• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

“DRAGON BALL SUPER: SUPER HERO” REVEALS PAYOFF POSTER

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DRAGON Ball Super: SUPER HERO has just unveiled its payoff poster and the character one-sheet of Piccolo.  

 

 

Check them out below and watch the film exclusively in cinemas across the Philippines starting this August 31.

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/5LBd8BAWp2Q]

 

 


Dragon Ball Super: SUPER HERO
 is the second film in the Dragon Ball Super franchise. Dragon Ball Super: Broly was released in 2018 to fans around the globe. The film has grossed over $120 million at the box office globally and is the #5th highest grossing anime movie at the box office in the U.S.

 

 

About Dragon Ball Super: SUPER HERO

 

Distributor: This is the first truly globally-distributed theatrical release for Crunchyroll and is distributed in North America by Crunchyroll. Internationally, the film will be distributed by Crunchyroll and Sony Pictures Entertainment.

 

Synopsis:  The Red Ribbon Army was once destroyed by Son Goku. Individuals, who carry on its spirit, have created the ultimate Androids, Gamma 1 and Gamma 2. These two Androids call themselves “Super Heroes”. They start attacking Piccolo and Gohan… What is the New Red Ribbon Army’s objective? In the face of approaching danger, it is time to awaken, Super Hero!

 

 

Official Description:  The film, with full commitment and deep involvement from Dragon Ball’s original creator Akira Toriyama, has the legendary manga creator behind the film’s original story, screenplay and character design.

 

Additionally, the film will be directed by Tetsuro Kodama and the Japanese voice actors for the film include Masako Nozawa (Son Goku, Son Gohan, and Son Goten), Toshio Furukawa (Piccolo), Aya Hisakawa (Bulma), Ryō Horikawa (Vegeta), Mayumi Tanaka (Krillin),  Takeshi Kusao (Trunks), Yūko Minaguchi (Videl),  Yūko Minaguchi (Pan), Miyu Irino (Dr. Hedo), Hiroshi Kamiya (Gamma 1), Mamoru Miyano (Gamma 2),  Volcano Ota (Magenta), and Ryota Takeuchi (Carmine).

 

The English voice actors include Kyle Hebert (Son Gohan), Sean Schemmel (Son Goku), Robert McCollum (Son Goten), Christopher R. Sabat (Piccolo, Vegeta), Monica Rial (Bulma), Sonny Strait (Krillin), Eric Vale (Trunks), Kara Edwards (Videl), Jeannie Tirado (Pan), Zach Aguilar (Dr. Hedo), Aleks Le (Gamma 1), Zeno Robinson (Gamma 2), Charles Martinet (Magenta), and Jason Marnocha (Carmine).

 

The Dragon Ball phenomena began in 1984 when Japan’s well-known manga from Akira Toriyama premiered in Shueisha’s “Weekly Shonen Jump” – becoming a top ranked title throughout its 10 and a half years of publication. Since then, the manga’s popularity has continued to grow with an astonishing record of 260 million copies sold worldwide and counting. And with Dragon Ball’s ever-increasing popularity, it has expanded beyond manga to include TV animation, movies, games and merchandising. Now 38 years after the launch of the original manga, Dragon Ball continues to evolve and will reach new heights starting with this new large-scale movie.

 

In Philippine cinemas August 31, Dragon Ball Super: SUPER HERO is distributed by Crunchyroll and Columbia Pictures.

 

Connect with the hashtag #DragonBallSuperSuperHero

 

(ROHN ROMULO)

Kevin Durant at Kyrie Irving ng Nets itsapuwera sa Christmas Day games ng NBA

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMANI ng atensiyon sa ilang basketball analysts at fans ang pag-itsapuwera ng NBA na mapasali sa prestihiyosong Christmas Day games ang mga superstars na sina Kevin Durant at Kyrie Irving.

