BILANG tugon sa panawagan ng mga magsasaka ukol sa patuloy na pagtaas sa gastos sa mga farm inputs, ipinanukala ni AGRI-Party-list Rep. Wilbert Lee na magtatag ng fertilizer and pesticides subsidy program.
Sa ilalim ng House Bill No. 3528 o National Fertilizer Subsidy Act, ang Department of Agriculture (DA) ay magpapatupad ng National Fertilizer and Pesticide Subsidy Program para sa mga kuwalipikadong magsasaka.
“Through this bill, we assure our agricultural sector that we respond and guarantee them that in scenarios of high prices of these agricultural inputs, subsidies are available as we separately push to sustainably increase its local manufacturing and production,” ani Lee.
Ayon sa ginawa nilang monitoring, ang walang habas na pagtaas sa presyo ng agricultural inputs, partikular na sa pataba ay tumaas ng triple sa nakalipas na 18 buwan.
Lumabas pa aniya sa ulat na ang presyo ng urea ay tumaas ng P900-P950 kada bag noong 2021 sa P2,240-P2,920 nitong Pebrero 2022.
Sa ilalim ng panukala, ang subsidiya na ibibigay ay aktuwal na fertilizer bags o subsidy vouchers depende sa kasalukuyang market prices at geographical and logistical challenges ng rehiyon habang ang tulong sa pestisidyo ay ipapamahagi sa pamamagitan ng subsidy vouchers.
Para makatanggap o maging benepisaryo kailangan na isang Pinoy na miyembro ng agri-basic sector at 18 anyos sa panahon ng registration; isang magsasaka, farm laborer/ worker o Agri-youth base sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Definitions of Members of the Agriculture and Fisheries Sector.
“Umaasa po tayo sa suporta ng Kongreso upang agarang maisabatas ang panukalang ito. Hangad po natin na maibsan ang mga pasanin ng mga magsasaka, mapalaki ang kanilang produksyon at kita para sa pangangailangan ng pamilya, at sa paghakbang natin palapit sa katuparan ng inaasam na food security,” pahayag ni Lee. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
PINIGILAN ng Magnolia ang pagpasok ng nagdedepensang TNT Tropang Giga sa PBA Finals matapos agawin ang 105-97 panalo sa Game Five ng 2022 Philippine Cup semifinals series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
HINDI palalagpasin ng Senado ang umano’y overpriced na mga laptop na binili ng Department of Education (DepEd) bunsod para maghain na ng resolusyon na nananawagan sa Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng imbestigasyon tungkol dito.
ISINELDA ang isang lalaki matapos tangayin ang bag ng isang out-patient na babae sa isang diagnostic clinic sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.
INIURONG ng mga organizers ng men’s 2022 FIFA World sa Qatar ang araw ng pagsisimula nito.
HINAMON ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) si Presidente Bongbong Marcos na buwagin ang cartel sa sugar industry at parusahan ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot dito, lalo na ang mga nasa Sugar Regulatory Administration (SRA) at Department of Agriculture (DA).
NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga local government unit (LGU) executives na makipagtulungan sa Departments of Education (DepEd), Health (DOH) at Interior and Local Government (DILG) sa paglalagay ng mga anti-Covid 19 vaccine centers sa kani-kanilang lokalidad, bilang suporta sa isinusulong ng Malacañang na masiguro ang ligtas na pagbabalik klase ngayong pasukan.
INILABAS ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong listahan ng price guide para sa mga school supplies.
BOLUNTARYONG nag-resign na sa kanyang puwesto si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian matapos na mabulgar ang hindi otorisadong balakin na pag-angkat sana ng 300,000 metric tons ng asukal.