HAPPY ang mga fans ni Kapuso Drama King Dennis Trillo, ngayong balik-trabaho na siya sa bagong naiibang teleserye sa GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra.”
Marami na ang nagtatanong kung ano raw ang naturang serye, kung ito raw ang story nina Maria Clara at Ibarra na mga pangunahing tauhan ng “Noli Me Tangere” na sinulat ng Pambansang Bayani natin, si Dr. Jose Rizal?
Sinasabi lamang ng mga sumusulat ng script na ito raw ay magbibigay ng bagong perspective sa mga nobela ni Dr. Rizal ang upcoming historical portal fantasy ng “Maria Clara at Ibarra.”
Pero paano kaya kung ang isang Gen Z ay mapunta sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal?
Iyon daw ang dapat abangan sa kuwento ng nursing student na si Klay na gustong-gusto nang makaalis ng bansa para magtrabaho. Pero magigising na lamang siya isang araw at matatagpuan ang sarili sa mundo ng Noli Me Tangere.
Makikilala niya rito sina Maria Clara, Ibarra at iba pang characters sa mga nobela na magtuturo sa kanya ng kahalagahan ng kasaysayan, pag-unawa sa kapwa, pagmamahal sa bayan at higit sa lahat ang kapangyarihan ng pag-ibig.
Makakasama dito ni Dennis sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, at Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza. Ang “Maria Clara at Ibarra” ay mula sa mga bumuo ng “Encantadia,” “My Husband’s Lover,” “Sahaya” at “Legal Wives.” Ito ang next big cultural offering, na may halong romance at adventure ng Kapuso Network.
***
KAPAG wala palang taping si Carmina Villarroel ng bago niyang GMA Afternoon series na “Abot Kamay na Pangarap”, pinapanood niya ang serye naman ng asawang si Zoren Legaspi.
Ito ang controversial at pinag-uusapang afternoon prime series na “Apoy sa Langit” kasama niya sina Maricel Laxa, Mikee Quintos at Lianne Valentin. Pero minsan daw ay hindi matingnan ni Carmina ang mga eksena nila, lalo na yung mga intense intimate scenes ni Cesar (Zoren) at ng kabit nitong si Stella (Lianne).
“Kilala ko kasing conservative si Zoren, pero nang tanggapin niya ang role, pinag-aralan niya ang character ni Cesar,” kuwento ni Carmina.
“Kaya hindi ako nagtataka kung bakit million views lagi ang nakukuha nila araw-araw, dahil talagang tututukan mo ang bawat eksena, lalo pa at malapit na rin ang finale nila.”
Ang “Apoy sa Langit” ay napapanood Mondays to Saturdays, 2:30pm, after “Eat Bulaga” sa GMA-7.
***
NAGULAT ang mga fans ni Tom Rodriguez, nang muli na siyang mag-post sa Instagram account niya.
Last time na post niya ay last February 24 pa, na nanatiling tahimik si Tom sa issue sa kanila ng wife na si Carla Abellana.
IG post ni Tom noon ay ang movie niya na “The Last Five Years” na isang Vivamax Original movie na pinagtambalan nila ni Meg Imperial. Parang tama-tamang raw kay Tom ang caption niya ng much-anticipated hugot movie na nagtatanong siya ng “Nakilala, nagmahal, nasaktan. Kailan ka huling umiyak dahil sa pag-ibig?”
Maraming nag-welcome back kay Tom sa IG post niyang tumutugtog siya ng piano: “Music has got to be one of the best and free ways I’ve found to self soothe. Not much of a piano player, but it was fun trying to find my own way to play this John Mayer song.”
Bigo naman ang mga fans ni Tom na hindi niya ipinaalam kung narito na siya sa Pilipinas, o nasa sa USA pa rin.
(NORA V. CALDERON)
SA KABILA nang makulimlim na panahon at panaka-nakang pag-ambon ay natuloy din ang pagkikita nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Antony Blinken sa Malakanyang, noong Sabado, Agosto 6, 2022.
NANGAKO ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na hindi nila papanoorin ang mga ginagawa nilang love scenes sa mga kinabibilangan nilang teleserye.
NAIS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na rebyuhin ang mga standard operating procedures (SOPs) upang lumikha ng pare-pareho at magkakaugnay na diskarte sa panahon ng kalamidad.
ISANG coalition ng mga transportation rights groups ang umaangal sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginagawa ng karamihan ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
WINNER ang newest brand ambassador ng Beautéderm Corporation ng kung saan nagsimula na ang kanilang month-long 13th anniversary celebration.
NADAGDAGAN pa umano ang bilang mga apektadong eskwelahan sa lalawigan ng Abra at mga kalapit na lugar matapos na tumama ang 7.0 magnitude na lindol.
ISANG grupo ng mga Filipino sa Taiwan ang magpupulong tungkol sa evacuation plans sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Amerika at China.
MAGHAHANAP at gagawa ng paraan ang Department of Budget and Management (DBM) para mapondohan ang tumaas na monthly social pension ng indigent senior citizens.