 

 

Una nang naglabas ng advance schedule ang NBA para sa Christmas Day na kinabibilangan ng mga sumusunod:

 

Milwaukee Bucks versus Boston Celtics

 

Philadelphia 76ers versus New York Knicks

 

Phoenix Suns versus Denver Nuggets

 

Los Angeles Lakers versus Dallas Mavericks

 

Tampok din sa nabanggit na araw ang Memphis Grizzlies na babanggain ang defending champion na Golden State Warriors.

 

 

Batay kasi sa mga nakalipas na mga NBA season, palagi na lamang kabilang sa pangunahing mga mainstay sina Durant sa Christmas Day games.

 

 

Ang pagkawala sa naturang schedule ng Brooklyn ay sa gitna na rin na hindi pa nareresolba ng team ang kahilingan ni KD na malipat ng ibang team.

Dengue sa bansa, tumaas pa sa 131%

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa nang maitala na ito sa 102,619 mula Enero 1 hanggang Hulyo 30, ayon sa Department  of Health (DOH).

 

 

Mas mataas ito ng 131% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 44,361 lamang noon.

 

 

Pinakamaraming   kaso ng dengue sa Region III na may 18,664 o 18%, kasunod ang Region VII na may 10,034 o 10% at ikatlo ang National Capital Region na may 8,870 o 9%.

 

 

Mula nitong Hulyo 3 hanggang Hulyo 30, nadagdag ang nasa 23,414 kaso ng dengue kung saan pinakamataas sa Region 3 (5,838), kasunod ang NCR (2,689) at Calabarzon (2,369).

 

 

 

Nabatid rin na siyam sa 17 rehiyon sa bansa ang lumagpas na sa ‘epidemic threshold’ sa nakalipas na apat na linggo. Kabilang dito ang Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, VI, VII, IX, CAR, at NCR.

 

 

Ang Mimaropa at Region VI na lamang ang nagpapakita ng tuluy-tuloy na pagtaas ng mga kaso mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 23.

 

 

 

Sa buong bansa, nakapagtala na ng 368 nasawi sa sakit na may 0.4% case fatality rate.

LTO: Papayagan na marehistro ang sasakyan kahit may NCAP violations

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAPAYAGAN ng Land Transportation Office (LTO) na marehistro ang mga sasakyan kahit na ito ay lumabag sa no-contact apprehension policy (NCAP).

 

 

 

Ayon kay LTO assistant secretary Teofilo Guadiz, susupendihin muna ang pagpapatupad ng alarm tagging sa mga sasakyan na may violations.

 

 

 

Sinabi rin niya na may provisions sa Republic Act 10930 na siyang nag amend sa Land Transportation code na hindi tinutupad sa pagsusulong ng NCAP na ginagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga local government units (LGUs).

 

 

 

“Pending development of a uniform guidelines for the implementation of NCAP by LGUs and MMDA, alarm tagging access of the LGUs and MMDA against vehicles is hereby deactivated temporarily,” wika ni Guadiz.

 

 

 

Inutusan ni Guadiz ang LTO Management Information Division na gumawa ng adjustments sa kanilang sistema upang payagan ang pagrerehistro ng mga sasakyan na may mga paglabag.

 

 

 

Binigyan din niya ng direktiba ang LTO na makipagugnayan sa mga concerned LGUs para sa maayos na pagpapatupad ng NCAP.

 

 

 

Isang memorandum ang nilagdaan ni Guadiz na may petsang Aug.10 kung saan binigyan din ng pansin ng LTO ang mga reklamo ng mga transport leaders dahil sa pagpapatupad ng NCAP.

 

 

 

Wala naman suspension na ginawa ang LTO sa pagpapatupad ng NCAP sapagkat napagkasunduan na gagawa ang mga LGUs ng mga adjustments o pagbabago sa controversial na polisiya matapos ang madaming reklamo ang inihain ng mga motorista at transport providers.

 

 

 

“The LTO is keen on suspending the NCAP pending the ironing out of some issues, particularly on the alarm system for violations on registered vehicle owners instead of the drivers. There is also a lack of grievance and adjudication processes to contest the violations,” dagdag ni Guadiz.

