• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ho nagpaalala sa bakuna

TINAGUBILINAN ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Gretchen Ho ang publiko hinggil sa mainit ngayong isyu sa bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) at ang patuloy pa ring pagsirit ng pandemya sa bansa.

 

 

Aniya kamakalawa, bago paghinalaan ang iniksiyon para sa pandemic at kumuda ang mga nagmamagaling, dapat alamin kung saan ito nagbuhat, mas maiging magsaliksik din muna at alamin ang magiging epekto o magiging puno’t dulo nito kapag ininiksiyon na.

 

 

“A reminder for everyone: Before judging the vaccines and where they come from, do your own personal research,” bigay-diiin ng former Petron Blaze Spikers player sa kanyang social media account.

 

 

Dinugtong pa ng 30-taong-gulang at 5-8 ang taas na balibolistang tubong Maynila, na bago magpasya sa pagpapapaturok, suriin ding muna ang magiging epekto nito base sa mga pangyayari at pag-aaral ng mga siyentipiko.

 

 

Sa dami  aniya ng mga kumakalat na pekeng isyu ngayon ay kailangan ang ibayong pag-iingat para sa lahat ng mga mamamayan.

 

 

“Dami nang fake news ngayon kaya ingat tayo,” panapos na dada ng athlete-host. (REC)