ANG gandang tingnan na nakikipag-bonding na si BB Gandanghari sa mga anak na nila Robin Padilla at Mariel Rodriguez.
Sa Instagram post ni BB, binisita niya ang dalawang pamangkin kay Robin na sina Isabella at Gabriela.
“#childLike: Don’t worry, be happy. Being in the presence of children has the ability to be more present: watching their moves, conversations, humor and most of all play.
“If we, as adults, can incorporate this child-like behavior into our daily lives: we can learn to live more from the heart,” caption pa ni BB.
Limang taon din kasing tumira sa US si BB para makuha nito ang kanyang pagiging American citizen. Inayos daw niya ang ilang documents ng kanyang pagpalit ng pangalan (Rustom Padilla) at gender na inaprubahan na ng Los Angeles court.
Nauna nang nakipag-bond si BB sa kanilang inang si Eva Carino na ilang taon niyang hindi nakasama at sinulit niya ang panahon na nandito siya sa bansa lalo na’t Pasko at Bagong Taon.
(RUEL J. MENDOZA)
HANDA na ang mga pangunahing telecommunications company para sa pagpapatupad ng subscriber identity module (SIM) Card Registration Act na magsisimula ngayon.
NAKAALERTO na ang mga pribadong ospital sa bansa sa inaasahang pagtaas ng mga insidente ng mga mabibiktima ng paputok habang papalapit ang Bagong Taon.
ANG bumalik sa pag-arte sa TV ang tanging hiling ng komedyanteng si Dagul para sa 2023.
IPAGPAPATULOY ng gobyernong Marcos ang paglalagay ng internet connections sa mga malalayong lugar.
PINAALALAHANAN ni Senator Grace Poe ang telecommunication companies at National Telecommunications Commission (NTC) na dapat tiyakin na maging madali ang pagpaparehistro ng Subscriber Identity Module (SIM) card para sa mga senior citizen kasabay ng pagsisimula na bukas, Disyembre 27 ng mandatory SIM registration.