PANSAMANTALANG sinuspinde ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpasok ng mga foreign nationals at returning overseas Filipinos (OFWs) na non-overseas workers sa bansa simula sa Marso 20 hanggang Abril 19.
Ipinag-utos din ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na limitahan lamang ang inbound international passengers sa 1,500 kada araw.
Ang nasabing hakbang ay naglalayon na mapigil ang karagdagan pang pagtaas ng bilang ng coronavirus cases at mapigilan din ang pagpasok ng coronavirus variants mula sa ibang bansa.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 5, exempted naman mula sa entry ban ang mga indibiduwal gaya ng :
1. Mga may hawak ng 9(c) visas
2. Medical repatriation at ang kanilang escort ay inendorso ng DFA-OUMWA o OWWA
3. Distressed Returning Overseas Filipinos na indendorso ng DFA-OUMWA
4. Emergency o humanitarian cases na aprubado ng National Task Force against COVID-19
Nauna nang ipinatupad ang uniform curfew hours na mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga at pagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng bahay sa Metro Manila.
Umiiral din ang granular lockdown at liquor ban sa ilang siyudad.
Habang target naman ng national government n mabakunahan kontra COVID-19 ang publiko sa buwan ng Abril o Mayo.
Ito’y ayon sa national government, maaaring tuluyang matanggal ang virus sa taong 2022.
Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., inaasahan ng Pilipinas ang 1.4 milyong doses ng bakuna mula sa Sinovac-BioNTech at siyam na raang libo mula sa Covax facility sa susunod na buwan.
Dagdag ni Galvez, ang 3.4 milyong doses ng bakuna ay sapat na para sa lahat ng health care workers sa bansa.
Dahil dito, maaaring sa darating na buwan ng Abril o Mayo ay magkakaroon na tinatawag na ” general public vaccination” kung saan posibleng matanggal ang virus sa susunod na taon. (Daris Jose)
Nag-sorry na si Billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes matapos ang paglabag sa social distancing ng mga nanood sa kaniyang laro sa San Pedro city, Laguna.
ANG pelikulang “Mank” ang nakakuha ng pinakamaraming nominations para sa 93rd Academy Awards or the Oscars.
WALA pang plano ang pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa pansamantalang pagsasara ng mga shopping malls at iba pang establisimyento sa lungsod.
Plantsado na ang programa ni Eumir Felix Marcial para sa Tokyo Olympics.
PUWEDENG mabakunahan ang mga “buntis” na medical frontliners na may high risk exposure sa COVID-19 .
Isa ng part-owner ng baseball team na Boston Red Sox ang NBA star na si LeBron James.
Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa P2.7 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang drug pusher na natimbog sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
NAGTAYO na ng sariling management company si Maja Salvador na kung saan excited na siya sa bagong yugto ng kanyang showbiz career.
Iniatras ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbubukas ng Season 46 sa Abril 18 sa bagong venue sa Ynares Center sa Antipolo City.