Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
ANG pagbibigay ng libreng legal assistance na naakaharap sa kaso na may kaugnayan sa kanyang tungkulin ay makakatulong para mapalakas ang morale at productivity ng mga unipormadong personnel sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies.
Ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, ang pagkaka-apruba ng House Bill 6509 sa ikatlo at huling pagbasa ay isang hakbang para mabigyan ng legal protection sa mga unipormadong personnel na naakusahan ng mali habang ginagampanan ang kanilang tungkulin na mabunyag ang mga high-profile criminal syndicates.
Ang HB 6509, ay pinagsama-samang panukalang batas nina Duterte at Benguet Rep. Eric Yap, at iba pang panukalang batas ukol sa military and uniformed personnel (MUP) ng AFP, PNP, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Philippine Coast Guard (PCG).
“Free legal assistance will strengthen our uniformed personnel’s morale, safeguarding them from unfortunate circumstances that may come with performing their sworn duties. This free legal assistance, in the premise that is not misused, could serve as an incentive and boost productivity,” pahayag nina Duterte at Yap kasunod ng panawagan para sa agarang pagpasa ng paukala.
Sa ilalim ng bill, ang sinumang MUP na nakaharap sa kasong kriminal, civil o administrative charges na service-related incidents sa prosecutor’s office, korte, administrative body, o anumang tribunal, ay mabibigyan ng free legal assistance.
Patuloy pa ring mabibigyan ng free legal aid ang mga ito hanggang sa pagreretiro sa serbisyo.
Nanawagan naman ito sa senado na ipasa ang counterpart measure ng HB 6509 kapag nagbalik sesyon ang kongreso sa susunod na buwan. (Ara Romero)
BAGSAK sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Jeffrey Gumaru, 37 ng Brgy. 118 ng lungsod.
Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 2 ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Capt. Romel Caburog sa 3rd Avenue, Brgy. 118 dakong alas-3 ng madaling araw nang mapansin nila ang suspek na kahina-hinala habang gumagala sa nasabing lugar.
Nang lapitan ng mga pulis para beripikahin ang kanyang pagkakilanlan ay tinangkang umiwas at tumakas ng suspek subalit, naaresto din siya kalaunan ng mga parak.
Nang kapkapan, nakumpiska sa kanya ang isang cal. 38 revolver na may isang bala at nang hanapan ng kaukulang mga dokumento para sa nasabing baril ay walang maipakita ang suspek.
Kasong paglabag sa Article 151 of RPC (Disobedience of Person in Authority and His Agent) of RPC, and Violation of RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions) ang isasampa ng pulisya kontra sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
KINOPO ng City of Baguio ang three-peat overall championship sa katatapos na 13th Philippine Sports Commission-Batang Pinoy 2022 National Championships sa Vigan City, Ilocos Sur.
Sumungkit ng 100 medalya ang Summer Capital, pumangalawa ang Pasig City sa 48 golds at pumangatlo ang Quezon City n 46-ginto .
Bumahagi sa 6-day sportsfest ang mga student athlete mula sa iba’t-ibang kapuluan ng bansa at sinuportahan ng MILO® Philippines.
Nakatakdang parangalan sa MILO® Batang Pursigido Awards ang mga atletang nagpakitang gilas sa Batang Pinoy na sina Adrian Jessie Magbojos ng City of Sta. Rosa (most bemedaled female athlete), Miguel Adrian Carlos ng City of Puerto Princesa (most bemedaled male athlete), City Pangasinan (pinakamalaking delegation), six-year-olds Art Joe Cabatan ng Davao de Oro at Hailey Bolico ng Pasig City (youngest male at female athletes).
Natigil ang Batang Pinoy nang umatake ang Coronavirus Disease-19 noong 2020 at tinuloy ngayong taon ng PSC sa liderato ni chairman Jose Emmanuel Eala. (CARD)
MALUBHANG nasugatan ang isang babae matapos barilin ng isa sa mga armadong holdaper na pumasok at nanloob sa bodega ng isang express delivery sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jonnel Estomo ang Caloocan City Police sa kanilang matagumpay na kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa isa umanong notoryus drug pusher na listed bilang High-Value Individual (HVI) at pagkakakumpiska sa higit P.3 milyon halaga ng shabu.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong msuspek bilang si Jovanie Monis alyas “Vanie”, 42 ng Bagong Silang, Brgy 176, ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-5:40 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Phase 10 B, Kalayaan St, Barangay 176, Bagong Silang matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa talamak na pagbebenta umano ng suspek ng illegal drugs.
Agad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos bintahan ng P52,500 halaga ng umano’y shabu ang isang undercover police poseur-buyer.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 340,000.00; at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 52 pirasong P1,000 boodle money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
BAD NEWS para sa ating mga kababayan ngayong pagpasok ng bagong taon dahil may nakaambang na taas singil sa tubig sa unang buwan ng 2023.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, na ang naturang taas singil ng Maynilad at Manila Water ay para sa pagpapaigting ng kanilang serbisyo tulad ng pagme-maintain ng water sheds at pagsipsip ng mga septic tank kada limang taon.