 

 

 

Samantala, 60 porsiento na ang nailalagay na mga sensors ng MMDA sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at ang mga susunod na sensors ay ikakabit ng phase by phases.

 

 

 

Sinabi naman ni MMDA chairman Carlo Dimayuga na inaasahan ng MMDA na magiging fully operational at upgraded ang mga sensors sa loob ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) taon.

 

 

 

Dagdag pa niya ginagalang nila ang plano ng LTO na suspendihin ang NCAP subalit ang MMDA naman ay patuloy na gagawin ang NCAP. LASACMAR

Mga guro na ‘di pa bakunado pwedeng magturo sa F2F classes

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAHINTULATAN  na rin ng Department of Education (DepEd) ang mga gurong hindi pa bakunado laban sa COVID-19, na makapagturo na sa nalalapit na pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.

 

 

Sa isang pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni DepEd Undersecretary Atty. Revsee Escobedo na ang bago nilang polisiya ay payagan na rin ang mga unvaccinated teachers na mag-report sa trabaho at magturo.

 

 

Gayunman, kailangan aniya ng mga itong istriktong tumalima sa umiiral na minimum public health protocols, gaya nang pagsusuot ng face masks.

 

 

Kailangan din na ang mga silid-aralan na pagtuturuan ng mga ito ay mayroong maayos na bentilasyon.

 

 

Ang mga guro naman aniya na makikitaan ng mga sintomas ng COVID-19 ay pinapayuhang magpasuri at manatili na lamang sa tahanan.

 

 

Tiniyak ng DepEd na ang mga gurong sasailalim sa quarantine ay magkakaroon ng ‘excused leave with pay.’

 

 

Nakikipag-ugnayan  na rin ang DepEd sa Department of Health (DOH) para sa pagdaraos ng mobile COVID-19 vaccinations sa mga paaralan, para sa mga bata at mga gurong nais nang magpabakuna. (Daris Jose)

Pinost na birthday photos, tila nang-aakit: MARCO, gustong bumawi sa magandang project dahil naudlot ang pagsikat

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TILA nang-aakit si Marco Gumabao sa kanyang nakaraang 28th birthday noong August 14.

 

 

Pinost ng hunk ang photo niya sa Instagram na nasa swimming pool siya at kita ang kanyang matitigas na abs. Kinunan ang photo habang nasa set siya ng bago niyang pelikula na ‘Baby Boy, Baby Girl’ kunsaan leading lady niya si Kylie Verzosa.

 

 

“Celebrating my birthday here on set of ‘Baby Boy, Baby Girl.’ Hope you guys support it! Bday gift niyo na for me. Thank you Lord for another year! Forever grateful for all the blessings and lessons you have for me. Love yaaaa,” caption pa ni Marco.

 

 

Maraming nagsabing naudlot ang pagsikat ni Marco dahil naging box-office hit ang pelikula nila ni Anne Curtis na ‘Just A Stranger’, pero hindi siya agad nabigyan ng follow-up project hanggang sa magkaroon ng pandemic. Huli siyang napanood sa ‘Revirginized’ with Sharon Cuneta.

 

 

Ngayon ay gustong bumawi ni Marco sa taong ito at magandang project ang ‘Baby Boy, Baby Girl’ para sa kanila ni Kylie.

 

 

“Pagkabasa ko ng script, magka-text kami ni Kylie that time, nagulat ako na ganoon ang tema ng pelikula. Nakakatuwa kasi as we all know, sa mundo ngayon, maraming mga ganyan. It’s a real situation which is happening in our world right now. At the same time, nakaka-excite kasi we can also put ourselves in the shoes ng sugar babies. Kung paano tumatakbo ang mundo nila at kung paano sila nakikipagtransaksyon sa mga sugar daddies o sugar mommies nila. Nung nabasa ko, very excited at very shocked.”

