• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2021

Galvez, nahhirapang makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, gamot para sa covid 19 patient

Posted on: September 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na wala itong magawa at nahihirapan na makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, ginagamit para gamutin ang isang COVID-19 patient, bunsod ng global shortage ng gamot.

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Huwebes, sinabi ni Galvez na idinulog na nila ang problema sa suplay sa Swiss ambassador at sa manufacturer ng gamot na Roche.

 

“Wala po tayong makukuha kasi ..it’s a global supply problem. Wala talaga tayong magawa,” ani Galvez.

 

Noong nakaraang linggo, binanggit ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayn na sila sa iba’t ibang suppliers na maaaring nakakuha ng tocilizumab mula sa Iran.

 

“We have also sent a letter to the Swiss embassy requesting to prioritize 30,000 vials of tocilizumab for the Philippines,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

Nauna rito, sinabi ng DOH na inaasahan na nilang mananatiling limitado ang global supply ng tocilizumab hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.

 

Sa ngayon, tinitingnan naman ng gobyerno ang baricitinib bilang alternatibo sa tocilizumab. (Daris Jose)

Commemorative stamps ni Hidilyn Diaz at 3 pang Olympians, inilunsad na – PhilPost

Posted on: September 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pormal nang inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) ang commemorative stamps bilang pagkilala sa mga Filipino champions na nakagawa ng kasaysayan sa katatapos lamang na 2020 Tokyo Olympics.

 

 

Tampok sa naturang stamps ang kauna-unahang atleta ng bansa na nakasungkit ng gold medal sa Olympics na si Hidilyn Diaz.

 

 

Kasama rin dito ang mga silver medalists boxers na sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze winner Eumir Marcial.

 

 

Sinabi ni Postmaster General at CEO Norman Fulgencio sa ginanap na launching sa Manila Central Post Office Building na tampok sa stamps ang winning moments ng mga atleta.

 

 

“Napakasarap ng pakiramdam na ilan sa ating kababayan ay nakapag-uwi ng karangalan at nagbigay ng inspirasyon sa ating bayan. Ito ang nagbunsod sa amin dito sa Philippine Post Office na maglabas ng postage stamp o selyo na naglalaman ng larawan ng tagumpay na nakamit ng ating kababayan sa nakaraang Tokyo Olympic Games,” ani Fulgencio.

 

 

Present mismo sa launching si Diaz, Petecio, Paalam at Marcial.

 

 

Todo naman ang pasasalamat ng mga atleta sa suporta ng mga Pinoy sa kanilang naging kampaya sa Olympics.

 

 

Kasama ring inilunsad ng Post Office ang “Keep the Faith, Be a Hero, Vaccinated Stamps.”

RHEN, determinadong sumikat at aminadong nakararamdam ng anxiety dahil sa kanyang career

Posted on: September 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DETERMINADONG sumikat si Rhen Escano kaya naman bawat opportunity na dumarating sa kanya bilang artista ay gina-grab niya.

 

 

Pero aminado naman si Rhen na kung minsan ay nakararamdam din siya ng anxiety sa kanyang career.

 

 

Pero ito raw ang ginagamit niya na motivation to go on with her career.

 

 

“Ginagawa ko ang lahat kasi gusto kong maging successful bilang artista. Gusto kong sumikat kaya willing ako pagdaanan kahit na anong challenges, matupad ko lang ang dream ko,” sabi ni Rhen.

 

 

Si Rhen ang bida sa bagong Viva movie ni Direk Yam Laranas titled Paraluman. Katambal niya rito ang 90s idol na si Jao Mapa.

 

 

May-December affair ang kwento ng Paraluman at bumagay naman daw sina Rhen at Jao sa kanilang respective roles, ayon sa kanilang director.

 

 

***

 

 

BALIK-SHOWBIZ si Jolo Estrada, ang ikalawa sa apat na mga anak nina Jinggoy Estrada at Precy Ejercito.

