• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2022

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila bumaba pa sa 11.5% – OCTA

Posted on: December 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA pa sa 11.5 percent ang COVID- 19 positivity rate sa Metro Manila pero may bahagyang pagtaas naman sa apat na lalawigan sa Luzon.

 

 

 

Ayon sa OCTA research group na mula sa 13.9 percent noong  December 17  ay nakapagtala naman ng pagbaba pa o nasa 11.5 percent ang positivity rate sa NCR nitong  December 24.

 

 

 

Nitong December 25, ang rehiyon  ay nakapagtala ng 255 bagong kaso ng COVID- 19.

 

 

 

Nagkaroon naman ng pagtaas ang positivity rate sa apat na lalawigan sa Luzon sa Albay, Ilocos Sur, Kalinga at  Pampanga.

 

 

 

Ayon kay  Dr. Guido David ng OCTA Research, mula sa 23.3 percent ang  Albay ay nakapagtala ng pagtaas sa positivity rate na  35.4 percent at sa Ilocos Sur mula 30.6 percent ay naging 44.8 percent.

 

 

 

Ang Kalinga naman ay nakapagtala ng  positivity rate na  41.7 percent mula sa 26.2 percent at sa Pampanga na mula sa 12.5 percent ay naging 17 percent ang Covid-19 positivity rate. (Daris Jose)

Brent Paraiso nagbabu na sa Letran Knights

Posted on: December 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGKALARO sa dalawang magkakaibang collegiate league at makatikim ng gayung dami ng kampeonato, pro rank na ang bet sa papasok na taon ni Brent Paraiso ng bagong koronang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball three-peat champion Letran Knights.

 

 

Kasapi rin siya ng La Salle Green Archers na namayagpag sa 79th University Athletic Association of the Philippines 2016 men’s hoop at umabot sa 82nd edition 2019 finals sa pagtawid sa Santo Tomas Growling Tigers.

 

 

“Siyempre, ‘yan naman ang goal natin mula bata eh, umabot sa PBA (Philippine Basketball Association),” bulalas Lunes ng 6-foot-2 guard na tumawid ng CSJL sa NCAA noong 2020 nang masangkot ang UST sa ‘Sorsogon Bubble.’

 

 

Pinantayan niya at mga kasangga ang huling three-straight championship ng Intramuros-based squad na giniyahan ni Avelino ‘Samboy’ lim Jr. noong 1982-84.

 

 

“Sobrang saya kasi last year ko na eh, tapos nag-champion pa. Nag-simula ako, nag-champion kami, rookie year ko sa La Salle. Natapos, champion pa rin. Napakasarap sa pakiramdam,” wakas na sey ng basketbolista. (CARD)

Jose Emmanuel Eala, Olivia Coo tuloy lang ang trabaho sa PSC

Posted on: December 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULOY lang ang Philippine Sports Commission kahit kulang pa ng tatlong tao para mabuo ang 5-man Board of Commissioners.

 

 

Sina chairman Jose Emmanuel Eala at commissioner Olivia ‘Bong’ Coo pa lang ang nasa Board na mga nagpapatupad ng gawain sa ahensiya ng gobyerno para sa grassroots at elite sports ng bansa.

 

 

Kasunod ng pagpuri ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga atleta bilang mga bagong bayani, nakita sa last quarter ng taon ng PSC na dapat makipkip ang momentum sa isang bagong chartered sports upang mabalanse ang tagumpay ng elite at grassroots.

 

 

Sinimulan ni Eala ang hakbang sa PSC-NSA consultative meeting sa 68 sa 74 na national sports associations sa Philippine International Convention Center noong Oktubre 13. (CARD)

Sinulit ang panahong nasa bansa: Bonding ni BB sa mga anak na nina ROBIN at MARIEL, ang gandang tingnan

Posted on: December 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG gandang tingnan na nakikipag-bonding na si BB Gandanghari sa mga anak na nila Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

 

 

Sa Instagram post ni BB, binisita niya ang dalawang pamangkin kay Robin na sina Isabella at Gabriela.

 

 

“#childLike: Don’t worry, be happy. Being in the presence of children has the ability to be more present: watching their moves, conversations, humor and most of all play.

 

 

“If we, as adults, can incorporate this child-like behavior into our daily lives: we can learn to live more from the heart,” caption pa ni BB.

 

 

Limang taon din kasing tumira sa US si BB para makuha nito ang kanyang pagiging American citizen. Inayos daw niya ang ilang documents ng kanyang pagpalit ng pangalan (Rustom Padilla) at gender na inaprubahan na ng Los Angeles court.

 

 

Nauna nang nakipag-bond si BB sa kanilang inang si Eva Carino na ilang taon niyang hindi nakasama at sinulit niya ang panahon na nandito siya sa bansa lalo na’t Pasko at Bagong Taon.