 

 

***

 

 

KAYA pala hindi nakikita masyadong aktibo sa showbiz ngayon si Jasmine Curtis-Smith ay dahil abala ito sa pinatayong resort business sa La Union.

 

 

Business venture daw ito ni Jasmine kasama ang boyfriend na si Jeff Ortega. Huli silang nakitang magkasama ay sa GMA Thanksgiving Gala.

 

 

Habang wala pang bagong teleserye si Jasmine, ang pagnenegosyo muna ang hinaharap niya. Sa latest post niya sa Instagram, nasa Australia na ito para magbakasyon.

 

 

Pero bago umalis si Jasmine, nai-promote pa niya ang pag-stream ng huling teleserye niya na ‘The World Between Us’ sa Amazon Freevee.

 

 

Pinalabas ang naturang GMA teleserye mula July 2021 hanggang January 2022 kunsaan nakasama niya sina Alden Richards, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie and Jaclyn Jose.

 

 

“I’m very excited kasi, ‘yung mga nakapanood na nung first 50 episodes namin nung una siyang na-release, ngayon they can finish the whole series and enjoy it until the end and binge watch it again. It will be the first na Filipino language sa platform na ‘yun. Siyempre it’s a privilege and it’s always a great thing na maging pioneer, diba?” pahayag pa ni Jasmine.

 

 

***

 

 

TUMANGGAP ng honorary doctorate in Fine Arts ang Malaysian actress na si Michelle Yeoh mula sa 2022 graduating class ng American Film Institute.

 

 

Sa naganap na commencement ceremony sa TCL Chinese Theatre in Hollywood, nagbigay ng speech ang 60-year old star ng pelikulang ‘Everything Everywhere All At Once’ tungkol sa struggling years niya sa entertainment industry.

 

 

Nagsimula raw ang lahat sa isang injury na sumira sa pangarap niyang maging isang ballet dancer. Nag-train ang aktres kasama ang ilang stuntmen hanggang sa mabigyan na siya ng roles sa mga action movies sa Hong Kong.

 

 

Pagkatapos siyang sumikat sa Hong Kong action films, na-penetrate niya ang Hollywood via the 1997 James Bond film na ‘Tomorrow Never Dies’. In 2000, naging bida siya sa award-winning film ni Ang Lee na ‘Crouching Tiger, Hidden Dragon’. Hanggang sa maging isa sa pinaka-in demand na Asian actress si Yeoh sa Hollywood with films such as ‘The Touch’, ‘Memoirs of a Geisha’, ‘The Lady’, ‘Master Z: Ip Man Legacy’, ‘The Mummy: Tomb of the Dragon Emperor’, ‘Crazy Rich Asians’, ‘Last Christmas’ and ‘Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings’.

 

 

Sa mga hindi nakakaalam, isa ring beauty queen si Yeoh. Nanalo siya sa Miss Malaysia World pageant at nag-compete siya sa Miss World 1983 in London. Siya rin ang pinadala ng Malaysia sa 1983 Miss International Tourism Quest pageant kunsaan siya ang nakauwi ng korona.

(RUEL J. MENDOZA)

Bukod sa regalo nila na ‘Mission To Venus’ watch: Pagkanta nina ZIA at SIXTO, ‘the best gift’ para kay MARIAN

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“MY everything,” ang sabi ni Kapuso Primetime Queen tuwing ipu-post niya sa social media accounts ang family, husband Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and their two children na sina Zia at Sixto.  

 

 

Labis ang kasiyahan niya na after three years ay muli siyang nakapag-celebrate ng birthday, dahil during the pandemic, tahimik lamang siyang nagsi-celebrate with her family.

 

 

Kaya bonggang-bongga ang kanyang 38th birthday last August 12, kasama ang family and friends niya.

 

 

Napakaraming gifts na natanggap si Marian, pero ang ‘the best gift’ para sa kanya ay nang personal siyang kantahan nina Zia at Sixto.  Zia sang “Kahit Maputi na Ang Buhok Ko” na pinalakpakan din ng mga guests.

