Kagaya ng mga pumasok sa bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ay sasailalim din sa proseso ang 12 koponang sasabak sa unang professional tournament ng (PVL) sa Mayo 8.
Ito ang sinabi kahapon ni PVL president Ricky Palou sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum sa pagharap ng liga sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
“What we want them to do is when they enter the bubble is about four or five days before they enter the bubble is have their swab test. And when they come in they will have another swab test,” ani Palou.
Gagawin ng PVL ang kanilang torneo sa loob ng bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Bukod sa swab test ay tinitingnan din ng PVL bilang opsyon ang saliva test na 12 oras lamang ang kailangan para makuha ang resulta.
Ang mga tropang maglalaro sa PVL tournament ay ang F2 Logistics, PLDT Fibr Hitters, Creamline, Bali Pure, Unlimited Athletes Club (UAC), Cignal HD, Phi-lippine Army, BanKo Perlas, Choco Mucho, Petro Gazz, Cherry Tiggo at Sta. Lucia.
Sinabi rin ni Palou na nakaorder na ang Choco Mucho (Rebisco) at Petro Gazz ng COVID-19 vaccines na plano rin nilang ialok sa mga PVL players at teams.
“What I know is Rebisco (Choco Mucho) and Petro Gazz have ordered on their own and I’m not sure how they did this,” ani Palou. “They’re saying they ordered enough vaccines which they want to offer also to players.”
Inaasahang gagastos ang PVL ng humigit-kumulang sa P20 milyon para sa kanilang bubble tournament kumpara sa inilabas na halos P70 milyon ng PBA para sa 2020 Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga.
Itinira ng PBA ang 12 koponan sa Quest Hotel habang ang mga laro ay idinaos sa Angeles University Foundation sa Angeles, Pampanga.
Nabigo ang pambato ng bansa sa larong table tennis na makakuha ng spot sa Olympic matapos na sila ay nabigo sa World Singles Qualification Tournament sa Doha, Qatar.
THE search is on for QCinema International Film Festival’s new batch of entries for its short film competition.
TININTAHAN na ng Pilipinas ang supply agreement para sa 30 million doses ng COVID-19 vaccine na dinivelop ng American firm Novavax.
SINABI ng Malakanyang na papalapit na ang bilang ng COVID-19 infections na naitala noong Agosto ng nakaraang taon.
NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 16 indibidwal sakay ng nasiraang fishing boat na ginamit para sa paghahatid ng mga bisita para sa “Unveiling Ceremony of the Historical Marker” sa Homonhon island kaugnay sa ika-500 anibersaryo ng “First Circumnavigation of the World” ngayong araw.
NATUPAD ang wish ng international stage actress-singer na si Rachelle Ann Go-Spies, na makasama sa London ang Mama Russell niya, ngayong ilang araw na lamang at magsisilang na siya ng first baby nila ng American businessman husband niyang si Mark Spies.
Umakyat pa sa 215,997 ang kabuuang bilang ng mga naturukan ng COVID-19 vaccine sa buong Pilipinas.
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko partikular na ang mga magbi-byahe sa probinsiya na sundin ang 7 commandments ng health protocols sa pampublikong transportasyon ngayong Mahal na Araw.