(RUEL J. MENDOZA)

SIM card registration nagsimula

Posted on: December 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDA  na ang mga pangunahing telecommunications company para sa pagpapatupad ng subscriber identity module (SIM) Card Re­gistration Act na magsisimula ngayon.

 

 

“As relayed to us by the different telcos, they are already ready with their systems come tomorrow and then are ready to accept the registration nationwide starting December 27,” pahayag kahapon ni National Telecommunications Commission (NTC) Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan.

 

 

Inamin ng Department of Information and Communications Technology na maaa­ring magkaroon ng mga problema sa unang da­lawang linggo ng SIM registration bagaman at nangako ang mga telecom companies na patuloy nilang pagbubutihin ang kanilang mga proseso.

 

 

Ayon kay DITC Undersecretary Anna Mae Lamentillo, magsisilbing test registration ang unang dalawang linggo pero valid pa rin ito kahit pa magkaroon ng kaunting aberya.

 

 

Para sa registration concerns, ang mga users ng Smart ay maaa­ring magrehistro sa https://smart.com.ph/simreg; ang users ng Globe Telecom Inc. ay sa https://new.globe.com.ph/simreg, habang ang users ng DITO Telecommunity Corp. ay maaaring magre­histro sa https://dito.ph/registerDITO. (Daris Jose)

Private hospitals, nakaalerto na sa mga mabibiktima ng paputok

Posted on: December 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
NAKAALERTO na ang mga pribadong ospital sa bansa sa inaasahang pagtaas ng mga insidente ng mga mabibiktima ng paputok habang papalapit ang Bagong Taon.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Jose Rene de Grano, hindi tulad ng mga nakaraang selebrasyon ng Bagong Taon, inaasahan nila ngayon na tataas ang mga kaso dahil sa mas maluwag o halos kawalan na ng restriksyon ng pamahalaan.
“Ang ating mga priba­dong ospital, lagi namang nakahanda ‘yan. Of course, inaantabayanan natin ang mga firecracker injuries kasi medyo delikado ‘yan kung hindi agad malalapatan ng lunas,” pahayag ni De Grano.
“Lahat sila ay on alert din katulad din ng mga government facilities,” dagdag niya.
Nitong Disyembre 25, nasa lima pa lamang na kaso ng naputukan ang naitatala ng Department of Health (DOH) na mas mababa ng 50% kumpara sa naitala noong nakaraang taon.
Payo ni De Grano sa mga mapuputukan, agad na linisan ng tubig at sabon ang sugat saka dalhin sa ospital o anumang health facility.
Pero pinakamainam umano ay huwag nang magpaputok para mas malusog ang pagsalubong sa Bagong Taon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Naiyak sa tuwa sa regalong natanggap: Tanging hiling ni DAGUL sa 2023, makabalik sa pag-arte

Posted on: December 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG bumalik sa pag-arte sa TV ang tanging hiling ng komedyanteng si Dagul para sa 2023.

 

 

Bukod daw sa na-miss niya ang umarte, may dalawang anak pa raw siya na pinag-aaral.

 

 

Noong magkaroon kasi ng pandemya noong 2020 ay nawalang ng regular na trabaho si Dagul na siyang nakaapekto sa kanilang kabuhayan. Dating may sari-sari store sila na kailangan nilang isara dahil naubos na ang puhunan nila para rito.

 

 

Nagpapasalamat na lang si Dagul na kinakaya nilang pamilya ang dumating na krisis sa kanilang buhay dahil na rin sa dasal at sa tulong ng ilang mga kaibigan.

 

 

“Ito, survive survive, diskarte. Kahit paano, may kinikita kahit kaunti. Ang sabi nga ng misis ko, ganu’n talaga ang buhay, minsan maganda. Sanay naman kami sa hindi ‘yung pamumuhay na mayaman talaga, kasi galing din ako sa mahirap eh,” pahayag pa niya.

 

 

Nitong nakaraang Noche Buena, hindi raw sila nagplano at nagdasal na lang na makatanggap sila ng biyaya. Nataon na pinadalhan ang pamilya niya ng Noche Buena package ng Kapuso network na may kasama pang GMA Affordabox at GMA Now, at ang regalo mula sa Kapuso Foundation.

 

 

Minsan na kasing naisadula sa ‘Magpakailanman’ ang life story ni Dagul at nakapag-guest pa sa ‘Boobay at Tekla Show’ ang kanyang anak na si Jkhriez.

 

 

Naiyak sa sobrang tuwa ni Dagul nang matanggap ang regalo mula sa GMA para sa kanyang pamilya ngayong Pasko.

(RUEL J. MENDOZA)

BBM, nangako ng maayos na internet connections sa mga malalayong lugar

Posted on: December 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPAGPAPATULOY ng gobyernong Marcos ang paglalagay ng internet connections sa mga malalayong lugar.

