• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Habang nanonood ng live sa ‘Eat Bulaga’: BIANCA, ‘di malilimutan ang sandali na makitang nag-e-enjoy ang kanyang lola

HINDI malilimutan ni Bianca Umali ang sandali na makita na nag-e-enjoy ang kanyang lola na si Mama Vicky habang nanonood ng Eat Bulaga na live sa APT Studios sa Cainta, Rizal.

 

 

Guest host sa longest-running noontime show ang Sparkle couple na sina Bianca at kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.

 

 

At nitong weekend ay ibinahagi niya ang selfie kasama ang kanyang lola na tuwang-tuwa na makita ang mga dabarkads.

 

 

Sabi ni Bianca sa kaniyang Instagram post, “143, DABARKADS!!!… @eatbulaga1979, you made my Mama Vicky oh so very happy. Maraming maraming maraming salamat po! Mission Accomplished!”

 

 

Nagsilbing magulang na ni Bianca ang kaniyang Mama Vicky, matapos pumanaw ang kanyang mga magulang na sina May Soler Umali at Jose Vicente Umali.

 

 

Vocal si Bianca sa mga interviews tungkol sa naging sakripisyo ng kanyang lola ng inampon siya nito.

 

 

Lahad ni Bianca, “She is my superhero, kasi ‘yun nga noong ako po ay naulila sa mga magulang, tinanggap niya ako with her arms open, wholeheartedly, inampon niya ako sa kanila nang walang pag-aalinlangan, when I had nothing and nothing at all.

 

 

“As to who and how I am today, this, I believe is all her doing. Napalaki niya ako into a strong person and I’m very thankful for that and kung wala siya hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.”

(ROMMEL L. GONZALES)