BINIGYAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque, dating professor ng UP College of Law ang administrasyong Duterte ng gradong 1.5 “on a scale of one to five” kung saan 1 o uno ang pinakamataas.
Ang gobyernong Duterte ay mayroon na lamang 15 buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Karamihan po ng barangays, drug free. Hindi pa 100% pero may isang taon pa naman. Iyong corruption, nariyan pa pero andun ang takot sa isip at damdamin ng mga kurakot. Sa mas kumportableng buhay, nariyan ang Build, Build, Build,” ayon kay Sec.Roque.
“Halos lahat po ay nagawa na niya. I’ll give it a 1.5. Not 1 which is the perfect but not 2 which is mediocre,” dagdag na pahayag nito.
Para kay Sec. Roque, si Pangulong Duterte ay transformational President at isinasantabi ang mga pambabatikos mula sa kanyang mga kritiko.
“It is political will, and that is the kind of President we need,” aniya pa rin.
Sa ulat, nagulat ang United Nations human rights office (OHCHR), sa pagkasawi ng siyam na aktibista sa Calabarzon matapos ang operasyon doon ng pulisya at militar.
Sa isang press briefing sa Geneva, Switzerland kahapon, sinabi rin ni OHCHR Spokesperson Ravina Shamdasani na nakatanggap siya ng impormasyon na bandang 3:15 ng umaga, Linggo, 8 lalaki at 1 babae ang pinaslang sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal habang sinisilbi ng otoridad ang search warrants na inisyu ng dalawang korte sa Maynila.
Nababahala aniya sila na ang insidente ay nagpapahiwatig ng papatinding karahasan sa mga tagapagtanggol ng karapatang-pantao.
“We are appalled by the apparently arbitrary killing of nine activists in simultaneous police-military operations in Batangas, Cavite, Laguna and Rizal provinces surrounding Metro Manila in the Philippines in the early hours of Sunday morning,” ani Shamdasani, sa ulat ng UN News.
“We are deeply worried that these latest killings indicate an escalation in violence, intimidation, harassment and ‘red-tagging’ of human rights defenders,” dagdag niya, habang binabanggit na may mga insidente na kung saan ang mga human rights advocate ay nire-red-tag.
Pinunto rin ng OHCHR na nagresulta rin sa pagkamatay ang pagsisilbi ng search warrant sa gabi, kabilang ang 9 Tumandok na sinilbihan ng search warrant sa Panay. (Daris Jose)
LUNGSOD NG MALOLOS- Birtwal na tinipon ng proyektong Adherence Support Coalition to End TB (ASCENT) ang mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan sa Bulacan kasama ang iba pang may kinalaman sa pagsugpo sa TB sa lokal, rehiyon at sentral na lebel ng National Tuberculosis Control Program (NTP) upang suriin ang pagtugon ng digital adherence technologies (DATs) sa pangangailangan ng mga pasyente at gayundin ang nagkaloob nito kamakailan.
FEW days ago a new posters have been revealed for Aquaman and the Flash in
WALANG masama kung magdesisyon man si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtalaga ng mga retiradong military officers sa Cabinet posts.
Isinailalim sa granular lockdown ang sampung lugar sa Navotas city matapos tumaas ang bilang ng mga nagposito sa Covid-19 sa naturang mga lugar.
KAALIW na naman ang pinost ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na kung saan pinagtabi ang photo na kasama niya si Marco Gumabao para sa movie na Revirginized at si Gabby Concepcion na kasama naman si Sanya Lopez para sa GMA series na First Yaya.
DAHIL sa pag-amin ni Gerald Anderson sa relasyon nila ni Julia Barretto, matindi ang bashing na natatanggap ng Kapamilya actor sa Instragram.
MARAMI rin celebrities ang natutuwa at kinikilig sa pagiging open na ngayon nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa relasyon nila.
Nagpasya ang Japan na walang mga audience na mula sa ibang bansa sa hosting nila ng Tokyo Olympics at Paralympics.