• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

Nagpasalamat sa mga nakukuhang suporta at pagmamahal: VICE GANDA, naging emosyonal sa pagbabahagi ng kanyang pinagdaanan

Posted on: August 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING emosyonal ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda na kunsaan pinost ang mismong voice recording niya.

 

 

 

Na sa kabila pala ng tila masaya, mala-almost perfect na buhay niya at ng relasyon nila ni Ion Perez, may mga pinagdadaanan o pinagdaanan din ito nitong mga nakaraang buwan.

 

 

 

Aniya, “The past few months have not been easy. In fact, they’ve been really difficult. Ang daming nangyari sa buhay ko. May magagaan, may mabibigat. May mga masasaya, may mga malulungkot. May mga winning moments at may mga humbling moments.

 

 

 

“Sa mga pinagdadaanan ko, ilan lang dyan ang nakita niyo at talagang alam niyo. It was exhausting, really exhausting.”

 

 

 

Nagpasalamat si Vice dahil kahit daw may mga pinagdaanan siya, ang dami niyang nakukuhang suporta at pagmamahal, lalo na sa mga supporters niya.

 

 

 

Sabi pa rin niya, “Pero araw-araw, nakakatanggap ako ng sobra-sobrang pagmamahal at suporta mula sa inyo.

 

 

 

“And I know, napakarami sa inyo ang nagdadasal para sa kalusugan ko at sa kaligayahan ko. At ‘yun ang nagpapanumbalik ng sigla ko. Kaya araw-araw, anuman ang pinagdadaanan, excited ako laging gumising kasi sigurado ako, nandyan kayo at gigil na gigil ako laging pasayahin kayo.

 

 

 

“Kaya ngayon, bago ako matulong, I just want to say thank you very much and I love you Madlang People. Most especially to you, my Little Ponies.”

 

 

 

Dahil sa IG post na ito ni Vice, sunod-sunod naman ang mga nag-comment sa kanya at nagpa-abot ng kanilang suporta.

 

 

***

 

 

SIMULA na ng bagong journey ng Kapuso singer at isa sa mga Top 5 finalist sa first season ng “The Clash” na si Garrett Bolden.

 

 

 

Natupad ang isa sa pangarap daw ni Garrett na maging isa sa cast ng isa sa pinakasikat na musical play, ang Miss Saigon.

 

 

 

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Garrett na first day of work na niya. Meaning, unang araw na ng rehearsal niya para sa Miss Saigon, Guam.

 

 

 

Tatlong araw pa lang ang nakararaan nang lumipad si Garrett pa-Guam. At heto na nga, mae-experience na niya ang Miss Saigon.

 

 

 

Si Garrett ay mula sa Olongapo City na ang kuwento niya, wala raw talaga siyang formal schooling sa music. Pero ang talento niya sa pag-awit at pagsusulat ng kanta ay natutunan niya mula sa mga CD na binibili ng nanay niya at pinakikinggan niya.

 

 

***

 

 

SA kabila nang natupok ng apoy ang bahay ng singer na si Jaya sa U.S., at base sa caption niya at sa picture na ipinost niya, nasunog ang bahay nila ng buong-buo, nagpupuri at nagpapasalamat pa rin siya sa Diyos.

 

 

Mas tiningnan ni Jaya ang positive side sa kabila ng nakalulungkot na pangyayari. Na safe pa rin silang buong pamilya.

 

 

Siguro para kay Jaya, bahay o mga materyal lang na ito na bagay at hindi matutumbasan kung may buhay na mawawala.

 

 

Sabi nga niya, “God is so good! Our house just burned to the ground but we are all safe! I have no words but GOD IS GOOD!!!”

 

 

Marami na rin pagsubok na pinagdadaan si Jaya even before na mag-desisyon siya na sa U.S. na manirahan. Pero yun nga, inspiring din ang ipinapakita niyang katatagan.

 

 

(ROSE GARCIA)

Huling-huli ang kiliti ng mga viewers dito at sa ibang bansa: Multi-Genre Director na si GB, muling naka-score ng ‘number one’ content sa Vivamax

Posted on: August 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKA-SCORE muli ang Multi-Genre Director na si GB Sampedro nang dalawang ‘number one’ content sa Vivamax, ang latest movie niyang ‘Purification’ at ang original series na ‘High (School) On Sex.’

 

 

Ang ‘High (School) On Sex’ ay sexy comedy coming-of-age series na pinagbibidahan ni ‘Boy Bastos’ star Wilbert Ross na una niyang naidirek sa ‘Crush Kong Curly’. Kasama sina Denise Esteban, Migs Almendras, Angela Morena at Kat Dovey.

 

 

Ang sexy series ay nanatiling nasa top spot simula nang mag-premiere ito noong May 21, 2022. Trending din ito sa social media dahil sa sexy and controversial scenes.

 

 

Samantala, sa ‘Purificacion’, hatid direktor ang isang sexy thriller na kukwestyon sa inyong pananampalataya. Isang policewoman ang mag-iimbestiga sa naganap na series of killings sa mga kababaihan sa Santa Monica at ang main suspect niya ang new priest na si Father Purificacion played by Josef Elizalde. Also starring sina Cara Gonzales, Ava Mendez, Rob Guinto, Stephanie Raz, Quinn Carrillo at Kat Dovey.

 

 

Hindi lang ang mga ito ang consistent number one sa online platform ng Vivamax, maging ang mga nauna niyang pelikula noon tulad ng ‘Doblado’, ‘Kinsenas Katapusan, ‘Crush Kong Curly’ at ‘Kaka.’

 

 

Kilala ring concert director si Direk GB kaya natanong siya kung ano ang mas exciting gawin?

 

 

“Sa bawat project na ginagawa I make sure na gusto ko ang trabahong tinatanggap ko para nae-excite at nae-enjoy ko itong gawin at the same time,” sabi niya.

 

 

“Preference ko rin kasi ang iba’t ibang uri ng proyekto ang tinatanggap ko para laging bago para sa akin ang gagawin ko. Kahit sa pelikula mas gusto ko na iba-ibang genre para rin di ako mapako sa isang uri lang ng film.”

 

 

Nagsimula si Direk GB bilang direktor sa musical drama anthology ma ‘Your Song’. Ang first feature length film niya ay ang ‘Astig’ starring Dennis Trillo, Arnold Reyes, Edgar Allan Guzman and Sid Lucero, na isa sa naging entries sa most prestigious independent film festival na Cinemalaya noong 2009.

 

 

At dahil isa rin ang multi-awarded director sa moneymaker ng Vivamax, kinontrata na siya ng 10 movies ngayong 2022 na posible pang madagdagan. Huling-huli kasi niya ang kiliti ng viewers, mapa-sexy comedy o mapa-erotic psycho thriller, hindi lang mga Pinoy kundi mga international subscribers nang nangungunang streaming app sa bansa.

 

 

Kasalukuyang niyang sinu-shoot ang ‘5 in 1’ na muli nilang pagsasamahan ni Wilbert Ross. Ang next project naman niya ay isang psycho sexy thriller na may titulong ‘Kara Krus.’

 

 

At ngayong August 26, siya ang magdi-direct ng concert ng trending trio na Beks Battalion (composed of Chad Kinis, Lassy and MC Muah) titled Beks2Beks2Beks, gaganapin ito sa New Frontier Theater na kung saan isa si Vice Ganda sa mga guests.

 

(ROHN ROMULO)

Kapag umigting ang tensyon sa Taiwan: Pinas, hindi kakayanin

Posted on: August 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAMIN si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi kakayanin ng Pilipinas at  Southeast Asian nations na umigting pa ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at  China na may kinalaman sa kamakailan lamang na byahe ni  Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.

 

 

Sa isang meeting kasama ang bumisitang si  US Secretary of State Antony Blinken, sinabi ni  Manalo na ” escalation could risk creating instability in the region, especially as the world is just recovering from the effects of the coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.”

 

 

“We can ill-afford any further escalation of tensions in the region, because we are already facing a number of challenges getting our economy back to work, especially because of the Covid-19 pandemic. And we all know that no one country will be able to deal with all these issues on their own,” anito.

 

 

“We look at the United States, a very important ally, our dear friend, as we chart our path forward,” dagdag na pahayag ni Manalo.

