• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2021

Prayoridad na protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan sa gitna ng pandemya

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na prayoridad ng pamahalaan na protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Tugon ito ng Malakanyang sa Bloomberg Resilience findings kung saan ang bansa ay nasa ranking na “second to worst” sa pagtugon sa pandemya.

 

Sa ulat, ang Pilipinas ay nasa rank na 52 noong Hunyo sa Bloomberg COVID Resilience Ranking ng 53 largest economies.

 

Ang Pilipinas ay may score na 45.3 o “only ahead of Argentina” na may score na 37.

 

“Ulitin lang po natin, ang ating choice ngayon ay hindi between health and the economy. It is about total health,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Ang ating mga polisiya ngayon ay talagang ini-ensure na hindi lang mapapababa ang numero ng COVID kung hindi maiiwasan din po ang pagkagutom sa hanay ng ating kababayan,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, sa kalaunan naman ay makababawi ang ekonomiya mula sa pagkakalugmok dahil sa restriksyon sa mobility at operations na ipinatupad upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

 

“Hindi natin makakailala na malaki ang naging epekto ng pandemiya sa ating ekonomiya. Pero ang ating economic team naman ay kampante na tayo po ay unti-unti nang bumabangon at tuluyang makakabangon,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Stamina, head movements at footwork mahigpit na tinututukan ng Team Pacquiao

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinututukan sa ngayon ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao na mas maging malakas pa ang stamina ng pinoy ring icon bilang preparasyon sa nakatakdang laban kay Errol Spence.

 

 

Ayon kay Pacquiao na dapat ma-develop rin ang kanyang head movements at footwork.

 

 

Dagdag pa nito na focus siya ngayon sa training dahil isang magaling rin na boksingero si Spence.

 

 

Napag-alaman na si Coach Buboy Fernandez ang kasama ni Pacquiao na nag-eensayo sa GenSan.

 

 

Una nito inihayag ni Fernandez na hindi dapat i-under-estimate si Spence dahil naghahanda rin sa laban.

 

 

Target ng Team Pacquiao na matamaan ng malakas na kamao si Spence sa unang mga rounds ng laban para maramdaman nito na kahit may edad na ang senador hindi basta basta pa rin na boksingero.

PAGPAPABAKUNA SA MAYNILA, TIGIL MUNA

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA  ni Cesar Chavez, Chief of Staff ni Domagoso na tulad sa Taguig City ay hinihintay din ng City of Manila ang Certificate of Analysis na ilalabas ng Department of Health mula sa manufacturer ng bakuna upang muling makapagpatuloy pagbabakuna sa lungsod.

 

 

Nito lamang June 24 ay dumating ang 400,000 doses ng Sinovac mula sa China ngunit pansamantalang nasuspindi ang vaccination dahil sa kakulangan pa ng dokumento para pagpapatuloy ng bakunahan.

 

 

Huling mass vaccination sa Maynila ay noong June 26 at hanggan ngayon ay wala pang bagong iskedyul ng bakunahan sa mga vaccination sites.

 

 

Agad naman umanong sismulan muli ang pagbabakuna sa sandaling mairelease na ng DOH ang COA ng Sinovac.

 

 

Samantala,wala ring isasagawa na  second dose vaccination para sa mga  indibidwal  na una nang nabakunahan gamit ang Sputnik V vaccine dahil wala pang suplay mula sa pambansang gobyerno.

 

 

Umabot na sa 440,155 indibidwal ang nakatanggao na ng kanilang first dose ng bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Habang nasa 158,260 naman ang fully vaccinated o mga nakakumpleto na ng kanilang bakuna.

 

 

Ang bilang na ito ayon sa Manila Public Information Office ay mula sa bilang ng nakatanggap na ng first dose.

 

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, kabilang sa mga naturokan ang mga health workers, senior citizens, persons with comorbidities, essential workers at indigent persons o mga kabilang sa  priority groups na A1 hanggang A5.

