• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

PSA, minomonitor ang ‘shrinking products’ kaugnay sa inflation

Posted on: August 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINUSUBAYBAYAN ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung paano maaaring makaapekto ang tumataas na inflation sa laki o kalidad ng mga produkto upang mapanatiling pareho ang mga presyo o ang konsepto na tinatawag na “shrinkflation.”

 

 

Inihayag ni PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa na makikita ang konsepto ng shrinkflation sa mga restaurants at cafeterias.

 

 

Ang Shrinkflation ay tinukoy bilang ang pagsasanay ng mga negosyo sa pagbabawas ng kanilang produkto habang ang presyo ay nananatiling pareho sa gitna ng pagtaas ng mga gastos sa produksyon.

 

 

Sinabi ni Mapa na “inutusan na niya ang kanilang mga data collector na tingnan kung naobserbahan nila ang pagbawas sa dami ng nilutong pagkain sa mga restaurant at cafe”.

 

 

Aniya, sa ngayon ay wala pang report na may substantial concern dito.

 

 

Nauna nang lumabas ang report na maraming mga panadero ang niliitan ang size ng pandesal dahil sa inflation.

 

 

Depensa naman ni Lucito Chavez, presidente ng Philippine Federation of Bakers, libu-libong mga gumagawa ng tinapay ang naaakit sa mas mataas na halaga para sa mga raw materials, na karamihan ay imported.

‘Top Gun: Maverick’ Expected to Surpass Titanic’s Domestic Box Office Record

Posted on: August 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TOP Gun: Maverick is likely to become the seventh biggest film ever at the domestic box office, a record currently held by Titanic.

 

 

Top Gun: Maverick premiered this May and has been screening in theaters ever since. It’s the sequel to the original Top Gun (1986), also starring Tom Cruise and Val Kilmer, with Miles Teller, Jennifer Connelly, and Glen Powell joining them in Top Gun: Maverick cast. The movie follows Maverick (Cruise) as he trains a group of TOPGUN Navy fighter pilots.

 

 

Top Gun: Maverick has been doing extremely well at the box office, breaking many records. On June 17, Top Gun: Maverick became Cruise’s highest-grossing movie of his entire career, and on June 26, the movie officially crossed the $1 billion mark for combined domestic and international box office numbers.

 

 

Many fans and critics have praised the movie for being even better than the original, while some have critiqued it for being nothing more than tired, cookie-cutter U.S. military propaganda. Regardless, its massive box office numbers speak to just how popular this movie has been and continues to be.

 

 

According to Variety, Top Gun: Maverick is set to break another record: the domestic box office’s seventh biggest movie ever. As of today, Top Gun: Maverick has grossed over $657 million, while Titanic has grossed over $659 million.

 

 

And as Top Gun: Maverick is currently in theaters while Titanic is not, the $2 million gap between the two movies is almost certain to close soon. Of the top ten movies on the All-Time Domestic Box Office list, Titanic is the only one left that was not released in the 21st century. It’s also one of the few on the list not released as a sequel or part of a larger universe like the MCU.

 

 

As many movie lovers have expressed frustration that few truly original movies are being greenlit by Hollywood executives, it’s interesting to see how movies like Top Gun: Maverick, which are based on existing IP, are doing extremely well numbers-wise, often surpassing their originals. For example, Top Gun: Maverick has far exceeded its original in terms of box office numbers; the original has only grossed $180 million at the domestic box office, only a third of its sequel.Titanic isn’t guaranteed to permanently relinquish its spot to Top Gun: Maverick, though.

 

 

For its 25th anniversary, a remastered version of Titanic will be hitting theaters, likely in early 2023. Depending on how popular that ends up being, there’s a chance that Titanic will be able to climb the ranks of the All-Time Domestic Box Office list again. Top Gun: Maverick is slowly losing its box office dominance, as it looks like it may exit the domestic box office’s top five movies for the first time ever this week. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Jimuel Pacquiao ‘wagi sa pinakabagong amateur fight sa California

Posted on: August 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGTALA nang panibagong panalo ang anak ni dating Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao matapos na talunin via decision si Dylan Merriken sa laban na ginanap sa Quiet Cannon Conference and Event Center sa Montebello, California nitong araw ng Biyernes.

 

 

Ang panalo ng 21-anyos na si Pacquiao sa three-round bout ay bilang pagbangon sa kanyang unang career loss noong nakalipas na buwan ng Hunyo laban sa American na si Chris Smith.

 

 

Sa ngayon hawak na ni Jimuel ang 4-1 win-loss record.

 

 

Personal namang nanood sa ringside sa laban ng panganay ng boxing legend ang ina na si Jinkee at ang mga kapatid na sina Mary Divine Grace at Queen Elizabeth at ang MP Promotions president na si Sean Gibbons.

 

 

Aminado naman si Jinkee na mas kinakabahan siya ng husto sa laban ng anak kumpara sa mga dating laban ng mister.