 

 

 

Ito ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mamamayang Filipino na ang access sa web ay itinuturing nitong ” post-pandemic must-have.”

 

 

 

Ang pahayag na ito ng Chief Executive ay matapos na makiisa siya sa Zoom call sa pagitan ng  Department of Information and Communications Technology (DICT) at mga stakeholders ng departamento.

 

 

 

“Gusto kong subukan kung talagang yung sinasabi sa akin ni Sec. Ivan (John Uy) e talagang gumagana,” ang pahayag ni Pangulong Marcos, tinawag pabango kanyang sarili na gatecrasher sa Zoom call.

 

 

 

“Mukha namang marami na tayong nalagyan ng bagong connection para may internet na sila ngayon… Lalo na ‘yung malalayo dahil yan ang mas may kailangan, lalo na yung mga bata para sa kanilang eskuwela,” ang wika ng Pangulo.

 

 

 

“Umpisa pa lang ito. Gagawin natin ito para masabi natin na lahat ng Pinoy kayang kausapin lahat ng ibang Pinoy,” dagdag na pahayag nito.

 

 

 

Binati naman ng Punong Ehekutibo ang DICT para sa free WiFi project nito.

 

 

 

Tinuran ng Pangulo na ang bagong kondisyon na inilagay ng mga ito ay  “working nicely.”

 

 

 

“Yung iba’t ibang lugar nagkaroon na ng internet kaya’t dadagdagan pa natin,” ani Pangulong Marcos.

 

 

 

“Buti na lang maraming bagong teknolohiya na puwede nating gamitin na we are taking advantage of para naman sa buong Pilipinas ay makaramdam tayo ng connectivity at napaka importante ngayon niyan,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

 

 

Sinasabing, pangunahing target sa libreng internet services ayon kay Pangulong Marcos ang mga lugar na kahit access sa mobile cellular services ay hindi available.

 

 

 

Nitong December 24 nang pinangunahan ni Pangulong Marcos ang virtual rollout ng “Broadband ng Masa” Program para sa mga mag-aaral at mga guro mula sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS). (Daris Jose)

Pagpaparehistro ng SIM card, dapat gawing madali para sa mga senior citizen – Poe

Posted on: December 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN  ni Senator Grace Poe ang telecommunication companies at National Telecommunications Commission (NTC) na dapat tiyakin na maging madali ang pagpaparehistro ng Subscriber Identity Module (SIM) card para sa mga senior citizen kasabay ng pagsisimula na bukas, Disyembre 27 ng mandatory SIM registration.

 

 

 

Ayon sa Senadora dapat na ang Sim registration ay gawing madali lamang gaya ng texting o pag-send ng text message.

 

 

 

Dapat din na mayroong portals ang telcos para sa registration na user-friendly at hikayatin ang mobile users na magpatala nang walang hassle at pagkaantala ng mga serbisyon.

 

 

 

Hinihimok din ang telecommunication companies na tulungan ang mga persons with disabilities, minors, buntis at ang mga walang access sa internet.

 

 

 

Nagpaalala naman ang ilang telco na maging maingat sa mga text messages na natatanggap na naglalaman ng pekeng URLs dahil magmumula lamang ang lehitimong mga mensahe mula sa mismong telecommunication company. (Daris Jose)

NAKAPAG-GENERATE ng $23.6 billion na investment pledges ang foreign visits ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong taon.

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
Tinukoy ang accomplishment report ng  Department of Trade and Industry (DTI), ang state visits ni Pangulong Marcos sa Indonesia at Singapore, ang kanyang  working visit sa  Estados Unidos at maging ang kanyang naging partisipasyon  sa ASEAN Summit sa Cambodia at  APEC sa Thailand “brought billions of pesos in investments as the administration gears toward aggressively attracting more foreign businesses to come to the Philippines.”
Sa sidelines ng mga nasabing  foreign trips, nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga business communities ng nabanggit na bansa para hikayatin ang mga  foreign investors.
Nauna rito, sinabi ng Pangulo na may ilang  letters of intent at memorandums of understanding ang nilagdaan ng Pilipinas kasama ang  Indonesian at Singaporean investors para sa P804.78 bilyong halaga ng investments.
Winika pa ng Malakanyang na ang “working visit” ng Pangulo sa New York  noong  Setyembre ay nakapag-generate ng   $4 bilyong halaga ng  linvestments.
Inimbitahan din ng Pangulo ang  Cambodian business leaders, na nasa sektor ng  pagkain at agrikultura, mamuhunan sa Pilipinas.
Ang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong   Marcos at  business leaders ay nangyari sa   sidelines ng ASEAN Summit.
Samantala, nagpahayag naman ang Thai companiesir ing interest na palawigin ang kanilang presensiya sa Pilipinas ayon kay  Trade Secretary Alfredo Pascual sa sidelines ng APEC Summit.