 

 

Patuloy naman aniya ang pagbabakuna sa Maynila upang maabor ng target na population protection. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Nalalabing araw sa Olympic torch relay iiwas muna sa public roads

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Balak ngayon ng mga otoridad na baguhin ang unang walong araw ng Olympic torch relay sa siyudad ng Tokyo dahil sa pangamba sa hawaan sa COVID-19.

 

 

Ayon sa mga organizers iiwas muna sila sa mga matataong lugar o public roads para makaiwas din sa super spreader events.

 

 

Inaasahan kasi na sa July 9 ay darating na ang traditional torch relay sa Tokyo at ipaparada ito sa mga sentrong lugar hanggang sa grand opening ng pinakalamaking sporting event sa buong mundo sa July 23.

 

 

Sa ngayon hindi pa tinukoy ng Olympic organizers ang mga lugar na dadaan ng Olympic torch relay sa Tokyo lalo na at ang host city ay nasa state of emergency pa hanggang July 11 dahil sa pangamba sa COVID surge.

Gilas optimistiko sa Olympic qualifiers

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa kabila ng kaliwa’t kanang injuries sa lineup, nananatiling mataas ang moral ng Gilas Pilipinas na haharap sa mga bigating tropa sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na pormal nang lalarga nga­yong araw sa Belgrade, Serbia.

 

 

Posibleng hindi makalaro si Dwight Ramos na may iniindang groin injury habang napasama pa sa injury list ng Gilas Pilipinas si naturalized player Angelo Kouame na nananakit ang tuhod.

 

 

Nauna nang nagtamo ng injury si Carl Tamayo na nagtamo naman ng ankle sprain sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Indonesia sa FIBA Asia Cup Qualifiers noong nakaraang linggo.

 

 

Aminado si Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin na malaking dagok ito sa koponan lalo pa’t hindi basta basta ang mga koponang makakalaban sa Olympic qualifiers.

 

 

“We’re banged up. There’s no question we came out in the third win­dow limping. Ange Kouame is nursing is a deep knee bruise, deep knee contusion that he got in the third window and he’s not at full speed,” ani Baldwin.

 

 

Sa kabila ng lahat, buhay na buhay ang dugo ng Gilas Pilipinas na excited nang makipagsabayan sa mga veteran players ng Serbia at Dominican Republic.

 

 

Bitbit ng Gilas Pilipinas ang pusong palaban na siyang mantra ng koponan sa kanilang mga international tournaments.

No. 2 MWP ng Malabon natimbog ng NPD sa Rizal

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang tinaguriang listed No. 2 Most Wanted Person ng Malabon city matapos maaresto ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Baras, Rizal.

 

 

Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) head PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Gian Carlo Padua, 31 ng 132 Pineapple Road, Brgy. Potrero, Malabon city.

 

 

Sa report ni PLTCOL Dimaandal kay NPD Director PBGEN Jose Hildalgo Jr, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ang suspek sa isang lugar sa Baraz Rizal na naging dahilan upang agad bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni PLT Melito Pabon.

 

 

Kasama ang NDIT-RIU NCR, RID-NCR, DID-NPD, HPG-NPD at mga tauhan ng Baras Police Station, agad tinungo ng mga operatiba ng DSOU ang pinagtataguan ng akusado sa Southville 9, Pinugay, Baras Rizal na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-10:30 ng gabi.

 

 

Ayon kay PLTCOL Dimaandal, si Padua na isa ring DILG MWP with Reward at miyembro din ng notoryus ‘Limos Carnapping Crime Group’ ay inaresto sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Hon. Josien N. Rodel, Presiding Judge ng RTC Branch 293 ng Malabon city para sa kasong paglabag sa RA 10833 (The New Anti Carnapping Law of 2018 na walang inirekomendang piyansa at paglabag sa Article 308 of the RPC para sa kasong Theft na inisyu ni Hon. Ma. Ofelia Salgado Contreras-Soriano ng MTC Branch 55. (Richard Mesa)

Duque kumasa kay Pacquiao sa alegasyon ng korapsyon

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kumasa si Health Secretary Francisco Duque III sa hamon na imbestigasyon ni Sen. Manny Pacquiao kaugnay sa umano’y korap­syon sa DOH.