Ayon naman kay Manila Water Spokesperson Jeric Sevilla na isa sa sample computation nito ay kung kumukunsumo ka ng 20 cubic meters kada buwan at 25 percent sa basic charge na nasa 300 pesos ay may karagdagang 82 pesos sa environmental charge na madadagdag sa inyong water bill.
Samantala ayon naman sa maynilad na mananatili parin sila sa 20 percent na basic charge ngunit magdadagdag naman sila sa basic charge ng kanilang water bill.
2022-2023 (77TH) NBA STANDING
EASTERN CONFERENCE
TEAM W L
1. Boston 24 10
2. Milwaukee 22 11
3. Brooklyn 22 12
4. Cleveland 22 13
5. Philadelphia 20 12
6. New York 18 16
7. Atlanta 17 16
8. Indiana 17 17
9. Miami Heat 17 17
10. Toronto 15 18
11. Chicago 14 19
12. Washington 13 21
13. Orlando 13 21
14. Charlotte 9 25
15. Detroit 8 28
WESTERN CONFERENCE
TEAM W L
1. Denver 21 11
2. New Orleans 21 12
3. Memphis 20 12
4. LA Clippers 20 15
5. Phoenix 19 15
6. Sacramento 17 14
7. Dallas 19 17
8. Dallas 18 16
9. Utah 19 17
10. Golden State 16 18
11. Minnesota 16 18
12. Oklahoma 14 19
13. LA Lakers 13 20
14. San Antonio 11 22
15. Houston 10 23
RESULTS:
Portland 124, Charlotte 113
San Antonio 126, Utah 122
New Orleans 113, Indiana 93
Houston 133, Chicago 118
Miami 113, Minnesota 110
Brooklyn 125, Cleveland 117
LA Clippers 142, DSetroit 131 (OT)
WALANG makaiskor para sa San Antonio sa final minutes, rumesponde si Tre Jones para ipreserba ang 126-122 pambulagang panalo ng Spurs laban sa Utah Jazz sa 77th National Basketball Association 2022-23 regular season game sa AT&T Center nitong Lunes.
Ibinaon ni Jones ang huling dalawang buckets ng Spurs(11-22) at tumapos ng 11 points, 5 rebounds at 5 assists.
Limang Spurs ang umiskor ng double digits sa pangunguna ng 24 ni Devin Vassell na may 8 assists pa. May 21 si Keldon Johnson, sorpresang 20 points kay Malaki Branham off the bench.
Nag-ambag si Jakob Poeltl ng 16 markers, 9 boards.
Naligtasan ng San Antonio ang maangas na laro nina Lauri Markkanen (32 points, 12 rebounds) at Jordan Clarkson (25-7).
Nasa unahan ang Spurs 96-82 pagkatapos ng third quarter, hinigpitan ng Jazz (19-17) ang depensa sa fourth para manatili sa laro.
Nagkasa ng 10-0 run ang Utah para idikit sa apat papasok ng final minute bago ang bail-out baskets ni Jones . (CARD)
BALAK ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maglunsad ng higit sa 15,000 libreng Wi-Fi sites sa unang kalahati ng 2023.
Iniulat din ng DICT na umabot sa 4,757 lives sites ang na-activate sa ilalim ng Broadband ng Masa (BBM) at Libreng WiFi.
Ang 4,757 live sites ay nasa 17 rehiyon, 75 probinsya at National Capital Region sa ilalim ng digitalization initiative ng gobyerno.
Ito ay karagdagan sa 606 lungsod at munisipalidad na sumailalim sa digitalization.
Iniulat din ng DICT na itinulak nito ang pagpasa ng SIM Card Registration Act, sinusubaybayan ang higit sa 1,000 banta sa cybersecurity, nagsagawa ng mga sesyon sa Data Privacy Act, at naglunsad ng mga programa ng Cybersecurity Awareness.
Inilista rin ng DICT sa year-end report nito ang mga plano at target nito para sa susunod na taon.
Kabilang dito ang mga plano para sa digital na imprastraktura, pagsulong ng pamumuhunan, pati na rin ang mga pagpapabuti sa kahusayan ng burukrasya.
Upang isulong ang mga pamumuhunan, ang Digital Cities Program ay magse-set up ng mga lokasyon ng Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) sa 31 lungsod sa 2025 upang makabuo ng mga trabaho sa kanayunan. (Daris Jose)
Pumanaw na ang legendary golfer na si Kathy Whitworth sa edad 83.
Kinumpirma ito ng Ladies Professional Golf Association ng US ang pagpanaw ng award-winning golfer.
Ayon sa LPGA na bigla na la mang itong nalagutan ng hininga haban nagdiriwang ng kapaskuhan.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang mga kaanak nito kung ano ang sanhi ng kamatayan niya.
Noong 1981 kasi ay siya ang unang babae na kumita ng $1 milyon sa LPGA tour.
Huling professional title nito ay noong 1985.
Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay sa pamamagitan ng kanilang mga social media ang ilang mga kilalang golf players sa mundo. (CARD)