 

 

Si Sixto naman ay kinanta ang “Can’t Help Falling in Love With You” kaya lalong naging very proud si Marian sa mga anak.

 

 

Hindi rin nalimutang i-share ni Marian, ang birthday gift sa kanya ng mga anak na isang Mission To Venus watch na isang collaboration of the brands Omega and Swatch na sabi’y nagkakahalaga ng $260 or more or less P15,000.  Caption ni Marian sa IG: “Thank you Ate [Z] and Six,” with a white heart emoji.

 

 

                                                            ***

 

 

MARAMI na talagang naghihintay kung kailan ang airing ng much-awaited GMA Network’s live-action series na “Voltes V: Legacy.”

 

 

Kaya naman nag-share na si Kapuso Director Mark Reyes sa Instagram some of his thoughts about the show, na itinuring niyang, “a “passion project:” #volteslegacy is the definitive passion project for me.  It is perhaps more creatively challenging, emotionally stressful, physically taxing and white hair enduring series that I have been involved in.”

 

 

Nagpasalamat si Direk Mark sa kanyang team headed by GMA Entertainment AVP for Drama Helen Rose Sese, Telesuccess Productions representatives Larson Chan and Teejay del Rosario, and Voltes V; Legacy executive producer Darling Torres, na itinuring niyang a “blessing” in this crazy journey, sama-sama silang tumatawa, umiiyak, sweat and froze together these past 3 years.”

 

 

Kasama sa star-studded cast sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho at Matt Lozano. The show is set to premiere in 2023.

 

 

                                                            ***

 

 

NASA last two weeks na lamang ang first sports serye ng GMA Network, ang “Bolera,” ni Kylie Padilla.

 

 

Isa nga sa inaabangan dito ay kung tuluyang mabubulag si Joni, kaya paano na ang kanyang ambisyon na magtagumpay bilang “Philippines 9-Ball Cup Champion” tulad nang yumao niyang ama?

 

 

Sino ang makatutulong kay Joni para magtagumpay, ang boyfriend niyang si Miguel El Salvador (Rayver Cruz), best friend Toypits (Jak Roberto), ang ina niyang si Tessa (Jaclyn Jose), si Coach Freddie (Joey Marquez), o ang pagdating ng mga billiards legends na sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Rubilen “Bingkay” Amit aJohann “Bad Koi” Chua, 2022 SEA Games Billiards Champion?

 

 

Ikinagulat pa ni Joni na kilala siya ng mga billiard champions

 

 

Totoong kasabik-sabik sa mga viewers ang pagpasok ng mga billiards champions sa “Bolera,” na tiyak na siyang magtuturo kay Joni kung paano siya maglalaro ng billiards kahit halos bulag na siya?

 

 

Isa pang dapat mabunyag sa story ay ang pagpatay ni Cobrador (Gardo Versoza) sa ama ni Joni.

 

 

Abangan ang lahat ng iyon, sa natitirang ilang gabi pa ng sports-serye pagkatapos ng “Lolong.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

20.6 milyong COVID-19 vaccines, nasayang – DOH

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa 20 milyon na donasyon at nabiling COVID-19 vaccines doses sa Pilipinas ang nasayang.

 

 

Sinabi ni Health Under­secretary Carol Tanio sa pagdinig ng Senate committee on Health demography ni Senador Bong Go, na kabuuang 20,660,354 bakuna kontra COVID ang nasayang hanggang nitong Agosto 12.

 

 

Paliwanag ni Tanio, 6% nito ang donasyong bakuna, 22% ay binili ng local governments at 40% naman ay binili ng pribadong sektor na na-expired.

 

 

Nilinaw naman ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang 134 million vaccine doses na binili ng national government ay hindi nasayang.

 

 

Aniya, umabot lang sa 8.42 porsiyento ng mga bakuna kontra COVID-19 na dumating sa bansa ang nasayang subalit nasa loob pa rin umano ito ng standard rate na 10% o mas mababa sa itinakda ng World Health Organization.