 

 

Sa kabilang dako, determinado naman ani Blinken, ang Washington DC na ”  to act responsibly” upang maiwasan ang krisis at labanan sa rehiyon.

 

 

Aniya pa, ang  US “always stands by” sa partners  nito. Tinukoy ang  “deep concerns” na ipinahayag ng mga bansa kabilang na ang Pilipinas ukol sa pinakabagong  developments sa Taiwan Strait.

 

 

“Maintaining peace and stability across the Taiwan Strait is vital, not only for Taiwan, but for the Philippines, and many other countries. What happens to the Taiwan Strait affects the entire region. And in many ways, it affects the entire world because the strait, like the South China Sea, is a critical waterway,” ani Blinken  sa  post-bilateral presser.

 

 

“The United States doesn’t believe that it’s in the interest of Taiwan, the region or our own national security to escalate that situation,”ang pahayag nito.

 

 

Tiniyak din niya na ipapanatili ng Estados Unidos na bukas ang “channel and communication” sa China upang maiwasan ang anumang  miscalculation dahil sa misunderstanding o miscommunication. (Daris Jose)

Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, nagpahiwatig ng posibilidad na pagreretiro pagkatapos ng 2024 Olympics

Posted on: August 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHIWATIG  ngayon ang kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng gold medal sa Olympics na si Hidilyn Diaz-Naranjo ng posible nitong pagreretiro na sa weightlifting pagkatapos ng 2024 Paris Olympics.

 

 

Sa kanyang Facebook post, ipinost ni Diaz ang larawan ng kanyang mga kamay kalakip ang isang sulat sa kanyang sport.

 

 

Aniya, naghahanda araw raw ito para sa nalalapit na Olympics na isasagawa sa France.

 

 

Mayroon din siyang inilagay na hashtag “#LastLift,” o ang posibilidad na ito na ang huli niyang laban para sa bansa.

 

 

“We are officially 2 years to go before I step onto the platform at the #2024parisolympics . I am manifesting this because this is what I want to do. It is my choice to go for my #LastLift and #TeamHD will be with me throughout the whole process. I am claiming this, for the love of God and our Country,” ani Diaz.

 

 

Kung maalala, matapos ang kasal nila ng kanyang coach na si Julius Naranjo ay sinabi nitong ipinagpaliban muna nila ang kanilang honeymoon para paghandaan ang Olympics.

Quezon City isinailalim sa ‘moderate risk’ dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases

Posted on: August 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINAILALIM sa “moderate risk” na klasipikasyon ang Quezon City dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod sa mga nagdaang linggo.

 

 

Anang lokal na pamahalaan ng QC, mula kasi sa 221 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay umakyat ito sa 245.

 

 

“Umakyat na rin sa ‘moderate’ risk ang level ng lungsod ayon sa DOH at OCTA Research. Ibig sabihin, medyo mataas ang risk exposure sa COVID-19,” saad nila sa isang paskil, Linggo.

 

 

Dagdag pa rito, umakyat din anila ang positivity rate ng nasabing lungsod mula 12.9% na ngayo’y 15.2% na.

 

 

“Nagkaroon din ng pagtaas sa positivity rate na ngayon ay nasa 15.2% na mula sa 12.9%. Ang positivity rate ay patungkol sa bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19.”

 

 

Samantala, bumaba naman ang reproduction number o R0 ng QC sa 1.29.

 

 

“Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection,” paliwanang nila.

 

 

Dahil dito, pinaaalahanan ng QC LGU ang kanilang mga residente na huwag maging kampante at patuloy pa ring obserbahan ang COVID-19 protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-iwas sa “3cs” — confined, crowded at close-contact settings.

 

 

Batay sa pinakabagong datos ng Health Department, nasa 37,805 na ang kasalukuyang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa. (Daris Jose)

PBBM, hinikayat ang publiko na magpa- COVID booster bago ang in-person classes

Posted on: August 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pinoy na maghanda para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa huling buwan ng Agosto.

 

 

Sa kanyang lingguhang  vlog, sinabi ng Pangulo na  dapat ay may sapat na proteksyon ang publiko laban COVID-19 bago pa ang inaasahang pagdagsa ng mga estudyante sa mga eskuwelahan.