 

 

Kasali siya sa cast ng Moonlight Butterfly ng 3:16 Media Network where he plays the brother of Christine Bermas who is being launched as a star sa pelikulang ididirek ni Joel Lamangan.

 

 

Si Jolo ay lumabas sa Ang Tatay Kong Sexy kung saan bida ang kanyang ama.

 

 

Mina-manage siya ni Leo Dominguez at umaasa ang binata na malaki ang maitutulong sa kanya ng kanyang manager to be successful sa showbiz.

 

 

Naniniwala si Leo sa potential ni Jolo as a leading kaya hindi siya tumigil until napapayag niya na muli itong mag-artista.

 

 

Inalok ng role si Jolo ng role ng 3:16 Media Network. Maging ang bagong production film ay naging interesado sa binata.

 

 

Pumasa rin siya sa taste ni Direk Joel kaya pasok siya sa pelikula na ang script ay isinulat ni Eric Ramos.

 

 

***

 

 

KASAMA sa listahan ng most popular books sa isang sikat na bookstore ang life story ni Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Ngayon lang namin nalaman na documented na pala via a book ang buhay ni Yorme.

 

 

Ang akala namin ay ‘yung pelikula lang ang documentation ng buhay ng dating That’s Entertainment mainstay na ngayon ay isa sa most admired mayors sa bansa.

 

 

Bagamat natapos na ang shoot ng pelikula sa buhay ni Yorme, wala pa itong playdate.

 

 

Mukhang hinihintay ng mga producers na magbukas muna ang sinehan kaya for now ay on hold ang release ng life story ni Mayor Isko.

 

 

Siyempre mas maganda kung mas marami ang makakapanood ng movie that stars McCoy de Leon as the Isko Moreno at si Xian Lim bilang Yorme, the politician.

 

 

Marami ang nag-aabang sa magiging announcement ni Mayor Isko regarding his political plans for next year. May grupo na kasi na kumakausap sa kanya na tumakbo siyang president.

(RICKY CALDERON)

ANDREA, excited na bagong project kahit umeere pa ang ‘Legal Wives’; pagtatambal nila ni JOHN LLOYD, malabo pa

Posted on: September 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LEGAL na ang pagsasama ng mga Kapuso stars na sina Mark Herras at Nicole Donesa ang kanilang pagsasama.

 

 

Nagpakasal na nga ang dalawa noong September 8 sa Quezon City Hall.

 

 

Kasabay ng pag-announce nila sa kanilang mga social media accounts ay ang pag-upload ng kanilang civil wedding video sa kanilang YouTube vlog.

 

 

Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nag-officiate ng wedding nila at ayon kay Nicole, biglaan at mabilis lang daw nangyari ang lahat. Kaya ramdam nila na gusto raw talaga ni Mama Mary na makasal na sila.

 

 

Dahil na rin sa pandemic kaya civil wedding muna at halos lima lang daw silang present, kabilang na rito ang tumayong witness at principal sponsors nila.  Tuloy pa rin daw ang plano nilang church wedding at mas malaki.

 

 

Nagkataon din na nasa States ang mga magulang ni Nicole kaya siyempre, gusto rin nila na present ang mga ito during their church wedding.

 

 

Si Nicole naman, ang caption niya, “We tied the knot on Mama Mary’s birthday.”

 

 

American citizen si Nicole, kaya kung sakali at maisipan nilang manirahan sa America, pwedeng-pwede.

 

 

***

 

 

BUKOD sa mini-series na ginawa ni Andrea Torres kunsaan, kapareha niya si Kylie Padilla, ang BetCin na ipalalabas sa WeTV at iFlix, excited na raw ito dahil may bago siyang project na gagawin sa GMA-7.

 

 

Kasalukuyan pa rin umeere ang primetime series niya sa GMA-7 na Legal Wives at kahit excited na sa bagong project, hindi pa rin daw niya ito mairi-reveal.

