MAY pasabog na post na naman si Direk Darryl Yap para sa kanyang upcoming film na patuloy na pinag-uusapan dahil sa nakaka-intriga nitong titulo na Revirginized na kung saan ang bida ay si Megastar Sharon Cuneta.
Ang hot ng patikim na photos na kuha sa movie na kung saan napapayag talaga si Mega na i-body shot si Marco habang nakahiga ito sa lamesa, nilagyan ito ng caption ng direktor ng, “Marco Gumabao is Mega Tested. Mega Approved.
“PinaINIT. PinaKIPOT. PinaSIKIP.
“Sharon Cuneta is #REVIRGINIZED
this August.”
Ni-repost naman ni Sharon sa kanyang Instagram at nilagyan ng caption na, “Pawiii!!! Nahilo ako! Ganito pala itchura natin dun hahahahaha! Namiss kita bigla! Ahahahahahahaha! Direeeeeek!!!!!! Kainiiiiiiis kaaaaaaaa pooooo!!! @vincentimentsofficial @gumabaomarco @megatitas Swipe left! Repost from @megatitas.”
Napa-’sana all’ at napa-’omg’ naman ang lahat ng nakakita at parang inggit na inggit kay Sharon sa naturang eksena nila ni Marco sa pelikula, na mukha namang in-enjoy nila nang husto.
Comment naman ni Marco, “Can’t wait to see the whole film!” na mapapanood na ngayong August sa Viviamax.
Tiyak na magiging kontrobersyal din ang Revirginized tulad ng mga naunang pelikulang nagawa niya.
Ang latest ni Direk Darryl ay Ang Babaeng Walang Pakiramdam na pinagbibidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles na nagsimula ang streaming noong June 11 ay agad na nag-number 1 at biggest movie na ngayon sa Vivamax.
Post nga ni Kim sa kanyang Facebook, “#1! Maraming salamat po sa inyo. TRIVIA: Ako na po yang nasa picture, si Kim na. Hindi na yan si Tasha. Photo was taken nung nag “cut” na si direk at narealize kong buhay pa ako at nagawa ko ang eksenang mag bungee drop with no emotions. Ngiting tagumpay mamiii! Habol na and catch our film #ABWP NOW SHOWING on Vivamax, iWantTFC, KTX!”
Post uli ni Kim, “Hindi halata pero, opo, tuwang-tuwa si Tasha dahil ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’ is the biggest movie on Vivamax to date!! Nengyu pu!
“Huwag nang pahuli!”
Hopefully, maging blockbuster din ang pagbabalik-Viva ni Sharon kahit na kakaiba talaga ang character na ginampanan na tiyak na marami ang magugulat.
(ROHN ROMULO)
NEW trailer alert for Warner Bros. Pictures’ Space Jam: A New Legacy.
Mula sa 8,027 kasabay ng 123rd Independence Day kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng Linggo ng bahagyang mababa sa 7,302 na dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID).
Aminado ang Department of Health (DOH) na malaking hamon pa rin ang mababang turn-out ng mga nababakunahang senior citizen at naniniwala siyang solusyon dito ang ginagawang pagbabahay-bahay ng local government units (LGUs).
Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng limitadong biyahe ng kanilang mga tren sa loob ng 11-araw, bilang paghahanda sa nalalapit nang pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project ngayong buwan.
BAKUNADO na ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Hinay-hinay muna at hindi dapat madaliin ang pagluluwag sa quarantine classification sa Metro Manila at karatig lalawigan.
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 54-anyos na binata matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa apat na dalagita niyang kapitbahay sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.
NAKIISA at pinangunahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Philippine Independence “Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan’ Malolos City, Bulacan.