MULA nang pumutok ang issue involving Ellen Adarna sa sitcom na John en Ellen ay nag-stop taping na raw ang show.
Ellen has quit the show as well.
Hindi na rin napapanood ang program sa TV 5 every Sunday since August 1.
Si John Estrada naman ay napapanood na sa FPJ’s Ang Probinsyano, which has featured new episodes na may bagong cast members na.
Bukod kay John, kabilang sa bagong cast ng FPJAP ay sina Rossana Roces, Joseph Marco, Tommy Abuel, Chai Fonacier at Julia Montes, na bagong leading lady ni Coco Martin.
A week after mapabalita na join na si John sa cast ng FPJAP ay napanood na agad ang actor sa longest-running action drama on Philippine TV.
Depende rin naman ito sa magiging desisyon ni John kung gusto pa niyang ipagpatuloy ang show kahit na nasa FPJAP na siya kung saan markado ang role niya.
Pero kung nasa FPJAP na si John, gugustuhin pa ba niyang i-revive ang sitcom niya sa TV 5?
Siyempre mas astig ang dating ng role niya sa action-drama series. At pwedeng humaba ang exposure niya serye, tulad nina Lorna Tolentino, Richard Gutierrez, John Arcilla at Tirso Cruz III.
***
BINIRO namin si Rex Lantano na parang ang dami niyang kissing scenes sa bago niyang movie na Love at the End of the World, kung saan katambal niya si Kristoff Garcia.
“Malala po ang ginawa ko rito,” sagot niya sa amin. “Ito ang pinaka-daring role na ginawa ko. Ibang-iba sa role ko sa ‘Daddy Love’.”
Wala naman daw nag-take advantage sa kanya. “Trabaho lang po,” natatawang sabi niya.
Love at the End of the World is the comeback directorial assignment of Shandii Bacolod.
Sabi pa ni Rex, sana raw ay sumikat na siya at mapansin dito sa BL movie.
Biro namin sa kanya, kung mas daring ka rito, malamang sisikat ka na. Sana raw ay magkatotoo ang sinabi ko.
May three shooting days para raw ang BL movie na ito na tinampukan din nina Gold Azeron, Nicco Locco, Markki Stroem, Yam Mercado, Elijah Filamor, at Mike Liwag.
The movie is produced by Temporary Insanity Pictures.
***
MALAKING surpresa para kay Direk Jay Altarejos ang 7 Gawad Urian nominations na natanggap ng small film niyang Memories of Forgetting.
Bukod sa Best Director, nakakuha rin si Direk Jay ng nominations for Best Screenplay at Best Editing.
“Memories of Forgetting is a very small artistic endeavor during the lockdown last year,” kwento ni Direk Jay via FB messenger interview.
“It is overwhelming to be appreciated. It comes at one of the most significant times not only of my life, but maybe of our generation. Para siyang pampasaya sa gitna nang nakapanlulumong sitwasyon dala ng Covid at ng kasalukuyang gobyerno. “It think these 7 nominations of the film, three of which are mine, have come at the right time in my career. I am humbled and grateful.”
Nagkamit din ang movie ng nominations for Best Actor (Noel Escondo), Best Supporting Actress (Dexter Doria), BestCinematography at Best Production Design.
Hindi naman daw siya nagtaka na di nagkamit ng Best Picture nomination ang Memories of Forgetting.
“Sometimes, when you judge a film, you like particular things,” sabi ni Direk Jay.
Sa October 6 gaganapin ang virtual awards night ng Gawad Urian in a venue to be announced later.
Incidentally, ipalalabas sa KTX.ph ang Memories of Forgetting simula September 3.
(RICKY CALDERON)
Inumpisahan na ang konstruksyon ng ikalimang housing condominium project sa San Andres Bukid, Maynila na layong mabigyan ng permanenteng bahay ang mga ‘informal settlers’ at nangungupahan sa lungsod.
NAGSASALITA na nga si LJ Reyes ngayon at kinumpirma na rin ang hiwalayan sa partner at ama ng ikalawang anak niya na si Paolo Contis.
LUNGSOD NG MALOLOS – Upang pataasin ang kamalayan ng mga Bulakenyo sa kahalagahan ng policy research sa pagpapaunlad ng bansa, makikiisa ang Lalawigan ng Bulacan sa obserbasyon ng 19th Development Policy Research Month (DPRM) sa darating na buwan ng Setyembre na pinangungunahan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na may tema ngayong taon na “Muling Magsimula at Magtayo Tungo sa Mas Matatag na Pilipinas Pagkatapos ng Pandemya”.
PINURI ni Congressman John Rey Tiangco ang Pamahalaang Lokal ng Navotas makaraang muling makamit nito ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) sa loob ng magkakasunod na anim na taon.
Isinara ni national para swimmer Ernie Gawilan ang kanyang kampanya sa Tokyo Paralympic Games na walang nakamit na medalya.
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin pa ang pagsisikap nito laban sa illegal recruitment.
Sinimulan na ang pilot COVID-19 vaccination sa mga transport workers sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil na rin sa utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade upang magpatupad ng mahigpit na health at safety measures sa mga pasilidad ng mga pampublikong transportasyon.
Karamihan na sa mga nagkakahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ay dahil sa mas nakahahawang Delta variant, pagkukumpirma ng kinatawan ng World Health Organization sa Pilipinas kahapon, Martes.
DALAWANG bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang nalunod ang natagpuan matapos lumutang sa magkahiwalay na lugar sa Malabon city.