 

 

     “Ako kasi, hangga’t hindi pa talaga nag-start, ayoko munang magsalita. Pero sobra kong excited kasi, first time ko lang siya magagawa.    “Sabi ko nga, itong year na ‘to, sobrang daming breakthrough na nangyari, ‘Yung BetCin, Legal Wives and then itong new project na gagawin ko.”

 

 

Hindi naman masagot ni Andrea kung totoo nga bang shelved o hindi na matutuloy ang sitcom na pagsasamahan daw nila ni John Lloyd Cruz.

 

 

      “Wala talaga ‘kong alam, e, kasi, wala naman din kumakausap sa akin.  So, hindi ko alam kung ano na ‘yung nangyari.”

 

 

Hindi rin naman daw siya nakaramdam ng lungkot or anything kung hindi man ito matutuloy dahil katwiran niya, kahit noong nababalita at marami na ang nagtatanong sa kanya, hangga’t walang formality na kinausap na siya, hindi raw niya ito inisip na kanya o nag-claim na siya.

 

 

     “Pero siyempre, natuwa naman po ako noong ayoko ‘yung parang kinokonsider na makakapareha niya. Kasi ever since naman, sinasabi ko talaga na isa si John Lloyd Cruz sa dream ko na maka-trabaho.”

(ROSE GARCIA)

Ads September 20, 2021

Posted on: September 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PAOLO, nagwi-wish na maging maayos ang pag-uusap nila ni LJ para madalaw si SUMMER sa Christmas

Posted on: September 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKA-ATTEND si Alden Richards ng FinancePH Seminar online, kahit naka-quarantine siya in preparation sa pagbalik nila sa lock-in taping ng GMA Primetime series nilang The World Between Us.

 

 

Pinost ng ama niyang si Daddy Bae ang Certificate of Completion sa kanyang Instagram, na: “This acknowledges that RICHARD JR. FAULKERSON has attended on September 10, 2021 the seminar:  Financial Accounting 101 for Entrepreneurs and Professionals.  Student Grade – With Distinction  Duration: 4 hrs  Facilitator: Ma. Nonabelle Villahermosa.”

 

 

Isa nga ito sa mga binabanggit ni Alden sa kanyang mga interviews na gusto niyang mag-aral pa ng tungkol sa financing, since into business siya dahil nga sa pag-aari niya ang ilang Concha’s Restaurant in Tagaytay at ang kanyang fast food na McDonald’s in Binan, Laguna.

 

 

Kung mas may time pa raw siya ay itutuloy niya ang studies niya para makatapos siya ng college.

 

 

***

 

 

“BACK to regular programming” ang caption ni LJ Reyes sa kanyang Instagram post ngayong medyo nakakabangon na siya sa paghihiwalay nila ni Paolo Contis.

 

 

Ilang araw pa lamang silang nakarating sa New York ng mga anak na sina Aki at Summer, nagulat ang mga fans nang lumabas na siya at nag-attend ng New York Fashion Week at hindi rin sinayang ni LJ na mag-post ng mga glamour shots niya sa IG account niya.

 

 

Kaya naman natuwa ang mga fans at supporters ni LJ at tuluy-tuloy ang pagpuri nila sa Kapuso actress.  Pinost din ni LJ ang pagsisimula niya ng workout session sa kanyang fitness coach via zoom, na sa isang part ng session kasama pa niya ang two-year old daughter nila ni Paolo na si Summer.

 

 

Sa ngayon,wala pang balak si LJ na bumalik muli sa bansa at kinu-consider niyang ituloy sa New York ang itinayo niyang business na hygiene essential products, kaya nag-post din siya kung may mga Pinoy doon na interesado sa business niya at maganda daw naman ang feedback niyang natatanggap.

 

 

May option din si LJ na mag-migrate na lamang sa USA dahil naroon naman ang kanyang family.  Kaya raw niyang isakripisyo ang kanyang career kung kinakailangan para sa dalawa niyang anak.

 

 

***

 

 

WITH this development, on Paolo Contis side, ayaw na niyang magbigay pa ng ibang comment tungkol sa paghihiwalay nila ni LJ, dahil nasabi na raw niya ang side niya.