 

 

Dahil dito nangangamba naman si Sen. Risa Hontiveros na pagdating ng Oktubre ay baka lumampas na ito sa threshold ng WHO para sa acceptable wastage kaya dapat ay bilisan ang pagbabakuna sa mga tao.

 

 

Nilinaw naman ni Vergeire na ang mga pa­ngunahing dahilan ng pagkasayang umano ng bakuna ay ang expiration at operational issues tulad ng nabuksang bote ng bakuna subalit hindi nagamit, natapon ang bakuna, basag ang bote, may backflow o umapaw, may natira dahil sa under dose, may nasayang din dahil sa national disasters tulad ng bagyong Odette, nagkasunog, lindol, nabago ang temperatura at discoloration.

 

 

Paliwanag pa ni Vergeire, dahil nakiusap ang Pilipinas ay papalitan ang lahat ng na-expired na bakuna binili man ng gob­yerno o pribadong sektor at pinaigting din ng gob­yerno ang vaccination program nito. (Daris Jose)

Panibagong taas-presyo ng sardinas at noodles, inalmahan ng Gabriela Partylist

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INALMAHAN ng Gabriela Partylist ang panibagong taas-presyo ng sardinas at instant noodles na inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at krisis.

 

 

Batay sa ulat, aprubado ang 3%- 6% na taas-presyo sa 67 na batayang bilihin at maaari pang umabot sa 10% ang taas-presyo batay sa iba pang konsiderasyon.

 

 

Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, dagdag dagok ito sa mga mahihirap na umaasa lang sa de lata at noodles para maitawid ang gutom ng kanilang mga pamilya.

 

 

Wala aniyang ibang mapagpipilian na kakainin ang mahihirap dahil maging ang gulay ay napakamahal na.

 

 

Dapat aniyang kagyat na ipasa ang House Bill 409 ng Gabriela Partylist o ang panukalang P10,000 ayuda sa mga pamilyang lubhang apektado ng taas-presyo, kalamidad at pandemya lalo’t malawak ang kawalan ng trabaho.

 

 

Isusulong din ng mambabatas ang amyenda sa Price Act para pahigpitin ang price control sa mga batayang bilihin. (Ara Romero)

Tropang Giga paghahandaan ang makakalaban sa Finals

Posted on: August 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGKAIBA ang estilo ng San Miguel at Meralco na inaasahang magpapasakit ng ulo ng nagdedepensang TNT Tropang Giga pagdating sa best-of-seven championship series ng 2022 PBA Philippine Cup.

 

 

Isa sa Beermen at Bolts ang lalabanan ng Tropang Giga para sa korona.

 

 

“We all know the problem San Miguel presents with June Mar (Fajardo), with their size and their overall talent,” wika ni TNT coach Chot Reyes. “Meralco presents a different kind of problem with their scrappiness and the way they play defense.”

 

 

Sinibak ng Tropang Giga ang Magnolia Hotshots, 87-74, sa Game Six ng best-of-seven semifinals showdown papasok sa kanilang ikatlong sunod na All-Filipino Cup Finals.

 

 

Itinabla naman ng Bolts sa 3-3 ang kanilang serye ng Beermen para makapuwersa ng ‘winner-take-all’ Game Seven bukas.

 

 

“I think the fact that it’s 3-3 shows how even it is. Whoever it is, we’re really going to be tested,” sabi ng nine-time PBA champion coach.

 

 

Magkakaroon ang PLDT franchise ng five-day break bago sumalang sa PBA Finals.

 

 

Nasa kanyang ika-17 PBA Finals appearance, target ng 59-anyos na si Reyes ang kanyang pang-pitong Philippine Cup crown.

 

 

Kasalukuyang katabla ni Reyes si legendary Baby Dalupan sa kanilang tig-a­nim na All-Filipino Cup title.

 

 

“Maybe I’ll think about it much later if we get the chance. Right now, I’m really not thinking about it,” ani Reyes.