HINIMOK ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na deactivated na ang kanilang voters registration na muling magpatala sa Commission on Elections (Comelec).
Partikular na hinikayat ng PPCRV ang mga hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan lumipat ng tirahan nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na bumalik na ng bansa.
Ayon kay PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra may 7-milyong botante na dineactivate o inalis ng COMELEC sa listahan ng mga botante sa bansa.
Napakahalaga ang partisipasyon ng bawat Filipino sa nakatakdang halalan sa susunod na taong 2022 National and Local Election kung saan kabilang sa mga dapat ihalal ay ang magiging bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa na magsisilbi sa loob ng susunod na anim na taon.
Ibinahagi rin ni Buenaobra ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng PPCRV sa iba’t ibang diyosesis sa bansa upang maging katuwang sa pananawagan at kampanya na himukin ang mga kabataan, mga umuwing OFW at mga na-deactivate na mga botante upang muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng COMELEC.
Paliwanag ni Buenaobra, mahalagang makabahagi ang bawat mamamayan sa nakatakdang halalan na kabilang sa karapatan at tungkulin ng bawat isa sa isang demokratikong bansa.
Tiwala naman ang PPCRV na maaabot ng COMELEC ang target nitong magkapagpatala ng 60-milyon o higit pang mga rehistradong botante na maaaring makibahagi sa nakatakdang halalan sa 2022.
Ibinahagi ng kumisyon na umaabot na sa 59-na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante sa bansa.
Batay sa opisyal na tala ng COMELEC noong 2019 elections , may 61.8-milyon ang bilang ng mga botante sa bansa ngunit kinailangang i-deactivate ng kumisyon ang mahigit sa 7-milyong botante dahil na rin sa pagkabigo na bumoto sa dalawang magkasunod na halalan. (GENE ADSUARA)
Kumamada si Devin Booker ng 47 points sa 113-100 pagsibak ng Phoenix Suns sa nagdedepensang Lakers sa Game Six ng kanilang Western Conference first-round playoffs series.
Hindi na umano kailangan pang kumuha ng travel pass o travel authority kung plano nilang tumawid sa ilang lugar para sa leisure purposes.
Magsisimula na sa buwan ng Hulyo ang bubble training ng mga national athletes ng bansa bilang paghahanda sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.
Aminado si eight-division world champion Manny Pacquiao na pinakamalaking pagsubok sa kanyang boxing career ang makasagupa si Errol Spence Jr.
Napilitang tumigil sa paglalaro sa French Open si world number 1 Ashleigh Barty matapos na ito ay ma-injured.
Iniklian na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pitong araw ang quarantine protocol para sa mga Pinoy travelers na papasok ng bansa na nakumpleto ang bakuna laban sa COVID-19 dito sa Pilipinas.
HINDI tumitigil ang pag-usad ng pag- uusap na may kinalaman sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine sea.
Inamin ng panig ng oposisyon partikular ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magiging mahirap na kalaban sa 2022 national elections ang ieendorsong presidential candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte.
KINASAL na ang aktres na si Bianca King kay Ralph Wintle.