 

 

Sa ngayon ay muli na silang bumalik sa huling lock-in taping ng cast ng I Left My Heart In Sorsogon with Heart Evangelista at new Kapuso actor Richard Yap with the new Kapuso love team nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi. 

 

 

Bago bumalik sa lock-in taping, nagpaka-busy rin si Paolo sa paggi-guest sa shows tulad ng Dear Uge at sa pagti-taping nila ng Bubble Gang.

 

 

Miss na miss na raw ni Paolo ang two-year old daughter nila ni LJ na si Summer, kaya gusto na niyang makipag-ayos kay LJ dahil gusto niyang madalaw si Summer sa New York this coming Christmas.

 

 

Kaya i-wish natin si Paulo na maging maayos ang pag-uusap nila ni LJ para maging masaya naman si Summer sa Pasko.

 

(NORA V. CALDERON)

Latest vlog ni BEA na kasama si DOMINIC na ‘Not My Hands Challenge’, kinakiligan nang husto ng netizens

Posted on: September 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATOK na patok sa netizens ang latest vlog ni Bea Alonzo na pinost niya sa last Saturday na kung saan nakasama niya uli ang kanyang honey pie na si Dominic Roque.

 

 

Caption ni Bea, HELLO SATURDAY!

 

 

“I’m dropping another vlog tonight, with my boo! We played the “NOT MY HANDS CHALLENGE”. Abangan nyo na lang kung nauwi sa away.”

 

 

#BeaAlonzo #ByBea #LifeIsBEAutiful #DominicRoque

 

 

Kilig-to-the-max talaga ang naramdaman ng mga viewers lalo na yun avid fans ng #BeaDom na nagpakumpleto sa kanilang Sabado at nabitin sa almost 18 minutes na vlog.

 

 

Last time we check ng Sunday night, naka-820K plus na ang views nito at may 53K plus na likes, meron din naman 600 plus na nag-dislikes sa ginawang challenge nina Bea at Dom.

 

 

Ilan nga sa naging comments sa youtube channel ni Bea na umabot ng higit sa 5K:

 

“Grabe. Ang sarap niyo panoorin. Navi-vision ko ito na makakatuluyan ni Bea. Madam Rudy is that you? Char!”

 

“Yung ending talaga eh “Life is beautiful” in Dominic Roque’s voice!!! kilig!!”

 

“Di ko ma-explain pero kinilig tlaga ako sa last ng sinabi ni Dom na “Life is Beautiful!”

 

“It was fun watching them two. It takes two to tango talaga. Life becomes more beautiful Dom when shared with people u loved tlga. Great show and I was entertained. Stay safe and healthy.”

 

“Dom is so funny! He seems to be such a perfect boyfriend. Kakainggit!”

 

“Dom is so thoughtful..really cares for Bea. He said to Bea “Hon tindig kana, nanginginig ng tuhod mo.”

 

“Kinilig ako dun sa “patay ka sakin mamaya”. Hayop! Umaapaw sa happiness at kilig itong vlog na to.”

 

“You’re destined for each other. Aside from you look good together, you really look like each other. Sabi nila, kapag magkamukha daw and couple, ibig sabihin destined sila to be together.”

 

“Dominic is so careful in everything he does…. while Bea is making fun of what she does….hmmm.”

 

“Grabeeee. Kilig to the max. I can say that Ms. Bea is at her happiest state . Really happy for the both of you.”

 

“More videos together please? Nakikita sa mga mata nila na genuine talaga yung happiness nila. I’m so happy for the both of you. Proud fan here.”

 

“Not a fan of Dom pero dito parang magiging superfan mo na ko Dom haha Ang simple at natural ng kagwapuhan, it matches Bea’s natural beauty…kilig much here …

 

Bea is playful but this blog is fully overloaded with good vibes and genuine kilig. No awkward moment just pure love. Stay in love, lovebirds, keep up the kilig moments. Looking forward to more videos of you two soon.”

