sa unahan 109-105 may 46 segundo ang natitira.

 

Sa susunod na posesyon ng Pistons, sumablay si Bogdanovic ng mahabang 3-pointer malapit sa kanang sideline sa gitna ng trapiko at lumapag sa kanyang likuran sa labas ng hangganan.

 

Tinawag ang Pistons ng 31 fouls sa 18 ng Mavericks. Si Doncic ay 14 of 18 sa free throw line habang ang Detroit ay nagtala ng 19 para sa 27. (CARD)

Nag-sorry kung na-hurt sa kanyang joke: DINA, walang intensyon na pasaringan si ALEX tungkol sa pagpapahid ng cake

Posted on: February 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI mismo ni Dina Bonnevie na wala siyang anumang intensyon o pananadya na pasaringan si Alex Gonzaga nang magpaalala siya na hindi dapat ipinampapahid sa tao ang cake nang magdiwang siya ng kaniyang kaarawan kamakailan.

 

 

“It was a joke,” pahayag ni Dina sa “Fast Talk with Boy Abunda” episode nitong Martes.

 

 

“Kasi that time, ‘di ba nandu’n na ‘yung cake. Tapos ‘Oh! Oh! Oh!’ ganu’nan ‘yung mga tao, parang nanunukso,” kuwento niya.

 

 

Ipinagdiwang kamakailan ni Dina ang kaniyang ika-61 kaarawan noong Enero 27, at kasama niya sa kaniyang birthday bash ang mga mahal niya sa buhay.

 

 

Kabilang sa nakita sa video sina Oyo Sotto at asawang si Kristine Hermosa at si Marc Pingris na asawa ni Danica.

 

 

Kapansin-pansin sa isang video na tila natatakot ang waiter na hawakan ang cake na malapit kay Dina. Kaya sinabi ng aktres na, “Hindi kita papahiran ng cake. Magpapasalamat ako sa ‘yo.”

 

 

Nang hawakan na ng ibang staff ang cake para magpakuha ng larawan kay Dina, nagpaalala siya na hindi dapat ipinapahid sa tao ang cake.

 

 

Sa panayam sa kaniya ni Tito Boy, sinabi ni Dina na purong biro niya lamang ito.

 

 

“‘Yung waiter natatakot. Sabi ko ‘No, no, no. I won’t put cake on your face. But not to do something. Parang joke na lang ‘yun. ‘Sige i-post mo na.’ It was a joke,” saad niya.

 

 

“But I didn’t intend to hurt… if I hurt Alex’s feelings because na-post ‘yon, sorry pero, it was a joke. Wala. We were just having fun noong birthday ko,” paliwanag pa ng aktres.

 

 

Matatandaang na mainit na pinag-usapan sa social media ang ginawang pagpahid ni Alex ng cake sa isang waiter nang ipagdiwang ang kaniyang ika-35 kaarawan.

 

 

Humingi na ng paumanhin si Alex sa naturang pangyayari at sinabing may leksiyon siyang natutunan.

 

 

***

 

 

MASAYA si Snooky Serna na maging bahagi ng GMA series na ‘Underage’ na pelikula noon nila nina Maricel Soriano at Dina Bonnevie.

 

 

Kaya naman panay papuri ng beteranang aktres sa Underage co-stars niya na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes. Inilarawan niya ang tatlo bilang “good choices” para sa kani-kanilang roles dahil sa pagiging “very humble, always on time, and very professional.”

 

 

“Wala akong masabi sa dun sa tatlong bata. They are all so kind, they’re very generous and sa acting po, when we’re acting together, very cooperative po ‘yung mga bata,” saad ni Snooky sa panayam ni Lhar Santiago sa Chika Minute.

 

 

Dagdag pa nito, “They’re fun to be with on the set.”

 

 

Gumaganap si Snooky sa serye bilang si Velda Gatchalian, ang asawa ni Dominic Gatchalian na ginagampanan naman ni Christian Vasquez.

 

 

Sa naunang interview kay Snooky, pinuri rin niya ang galing ng tatlo sa pag-arte, at sinabing “they will go places talaga.”

 

 

“Nakikita ko kasi ‘yung determination nila to do good in their craft. Una sa lahat, they love their job, they love acting, they love what they’re doing, they have discipline, they have a sense of responsibility, and also they’re very humble,” dagdag pa nito.

 

 

Matatandaan na naging bahagi si Snooky ng orihinal na Underage, isang pelikula na ipinalabas noong 1980. Dito hango ang kasalukuyang GMA serye. Sa direksyon ni Joey Gosiengfiao, nakasama ng aktres sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano sa nasabing pelikula.

 

 

Binalikan ni Snooky ang sarili niyang karanasan sa pelikula, “Naisip ko, ‘Parang kailan lang, ako ‘yung underage at inaapi kami ni Tita Bella Flores. Ngayon, ako na ‘yung kontrabida, ako na si Bella Flores.”

 

 

At dahil iisa ang karakter niya noon at ni Elijah sa bagong serye, pinaalalahanan niya ang dalaga tungkol sa role na gagampanan nito.

 

 

“Sabi ko, ‘Yung role mo, mas mabigat, mas challenging ‘yung role mo ngayon,’” sabi nito.

 

 

Samantala, nagluluksa pa rin si Snooky sa pag-panaw ng nakababata at nag-iisa niyang kapatid na si Anton Serna. Ang dating aktor ay namatay noong Disyembre 2022.

 

 

“Napaka-bait po ng diyos. Binibigyan po ako ng lakas ng Panginoon to accept the fact that my brother has moved on to a better place,” sabi nito.

(ROMMEL L. GONZALES)

Labi ni Ranara, isinailalim sa NBI autopsy

Posted on: February 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINAILALIM na sa awtopsiya ng mga forensic expert ng National Bureau of Investigation (NBI) ang labi ng OFW na si Jullebee Ranara, na pinaslang at sinunog sa Kuwait ng kanyang tinedyer na amo.

 

 

Makaraang duma­ting sa bansa ang labi ni Ranara, agad na nagtu­ngo ang NBI forensic team sa punerarya sa Bacoor, Cavite na pinagdalhan sa bangkay.

 

 

Layon ng awtopsiya na masuri ang tinamong panloob at panlabas na pinsala sa katawan ng Pilipina para matukoy ang mga sirkumstansya na dahilan ng kaniyang pagkasawi.

 

 

Inaasahan naman na matatapos ang “histopathology at general toxico­logy examinations” sa mga sampol na tisyu sa loob ng dalawang linggo.

 

 

Nabatid na duma­ting sa bansa ang labi ni Ranara nitong Biyernes ng gabi at mismong ang pamilya niya ang humi­ling sa NBI na isailalim sa awtopsiya ang bangkay.

 

 

Natagpuan sa isang disyerto sa Kuwait ang labi ni Ranara na sinunog. Itinuturo ang 17-taong gulang na lalaking amo ng biktima na siyang suspek sa pagpaslang at sinasabing panggagahasa sa OFW. (Daris Jose)