 

 

“Una riyan ‘yung panigurong nakapag-booster shot na ang lahat lalong lalo na ang ating mga kabataan para siguradong handa ang pangangatawan nila sa pagbabalik eskuwela,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Hindi man ito magiging ganun kasimple, pero kapag tama ang paghahanda ay siguradong magiging matagumpay ito,”aniya pa rin .

 

 

Hindi naman nilinaw ng Pangulo kung ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ay  requirement para sa mga estudyante subalit sinabi naman ng Department of Education na hindi idi-discriminate ang mga mag-aaral na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapabakuna laban sa coronavirus.

 

 

“So far only 15.9 million Filipinos have availed of their first booster shots, while 1.2 million others have already been jabbed with COVID-19 boosters twice,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Hindi pa ito magandang numero kumpara sa target natin na 100 percent kaya tayo magsasawa na pakiusapan ang ating mga LGU na mahing mas agresibo dito sa kampanyang ito,” aniya pa rin .

 

 

Tinatayang may 15.2 milyong estudyante ang nage-enroll para sa pagsisimula ng school year.

 

 

Ani Pangulong Marcos, maraming tao ang makikinabang sa pagbabalik ng physical classes matapos ang 2 taon ng  virtual learning.

 

 

“Kailangan din ng mga estudyante ng mga school supplies at materyales. Isama mo na ‘yung pagkain kaya’t ang ating retail industry ay may karagdagang influx din ng salapi,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Marami ring mga magulang ang mas magkakaroon ng oras makapag-hanapbuhay kapag nasa eskuwelahan na ang kanilang mga anak kaya madadagdagan ang ating workforce at mas marami rin silang magiging option sa pagpili ng trabaho dahil hindi na sila limitado sa online,” aniya pa rin.

 

 

“Kapag ito ay naging matagumpay, hindi lang ito balik eskuwela, kung di balik negosyo? Balik hanapbuhay at balik kaunlaran,”pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

Pinaalalahanan naman nito ang public transportation na tiyakin na maipatutupad ang minimum health at safety protocols sa kani-kanilang sasakyan.

 

 

“Ito’y masasabi ring malaking tulong sa malawakang kilusan natin nang pagbubukas ng ekonomiya,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Maraming industriya ang magiging bahagi at makikinabang sa hakbang na ito kung kaya’t dapat siguruhin natin na ang lahat ay handang handa,” anito .

 

 

Tinapos naman ni Pangulong Marcos ang kanyang vlog sa pagbibigay pagpapaalala sa publiko hinggil sa pagdiriwang ng  Buwan ng Wika o National Language Month. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ads August 9, 2022

Posted on: August 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Jiu Jitsu champion sa Brazil na si Leandro Lo patay matapos barilin

Posted on: August 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATAY matapos barilin ang sikat na Jiu Jitsu champion ng Brazil na si Leandro Lo.

 

 

Ayon sa mga kapulisan ng Sao Paulo, naganap ang pamamaril sa 33-anyos na si Lo sa isang night club sa Saude.

 

 

Isa umanong off-duty na pulis ang nakabaril sa ulo ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

 

 

Itinakbo pa sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito naagapan pa.

 

 

Itinuturing na pinakamagaling na Jiu Jitsu athletes si Lo na nagwagi ng walong beses ng World Championships.

 

 

Base sa mga nakakita ng insidente, nilapitan ng suspek ang biktimang si Leandro Lo Pereira do Nascimento sa tunay na buhay at ito ay hinamon hanggang bigla itong barilin sa ulo.

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, kinilala ang mga LGU at indibidwal sa larangan ng nutrisyon

Posted on: August 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang isa sa People’s Agenda 10 ni Gobernador Daniel R. Fernando, naging episyente at epektibo ang pagpapatupad ng universal health care o kalusugan para sa lahat kung kaya naman kinilala ang mga natatanging lokal na pamahalaan at ilang indibidwal sa larangan ng nutrisyon kasabay ng panapos na gawain para sa ika-48 na selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon na isinagawa sa pamamagitan ng Zoom teleconferencing noong Hulyo 29, 2022.