 

“When Dom said “Life is Beautiful while looking and put some berries on Bea’s mouth..Kinilig ako sobra for Bea.”

 

“TALAGANG “IN GOD’S PERFECT TIME” talaga!

 

See kung maghihintay lang talaga tayo darating ang tamang tao sa tamang panahon di ba.”

 

 

***

 

 

MULING sasabak ang award-winning thriller at horror film director na si Yam Laranas sa paggawa ng romance movie.

 

 

Mas kilala si Direk Yam sa kanyang mga award-winning thrillers at horror films gaya ng Sigaw, Aurora at ang latest na Death of a Girlfriend.

 

 

Ang huling nagawang romance movie ni Direk Yam ay ang 2002 blockbuster hit na Ikaw Lamang Hanggang Ngayon na pinagbidahan ni Regine Velasquez at Richard Gomez.

 

 

Ang Paraluman naman ay maituturing na sexy love story ay pinagbibidahan ng isa sa mga most promising stars ng VIVA, si Rhen Escaño, na hinangaan at nag-iwan ng marka sa kanyang pagganap sa pelikulang Adan, The Other Wife at Untrue.

 

 

Makatatambal ni Rhen ang nagbabalik-pelikula na 90s heartthrob at premyadong aktor na si Jao Mapa, na gaganap para sa role nila Mia at Peter.

 

 

Sa movie, si Peter (Jao) ay kalive-in ng barangay worker na si Giselle (Gwen Garci). Makikilala nila si Mia (Rhen) ang nakababatang kapatid ng kanilang kaibigan na galing sa probinsya.

 

 

‘Di magtatagal ay mahuhulog ang loob ni Mia kay Peter na ‘di hamak na napakalaki ng tanda sa kanya, at nakatakda na rin silang ikasal ni Giselle. Kailangang mamili ni Peter kung sino ang mananaig sa kanyang puso.

 

 

Si Mia ba na halos dalawampung taon ang tanda niya at kadarating lang sa buhay niya, o si Giselle na matagal na niyang kasama at walang ibang gusto kung hindi makasama siya habang buhay?

 

 

Ayon sa naging pahayag ni Direk Yam, “This is not your usual romance. There is something deeper.

 

 

At ang malaking age gap nina Mia at Peter na may karelasyon na, ay mas nakadadagdag ng kakaibang thrill at talagang nakaka-excite.

 

 

Ito nga ang unang beses na magkakapareha sa pelikula sina Rhen at Jao, kaya naman kaabang-abang ang kanilang on screen chemistry at ang magiging journey ng character nila bilang Mia at Peter.

 

 

Maraming bago at exciting na aabangan sa Paraluman, na mapapanood na sa September 24, streaming online at VIVAMAX.

(ROHN ROMULO)

“VENOM: LET THERE BE CARNAGE” HOLDS “FANS FIRST SCREENING EVENT” IN LONDON

Posted on: September 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LONDON, September 14, 2021 — Director Andy Serkis and lead actor Tom Hardy (and his dog Blue) welcomed lucky Venom followers to the “Fans First Screening Event” for Venom: Let There Be Carnage at Cineworld Leicester Square in London, England.

 

 

Check out the event’s sizzle reel below, as well as photos taken from the red carpet and the pre-screening presentation.

 

 

Columbia Pictures’ upcoming action-thriller Venom: Let There Be Carnage, will open exclusively in Philippine cinemas soon.

 

 

Sizzle Reel: https://youtu.be/PH3iEnJsxGA

 

 

(Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/NPdyL1NSlto)

 

 

About Venom: Let There Be Carnage

 

 

Tom Hardy returns to the big screen in Venom: Let There Be Carnage as the lethal protector Venom, one of MARVEL’s greatest and most complex characters. Directed by Andy Serkis, the film also stars Michelle Williams, Naomie Harris, Reid Scott, Stephen Graham and Woody Harrelson, in the role of the villain Cletus Kasady/Carnage.

