TUMANGGI si Presidential Spokesperson Harry Roque na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Anakalusugan party-list Representative Michael Defensor na mamahagi ng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City na isang paraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infection.
Ang Ivermectin, na isang anti-parasitic drug na sinasabing mabisang gamot kontra COVID-19, ay hindi pa aprubado o rehistrado ng Food and Drug Administration (FDA) para gamiting gamot ng tao.
Sa kasalukuyan, limitado lamang ang permit nito para gamutin ang parasitic ailment ng mga hayop.
At sa tanong naman hinggil sa legalidad ng naging aksyon ni Defensor ay sinabi ni Sec.Roque na “I will not give legal advice on something that I am not engaged with professionally. It is the mandate of the FDA to give an approval if a drug is effective.”
“Hindi po siya nagbebenta. Ipinamamahagi po niya pero depende rin to if this could reach [the level of] distribution. I don’t want to give a legal opinion if I do not have all the facts,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Sa kanyang Facebook post, kinumpirma ni AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor na mamimigay siya ng libreng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City.
Una nang sinabi ni Defensor na uminom siya ng Ivermectin nang magpositibo siya sa COVID at nakatulong umano ito sa paggaling niya kung kaya’t isa siya sa humihiling sa FDA na pahintulutan ang paggamit nito.
Ayon kay Defensor, libre niyang ipamimigay ang Ivermectin at prayoridad ang mga senior citizen at mga sakitin.
“Sagot ni Cong. Mike Defensor ang IVERMECTIN niyo habang wala pa ang bakuna,” nakasaad sa Facebook post ng kongresista na sinundan ng, “Uunahin muna ang mga may sakit, ang mga senior citizens habang limitado pa ang suplay ng IVERMECTIN.”
Sa hiwalay ng pahayag, nilinaw ni Defensor na kailangan may kasama pa ring prescription partikular kung paano ito inumin at dami batay sa timbang at sa may COVID kailangan may susunding protocol.
Samantala, sinabi ni Sec. Roque na ang aplikasyon para sa “compassionate use” ng ivermectin ay naisampa na sa FDA.
Wala pang desisyon ang FDA sa bagay na ito.
Sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo na ang compassionate use permit ay pumapayag lamang sa legal administration ng nasabing gamot sa bansa subalit hindi naman katumbas ng paggarantiya ng FDA sa “safety and efficacy” ng nasabing gamot. (Daris Jose)
Humihirit din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na isama na rin na mauuna sa pagbabakuna ang mga abogado sa sa bansa.
SINABI ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatakdang tumanggap ang Pilipinas ng 2 milyong doses ng bakunang Sinovac na gawa ng China at Gamaleya Research Institute ng Russia ngayong buwan.
Binigo ni Pinay tennis ace player Alex Eala si Margot Yerolymos ng France sa opening game ng W60 Bellinzona.
RESPETADONG winakasan ni Yuka Saso ang kampanya sa binirang one-under par 71 pa-even 288 sapat sa seven-way tie para sa 50th place uli at premyong $10,081 (₱489K) sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $3.1M 39th Ana Inspiration 2021 sa Dinah Shore Tournament Course ng Mission Hills Country Club sa Rancho Mirage, California nitong Abril 2-5 lang.
Desidido si Filipino-American NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz na makapaglaro bilang local player kasama ang Gilas Pilipinas sa presithiyosong 2023 FIBA World Cup.
SABLAY makipagbuno si freestyler Alvin Lobrequito sa Asian Wrestling Championships sa darating na Abril 12-17 sa Almaty, Kazakhstan bunsod ng kawalang Detailed Service (DS) permit sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kinumpirma ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo rin siya sa COVID-19.
SA halip magreklamo, natuwa pa si KC Concepcion na inabutan siya ng lockdown sa beach house ng amang si Gabby Concepcion sa Lobo, Batangas.