 

 

Ang mga nagwagi sa municipal level ay nakapagpatupad ng pinakamahusay na programa para sa kanilang mga nasasakupan dahilan ng kanilang pagkakapanalo sa kategoryang ‘Natatanging Bayan sa Nutrisyon’ kung saan kabilang ang bayan ng Guiguinto na nagwagi ng unang pwesto at nag-uwi ng P100,000; Marilao sa ikalawang pwesto na may premyong P75,000 at bayan ng Baliwag sa ikatlong pwesto na may premyong P50,000. Lahat sila ay tumanggap ng plake ng pagkilala.

 

 

Ipinamalas din ng mga komunidad o barangay sa lalawigan ang kanilang mahuhusay na programa sa nutrisyon kung saan ang mga nanalo para sa ‘Natatanging Barangay sa Nutrisyon’ na binubuo ng Brgy. San Jose, Paombong – unang pwesto at nag-uwi ng premyong P30,000; Brgy. Lias, Marilao – ikalawang pwesto na may premyong P20,000 at Brgy. San Agustin, San Rafael – ikatlong puwesto na may premyong P10,000 at plake ng pagkilala bawat isa. Tumanggap rin ang 19 na barangay ng consolation prize na nagkakahalaga ng P3,000 bawat isa.

 

 

Bukod dito, binigyan din ng parangal ang mga indibidwal na nagpakita ng mga natatanging serbisyo sa kanilang mga komunidad na may kaugnayan sa pagpapatupad ng mga programa sa nutrisyon kabilang na sina Josefina J. Joaquin mula sa Guiguinto, Bulacan na nanalo ng parangal na ‘Natatanging Municipal Nutrition Action Officer’ at Imelda Lopez mula sa Brgy. San Jose, Paombong na kinilala bilang ‘Natatanging Lingkod Lingap sa Nutrisyon’. Kapwa sila ay tumanggap ng premyong P5,000 habang 21 pang LLN ang tumanggap ng consolation prizes na nagkakahalagang P2,000 bawat isa.

 

 

Dagdag pa rito, tumanggap din sina Miguela Avendaño mula sa Brgy. Masuso, Pandi at Ofelia De Belen mula sa Brgy. Bagong Barrio, San Ildefonso ng premyonh P3,000 bawat isa bilang ‘Long Serving Lingkod Lingap sa Nayon’.

 

 

Tatlong kawani rin mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na sina Reynela Mae Abayon mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Mary Jane Sarboda mula sa Bulacan Environment and Natural Resources Office at Maria Cronica De Jesus mula sa Provincial Public Affairs Office ang tumanggap ng pagkilala bilang ‘Long Serving Technical Working Group’ na may perang papremyo na nagkakahalaga ng P5,000 bawat isa.

 

 

Samantala, binigyang-diin ni Fernando, tagapangulo ng Provincial Nutrition Council, ang kahalagahan ng nutrisyon at hinikayat ang lahat na lumahok at tumulong sa pagsusulong ng mga programa sa nutrisyon na ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office.

 

 

“Ang nutrisyon ay isa sa pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan; hindi ito dapat ipagsawalang bahala subalit sakop nito hindi lamang ang ating pisikal kundi maging ang ating mental na kalusugan na maituturing nating yaman ng ating pagkatao. Sa pagtutulungan nating lahat, kasama na pati ang ibang mga sektor, nanawagan ako na isulong natin ang adbokasiya ng mabuting nutrisyon hindi lamang tuwing Buwan ng Nutrisyon,” anang gobernador. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Filipinas football team napanatili sa rank 53 sa FIFA

Posted on: August 8th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPANATILI ng Philippine Women’s football team na Filipinas ang kanilang world ranking.

 

 

Sa inilabas na world ranking ng FIFA ay nasa pang-53rd place pa rin sila.

 

 

Walang paggalaw ang nasabing ranking kahit na mayroong improvement na 1,479.91 points matapos ang tagumpay nila sa Asean Football Federation (AFF) Women’s Championship.

 

 

Ang nasabing ranking na rin ay siyang itinuturing na pinakamataas na ranking na nakamit ng bansa.

 

 

Hindi rin nagbago ang Filipinas sa standing nito sa Asian Football Confederation (AFC) na nasa pang-11 puwesto.

 

 

Sa kasalukuyan ay naka-break ang Filipinas bilang paghahanda para sa FIFA Women’s World Cup na magaganap sa susunod na taon.