 

 

The screenplay is by Kelly Marcel, story by Tom Hardy & Kelly Marcel, based on the Marvel Comics.

 

 

The film is produced by Avi Arad, Matt Tolmach, Amy Pascal, Kelly Marcel, Tom Hardy and Hutch Parker.

 

 

The executive producers are Barry Waldman, Jonathan Cavendish and Ruben Fleischer.

 

 

      Venom: Let There Be Carnage will be distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #Venom

(ROHN ROMULO)

LALAKI ARESTADO SA PAGBEBENTA NG BARIL

Posted on: September 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO  ang isang lalaki na nagbebenta ng baril sa ikinasang gun bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kagabi sa Tondo, Maynila .

 

 

Kinilala ang suspek na si Mark Oliver  Buenaventura , alyas Mico, 21, binata  ng  1987 Almeda St. Brgy 226 Zone 21, Tondo, Manila.

 

 

Kilala rin ang suspek na miyembro ng “Tiatco Criminal Gang” na maituturing na  district level criminal gangs

 

 

Sa ulat ng MPD, alas 7:15 kagabi nang maaresto ang suspek sa kahabaan ng Daang Bakal St , Tondo.

 

 

Nagsagawa ng gun buy bust operation ang mga tauhan ng MPD-DPIOU sa pangunguna ni PMaj Carlo Lonosa , hepe ng DPIOU laban sa suspek.

 

 

Nag-ugat ang operasyon mula sa impornasyon na natanggap mula sa regular confidential informant  na biniripika naman ng pulisya .

 

 

Ang suspek ay sangkot din sa  “basag kotse”, illegal drug trades, gun running, at robbery hold-up activities sa area ng Tondo, Manila at kalapit syudad.

 

 

Kakasuhan ng Comprehensive Laws of Firearms and Ammunitions ang suspek matapos makuha sa kanya ang isang Smith and Wesson .357 Magnum revolver na walang serial number at  loaded ng apat na bala.

 

 

Nakuha rin sa suspek ang P500 mark money at booodle money na P3,000. GENE ADSUARA

53 lugar sa QC isinailalim sa lockdown, ayuda para sa 2 kumbento ng mga madre ipinadala na matapos ang Covid-19 outbreak

Posted on: September 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nadagdagan pa ang mga lugar dito sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19.

 

 

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nasa 53 na mga lugar ngayon ang nasa granular lockdown.

 

 

Nilinaw ng Alkalde na partikular lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay.

 

 

Siniguro ng QC LGU na mamahagi sila ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.

 

 

Ang mga ito ay sasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

 

 

Batay sa datos ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) ang siyudad ay mayruong 13,252 active cases mula sa 150,740 na kabuuang bilang na nagpositibo sa lungsod na ngayon ay pinagtutuunan ng pansin.

 

 

Ayon sa CESU nasa 90.3% o 136,104 na ang gumaling sa Covid-19 infection.

 

 

Batay naman sa datos ng PNP Joint Task Force Covid Shield nasa 59 barangays sa NCR ang nasa ilalim ng granular lockdown kung saan karamihan dito ay sa Quezon City na mayruong 32 barangays.

 

 

Tanging ang area ng Manila Police District (MPD) ang walang naitalang barangays na isinailalim sa granular lockdown.

 

 

Agad naman na nagpaabot ng ayuda ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Office of the City Mayor para sa Missionary Sisters Servant of the Holy Spirit sa Barangay Immaculate Concepcion at Religious of the Virgin Mary sa Barangay Kaunlaran.

 

 

Saku-sakong bigas, canned goods, vitamins,toiletries, alcohol at facemasks ang binigay para sa mga residents ng nasabing kumbento ng mga madre.

 

 

Sa kabuuan, mahigit 100 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa dalawang kumbento at may isa namang pumanaw.

 

 

Sa ngayon isinailalim na rin sa Special Concern Lockdown ang dalawang kumbento para maiwasan ang pagkalat ng virus.