• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO: Papayagan na marehistro ang sasakyan kahit may NCAP violations

PAPAYAGAN ng Land Transportation Office (LTO) na marehistro ang mga sasakyan kahit na ito ay lumabag sa no-contact apprehension policy (NCAP).

 

 

 

Ayon kay LTO assistant secretary Teofilo Guadiz, susupendihin muna ang pagpapatupad ng alarm tagging sa mga sasakyan na may violations.

 

 

 

Sinabi rin niya na may provisions sa Republic Act 10930 na siyang nag amend sa Land Transportation code na hindi tinutupad sa pagsusulong ng NCAP na ginagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga local government units (LGUs).

 

 

 

“Pending development of a uniform guidelines for the implementation of NCAP by LGUs and MMDA, alarm tagging access of the LGUs and MMDA against vehicles is hereby deactivated temporarily,” wika ni Guadiz.

 

 

 

Inutusan ni Guadiz ang LTO Management Information Division na gumawa ng adjustments sa kanilang sistema upang payagan ang pagrerehistro ng mga sasakyan na may mga paglabag.

 

 

 

Binigyan din niya ng direktiba ang LTO na makipagugnayan sa mga concerned LGUs para sa maayos na pagpapatupad ng NCAP.

 

 

 

Isang memorandum ang nilagdaan ni Guadiz na may petsang Aug.10 kung saan binigyan din ng pansin ng LTO ang mga reklamo ng mga transport leaders dahil sa pagpapatupad ng NCAP.

 

 

 

Wala naman suspension na ginawa ang LTO sa pagpapatupad ng NCAP sapagkat napagkasunduan na gagawa ang mga LGUs ng mga adjustments o pagbabago sa controversial na polisiya matapos ang madaming reklamo ang inihain ng mga motorista at transport providers.

 

 

 

“The LTO is keen on suspending the NCAP pending the ironing out of some issues, particularly on the alarm system for violations on registered vehicle owners instead of the drivers. There is also a lack of grievance and adjudication processes to contest the violations,” dagdag ni Guadiz.

 

 

 

Samantala, 60 porsiento na ang nailalagay na mga sensors ng MMDA sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at ang mga susunod na sensors ay ikakabit ng phase by phases.

 

 

 

Sinabi naman ni MMDA chairman Carlo Dimayuga na inaasahan ng MMDA na magiging fully operational at upgraded ang mga sensors sa loob ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) taon.

 

 

 

Dagdag pa niya ginagalang nila ang plano ng LTO na suspendihin ang NCAP subalit ang MMDA naman ay patuloy na gagawin ang NCAP. LASACMAR