 

 

Si Jimuel ay sumasailalim sa training sa sikat na Wild Card Gym sa kamay ng kababayang trainer na si Marvin Somodio.

Maligayang ika-49th Founding Anniversary sa ALPHA KAPPA RHO International Humanitarian Service Fraternity and Sorority

Posted on: August 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Pagbati na din sa Kappa Rho Community Chapter ng Valenzuela Skeptron Council na magdiriwang ng ika-9th Chapter Anniversary sa August 13, 2022, lalo kay Chairman Edmar Jimenez, Founder/Organizer Roi Alabastro at Grand Skeptron Carl Dacasin.

 

(CARDS)

Ads August 6, 2022

Posted on: August 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PELIKULANG MAID IN MALACANANG, HUWAG PANOORIN PANAWAGAN NG OBISPO

Posted on: August 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN  ang isang Obispo na huwag tangkilikin ang kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang.”

 

 

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, inilarawan nito  ang  pelikula bilang “shameless,” at nanawagan sa mga tao sa likod nito na mag-isyu ng paghingi ng tawad.

 

 

“The producer, scriptwriter, director and  those promoting this movie should publicly apologize to the Carmelite nuns, to President Cory Aquino’s family and to the Filipino people,” sabi ng prelate ayon sa CBCP News..

 

 

Nag-react ang prelate sa trailer ng pelikula na naglalarawan sa yumaong pangulo na naglalaro ng mahjong kasama ang isang grupo ng mga madre.

 

 

Humingi ng kanlungan si Aquino  sa monasteryo ng Carmelite sa Cebu noong 1986 Edsa People Power Revolution kung saan natulog ito ng magdamag.

 

 

Hinamon ng Obispo ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na nasa ilalim ng Office upang kumilos sa isyu at gamitin ang mandato nito.

 

 

“Would the MTRCB act responsibly on this and perform its mandated duty?” pagtatanong pa ni Bishop Alminaza. (Gene Adsuara)

Sa isinusulong na vegetable gardening… Land-use conversion dapat itigil

Posted on: August 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA muling pagsusulong ni Senadora Cynthia Villar ng vegetable gardening bilang solusyon sa food crisis, dapat ipatigil ng bagong administrasyon ang conversion ng sakahang lupa sa subdivisions o commercial areas.

 

 

Ayon sa Anakpawis Party-list at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), karamihan sa mga nasabing lupa ay ginagamit bilang taniman ng bigas tuwing tag-ulan at gulay  tuwing panahon ng tag-init.

 

 

“Tinutulak din namin ang vegetable gardening kahit sa mga baryo, laluna noong 2020 lockdown, kung saan wala namang ayudang binigay ang gubyerno.  Gayunpaman, mas superyor na solusyon ang kagyat na pagpapatigil ng land use conversion para manatili itong lupa para sa produksyon ng pagkain, at hindi para maging subdivision,” ayon kay Rafael Mariano, Anakpawis Party-list National Chairperson at Chairperson Emeritus ng KMP.

 

 

Kabilang sa listahan ng mga hinihingi ng KMP sa gobyerno ay ang pagpapalabas ng executive order para ipatigil ang “conversion of agricultural lands devoted to or suitable for the production of stable food crops.”

 

 

Sinabi pa nito na maraming mga magsasaka ang gustong magtanim ngunit inaagawan umano ng lupa at pinapalayas.

 

 

“Kaya natural lang, na nakaapekto ito sa kabuuang suplay ng pagkain.  Ang mga ina-announce ng gubyerno ngayon ay panay iwas sa pinakakrusyal na usaping dapat manatili sa lupa ang mga magsasaka para lumikha ng pagkain.  Kaya sa kagyat, dapat itigil ang mga land-use conversion at panatiliin ang food production,” pagtatapos ni Mariano. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

MSMEs protektahan laban sa cyber attacks

Posted on: August 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT magsanib puwersa ang mga kalihim ng Departments of Trade and Industry (DTI) at Information and Communications Technology (DICT) para masigurong nakahanda ang business sector laban sa lumalaking bilang ng panganib sa online, lalo na sa ulat ng isa sa bawat dalawang small and medium enterprises  (SMEs) ay dumaranas ng cyber attacks simula noong nakalipas na taon.

 

 

Sinabi ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na dapat dagdagan ng dalawang ahensiya ang kanilang kampanya upang maengganyo ang mga SMEs na lumipat na sa digital platforms sa pamamagitan ng malawakang information drive at protektahan ang mga ito laban sa cyber criminals.

 

 

“We welcome the plan of Trade Secretary Alfred Pascual to focus on digitalizing the processes of the DTI as well as of SMEs as this will dramatically improve the ease and cost of doing business in the country, and expand the market reach of  the country’s small businesses. But DTI should team up with the DICT to ensure that these digital platforms are safe and secure from hackers and other cyber threats,” ani Villafuerte.

 

 

Hindi lamang pagkalugi o pagkawala ng kita ang dulot ng cyber attacks kundi maging ang operasyon ng mga SMEs.

 

 

Sinisira din nito ang tiwala at kumpiyansa ng consumers sa kalakalan na naging biktima ng cyber attacks.

 

 

Idinagdag ng mambabatas ang dagdag cybersecurity upang masigurong protektado ang mga SMEs kapag pinalawig pa ng mga ito ang kanilang business sa digital marketplace. (Ara Romero)

Creamline hataw agad sa semis!

Posted on: August 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MABILIS  na nasawata ng Open Conference champion Creamline ang apoy ng Philippine Army, 25-21, 23-25, 25-19, 25-17, upang mainit na simulan ang semis drive nito sa Premier Volleyball League Invitational Conference na dumayo sa Ynares Center sa Antipolo City kahapon.

 

 

Apat na players ng Cool Smashers ang nagtala ng double digits sa pangu­nguna ni Open Conference MVP Tots Carlos na pumalo ng 24 puntos at 19 digs para pamunuan ang Cool Smashers na makuha ang 1-0 rekord sa semis.

 

 

Nagdagdag si team captain Alyssa Valdez ng 19 puntos samantalang umiskor naman si outside hitter Jema Galanza ng 12 puntos, 14 digs at walong receptions.

 

 

Lamang ng 20 attack points ang Cool Smashers laban sa Lady Troopers, 63-43 habang nakakuha ito ng walong blocks kabilang ang tatlo galing kay Panaga.

 

 

“We were able to recover from the second set since Army won’t give up that easily. That’s all we’re looking for since the game is already there. And everybody contributed,” ani Creamline coach Sherwin Meneses.

 

 

Nahulog ang Lady Troopers sa 0-2 baraha.

 

 

Sa ikalawang laro, nasolo ng PLDT Home Fibr ang liderato matapos pataubin ang Cignal, 15-25, 25-13, 25-23, 25-23, upang manatiling malinis ang rekord nito sa semis.

 

 

Umangat sa 2-0 ang High Speed Hitters habang bagsak sa 0-1 ang HD Spikers.

 

 

Mainit si middle blocker Dell Palomata nang humataw ito ng 19 puntos mula sa 16 attacks at tatlong blocks para tulungan ang High Speed Hitters na makuha ang panalo.

 

 

“Nasa mindset namin na huwag kaming bumitaw, huwag kami mag-doubt. Tulung-tulong lang kami ng mga teammates ko,” ani Palomata.

Panukala na magpapalawak sa potensyal ng gastronomiya sa Pilipinas, inihain

Posted on: August 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BILANG paggigiit sa pangangailangan na ganap na mapalawak ang buong potensyal ng bansa sa gastronomiya, hinimok ng isang mambabatas ang paglikha ng isang ahensiya na magiging responsable sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga polisiya, at pagsasagawa ng mga programa at oportunidad para sa gastronomiya at sektor ng culinary heritage.

 

 

Iniakda ni Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, Chairman ng Espesyal na Komite ng Creative Industry and Performing Arts, ang House Bill 619 na lilikha sa Committee on Philippine Gastronomy and Culinary Heritage.

 

 

Sa panukala, nilinaw ni De Venecia na bilang pagpapahayag ng kultural na tradisyon, ang gastronomiya at culinary heritage ay bahagi ng kultura at pagkakakilanlan ng Pilipinas.

 

 

“However, there has been no formal government body that is tasked to study and develop the field,” aniya.

 

 

Binanggit ni De Venecia na ang pagkaing Pilipino kamakailan ay tumatak sa mundo ng culinary, sa pamamagitan ng KASAMA bilang unang restorang Pilipino na ginawaran ng unang Michelin Star.

 

 

Inilarawan ni De Venecia ang hinaharap ng Philippine gastronomy na magiging tanyag, basta mayroon lamang maayos na landas para ito ay lumago.

 

 

Sa pagtukoy sa panukala, ang terminong “gastronomy” ay tumutuon sa pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng pagkain at kultura, ang sining ng paghahanda at pagsisilbi ng masagana o maselan at kaaya-ayang pagkain, ang pamamaraan ng pagluluto ng mga partikular na rehiyon,  at ang siyensya ng maayos at wastong pagluluto.

 

 

Samantala, ang “culinary heritage” ay hinggil naman sa mga pagkain o resipi na niluluto at ginagawa ng ating mga ninuno, at pagsasama-sama ng mga pinanggalingan ng mga pagkaing may kaugnayan sa mga aktibidad ng mga grupong kultural o rehiyon.

 

 

Ang panukalang Committee on Philippine Gastronomy and Culinary Heritage ay isasailalim sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), sa ilalim ng Subcommittee on Cultural Heritage.

 

 

Babalangkasin ng naturang grupo, higit sa lahat, ang mga polisiya, plano at programa upang matiyak ang ganap na kaunlaran, pagsasaayos,  pagpapalawak, pagsusulong at pagpepreserba ng espesyal na pagkaing Pilipino, Filipino culinary heritage, mga minanang pagkain, at gastronomiya. (Ara Romero)