 

 

Ayon kay Duque handa siyang ipakita sa senador kung saan nila ginastos ang pondo ng ahensiya ngayong pandemic.

 

 

“While we are disheartened by these baseless accusations from our government officials, we submit ourselves to inquiries from legislators as this is a part of the checks and balances in our government,” ayon kay Duque.

 

 

Ipinaliwanag niya na nabanggit na noon ng Department of Finance sa Senate Committee of the Whole hearing na ang inutang na pondo ng pamahalaan ay napupunta sa vaccine manufacturer mula sa funding agency.

 

 

Hindi umano dumaraan sa kamay ng DOH ang pera mula sa fun-ding agencies.

 

 

Tiniyak din ng kalihim na palaging transparent ang DOH pagdating sa paggastos dahil kaila-ngan umano na maayos na ipamahagi ang pondo para patuloy na mai-patupad ang Universal Health Care Law habang rumeresponde sila sa COVID-19 pandemic.

 

 

“Kung ang tanong ay kung handa kaming ipakita kung saan napunta ang pondo, handang handa po kami. We submit reports to concerned go-vernment agencies and even the Senate,” ayon pa kay Duque.

 

 

Matatandaan na kumasa sa hamon ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte si Sen. Manny Pacquiao na tukuyin ang mga katiwalian sa gobyerno.

 

 

Unang tinumbok ni Pacquiao ang DOH kung saan pinabubusisi niya ang gastusin sa pagbili ng rapid test kits, PPEs, masks at iba pa.

 

 

“Handa ka ba Sec. Fran­cisco Duque na ipa-kita ang kabuuan ng iyong ginagastos? Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya?,” ayon kay Pacquiao. (Daris Jose)

Ads July 2, 2021

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

On-screen chemistry nina SANYA at GABBY, sekreto sa tagumpay ng ‘First Yaya’

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAGWAWAKAS na ngayong gabi ang well-loved primetime series ng GMA Network, ang First Yaya.

 

 

After ng ilang buwan na panalo sa ratings game at sa puso ng manonood dahil  na rin sa enthralling plot at gripping performances ng buong cast.

 

 

Sa final week, na-convince ni Melody (Sanya Lopez) si President Glenn (Gabby Concepcion) na wag ng mag-withdraw sa kanyang posisyon.

 

 

Samantalang, si Luis (Gardo Versoza), ang political foe disguised as an ally ng president, is enraged by his competitor’s bold statement against him and plots his revenge to assassinate President Glenn.

 

Ano nga ang magiging katapusan ng fairytale-like romance nina Yaya Melody at President Glenn?

 

 

Kasama ngang mahusay na nagsipangganap sa kani-kanilang vital roles sa serye sina Pancho Magno as PSG Conrad Enriquez, Ms. Pilar Pilapil as Blesilda Acosta, Cassy Legaspi as Nina Acosta, Joaquin Domagoso as Jonas, Maxine Medina as Lorraine Prado, Kakai Bautista as Pepita, Cai Cortez as Norma, Thou Reyes as Yessey, Patricia Coma as Nicole Acosta, Clarence Delgado as Nathan, Thia Thomalla as PSG Val Canete, Jon Lucas as Titus de Villa, Glenda Garcia as Marni Tupaz, Sandy Andolong as Edna Reyes, Buboy Garovillo as Florencio Reyes, Analyn Barro as Gemrose Reyes, Anjo Damiles as Jasper, at Jerrick Dolormente as Lloyd Reyes.

 

 

Ni-reveal naman ni Gabby ang mga mami-miss niya sa serye, “Mami-miss ko ‘yung samahan at tawanan. Hindi naman parating masaya sa set pero ito kakaiba dahil ngayon lang ako nakaranas na kahit sa set o sa labas, talagang masaya kami. Hindi ko malilimutan ‘yung samahan ng buong cast, staff, at production team.” 

