Nag-aabang na ang Philippine Basketball Association (PBA) sa vaccine na gagamitin sa mga players, coaches at officials nito.
Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, kumpirmado na ang vaccine ng liga dahil kasama na ito sa listahan ng mga nag-order sa Red Cross.
“Nag-request na kami sa Red Cross at nag-confirm na sila na kasama na tayo sa list nila. So hihintayin na lang natin (‘yung vaccine),” ani Marcial.
Handa naman ang PBA na tanggapin anumang uri ng vaccine dahil mahalaga na magkaroon nito upang maging proteksiyon sa coronavirus disease (COVID-19).
Maliban sa vaccine, inaabangan na rin ng PBA ang magiging tugon ng Inter-Agency Task Force na masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa Abril.
Nagsumite na ng request ang liga sa IATF.
Matatandaang nakipagpulong pa ang pamunuan ng PBA kina Sen. Bong Go at executive secretary Alvador Medialdea na parehong nangako ng suporta sa pagbabalik-aksyon ng PBA.
Plano sana ng PBA na magpatupad ng ibang bubble sa pagkakataong ito — ang closed circuit system na home-gym-home.
Subalit kung hindi ito maaprubahan, walang magagawa ang PBA kundi isagawa ang Philippine Cup sa panibagong bubble tulad noong Season 45 sa Clark, Pampanga.
Pangunahing prayoridad ni Marcial ang kaligtasan ng lahat kaya’t handa itong sumunod sa matinding health protocols na ilalatag ng IATF.
NAGHIHIGPIT pa rin ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagpapatupad ng health protocols sa kalsada at mga Barangay .
Timbog ang apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities, kahapon ng madaling araw.
KINONDENA ng Malakanyang ang nangyaring pagpatay kay Calbayog City, Samar province Mayor Ronald Aquino.
WALANG kaba kay Women’s Tennis Association WTA) rookie Alexandra ‘Alex’ Eala ang na maging mukha ng sport sa ‘Pinas sa lalong madaling panahon o maging kasing sikat ni eight-division world champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa men’s professional boxing.
PARA sa Malakanyang, internationally accepted principle ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga miyembro ng New Peoples Army Group.
Naibenta sa halagang $40,000 sa isang auction ang pirmadong tickets ng huling laro ni Los Angeles Lakers star Kobe Bryant.
TINAGUBILINAN ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Gretchen Ho ang publiko hinggil sa mainit ngayong isyu sa bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) at ang patuloy pa ring pagsirit ng pandemya sa bansa.
IPINAHAYAG ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na kabilang pa rin para sa Gilas Pilipinas training pool si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto.