• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, tinintahan na ang supply agreement para sa 30 million doses ng COVID-19 vaccine

TININTAHAN na ng Pilipinas ang supply agreement para sa 30 million doses ng COVID-19 vaccine na dinivelop ng American firm Novavax.

 

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na naging maganda ang resulta ng pagbiyahe sa India noong isang linggo.

 

Doon aniya ay napirmahan na ang supply agreement kung saan ang Serum Institute of India ay magsu-supply ng 30 million doses ng Novavax sa Pilipinas.

 

Ani Galvez, ang doses na gawa sa India ay inaasahang darating sa third o fourth quarter ng taon.

 

Ang Novavax’s COVID-19 vaccine ay hindi pa naaprubahan para sa emergency use ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas.

 

Nauna rito, tiniyak ng embahada ng India na makukuha ng Pilipinas ang 30 milyong doses ng bakunang Novavax sa ikalawa at ikatlong bahagi ng taon.

 

Ayon kay Indian Ambassador Shambu Kumaran, sa oras na malagdaan ang supply agreement nito ay maaari nang mai-deliver ang mga bakuna sa bansa.

 

Sa ngayon ay nasa India pa rin si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. para lagdaan ang supply agreement ng Novavax mula sa China.

 

Bukod dito, pinag-uusapan ng mga opisyal ng India at ni Sec. Galvez kung maitataas pa ang bilang ng mga bakuna maaaring makuha ng Pilipinas.— sa panulat ni Rashid Locsin

 

Samantala, sinabi ni Galvez na makatatanggap ang Pilipinas ng 1.4 million doses ng coronavirus vaccine na dinivelop ng Chinese firm Sinovac Biotech sa loob ng buwang kasalukuyan.

 

Ani Galvez, ang doses na ito ay kinabibilangan ng karagdagang 400,000 na dinonate ng Chinese government at ang isang milyon na binili naman ng gobyerno ng Pilipinas.