 

 

Ayon naman kay Sanya, malaking pagbabago ang idinulot sa kanyang buhay ang first titular role, “Mas lumalim po ‘yung pagkakakilala ko lalo na sa mga kasambahay sa buhay natin. Mas na-realize ko na lahat tayo, lalo na ang mga kasambahay, lahat tayo may dinadalang problema. Dito mas nakilala ko ‘yung sarili ko at natutunan ko na sa buhay natin hindi lang sarili natin ‘yung mahalaga, pati na rin ‘yung buhay ng ibang tao.”

 

 

     Samantala, ibinahagi ni Pancho na excited na sila para sa viewers na matunghayan ang finale ngayong gabi, “Abangan nila kung ano pang mangyayari sa lahat ng characters. Honestly, we’re all super excited kung ano ang magiging kalalabasan at magiging reaction ng mga tao sa finale week namin.”

 

 

Ni-reveal naman ng director na si LA Madridejos, na naniniwala siya na ang sekreto sa tagumpay ng serye ay ang on-screen chemistry nina Sanya at Gabby, “Basically kung ano ‘yung nangyari kina Yaya Melody at PGA, ganoon din ‘yung nangyari sa chemistry nina Sanya and Gabby.

 

 

As we go along, makikita mo magwo-work ‘yung magic niyan. Iyon ‘yung masarap sa hindi pinilit. Iyon ‘yung masarap sa hinayaan mo mag-grow sila. Tapos unti-unti, kahit wala kang ibinibigay na instructions, meroon na silang inputs and nagagawa na at alam mo na na-invibe na nila ‘yung buong character.” 

 

 

     Kaya wag i-miss ang highly anticipated finale ng First Yaya na mula sa mahusay na direksyon ni LA Madridejos at ng associate director na si Rechie del Carmen ngayong gabi sa GMA Telebabad.

 

 

Para naman sa viewers sa ibang bansa, catch the program via GMA’s flagship international channel, GMA Pinoy TV.

(ROHN ROMULO)

DISBARMENT KONTRA GADON, PINAG-IISIPAN

Posted on: July 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAG-ARALAN ng isang grupo ang paghahain ng disbarment  at criminal charges laban  kay  Atty.Larry Gadon na namatay si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil sa impeksyon sa HIV,.

 

Ito ay kasunod din ng pagkondena ng HIV Advocacy Group sa naging  naging pahayag ni Gadon kung saan sinabi umano nitong hindi nakarekober  sa kanyang sakit ang dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa HIV.

 

Nagbabala naman ang Deparment of Health (DOH) na  mag-ingat sa pagbibigay ng pahayag o impormasyon na may kinalaman sa HIV status  ng isang indibidwal.

 

Ayon sa DOH, labag sa batas na ibunyag nang walang pahintulot , impormasyon na ang isang tao ay may AIDS, sumailalim sa  kahalintulad na pagsusuri sa  HIV, may impeksyon sa HIV o mga karamdamang may kaugnayan sa HIV o nalantad sa HIV.

 

Sa ilalim ng Republic Act No. 11166 o Philippine HIV and AIDS Policy Act, ipinagbabawal ang pagsasapubliko ng impornasyon ng isang tao na may sakit na HIV  at AIDS .

 

Gayundin ang mga nagpa-test, na-expose  o nahawaan ng naturang sakit at mga nagpapagaling sa HIV.

 

Binigyan diin ng ahensya na ang iligal ang pagsasapubliko ng impormasyon ng isang tao na may HIV status nang walang pahintulot muna sa taong may sakit dahil ito ay sensitibo.

 

Maari namang makasuhan alinsunod sa batas ang mga lumalabag at mananagot sa mga parusang kriminal, administratibo at  civil sanctions at  penalties. (GENE ADSUARA)