Sibak na sa serbisyo at itinuturing nang sibilyan si Police SMSgt. Jonel Nuezca, isang pulis na isinisangkot sa pagpatay ng ilang sibilyan matapos ang alitan sa “boga” at “right of way,” ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), ika-11 ng Enero. Ito ang kinumpirma ni PNP spokeseperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana .
“[Chief PNP Debold Sinas] has just announced it following the approval of RD, NCRPO on the dismissal [from service] of PSSgt Nuesca which is [effective] today po,” paliwanag ni Usana ngayong araw.
“He is now considered ex-PSsgt po, a civilian.”
Naghain naman ng “not guilty” plea si Nuezca kahapon kahit kita sa video ang pagbaril niya sa ulo ng ‘di armadong magnanay sa Paniqui, Tarlac nitong Disyembre.
Inilabas ni Sinas ang desisyon matapos unang hamunin mag-resign ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kung hindi aniya marereporma ang PNP, bagay na humaharap sa batikos dahil sa brutal na pamamaslang ng mga alagad ng batas sa mga taong dapat nilang pinoprotektahan.
Kasalukuyang nililitis ng korte si Nuezca para sa kasong double murder, ngunit itinatanggi pa ring may kasalanan sa nangyaring pagpatay kahit rinig na rinig sa mga viral videos ang kanyang pag-usal ng mga sumusunod na salita: “Putangina, gusto mo tapusin na kita ngayon?” bagay na kanyang sinabi bago kalabitin ang gatilyo.
Kinundena na ng mga human rights groups at ilang media personalities ang naturang pagpaslang, na siyang isinalarawan ng ilan na “sobra-sobrang” aksyon ng mga alagad ng batas.
Ilang mambabatas sa ngayon gaya nina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang nananawagan na maibalik na ang parusang bitay para sa mga karumal-dumal na krimen kasunod ng malagim na insidente. (Gene Adsuara)
Dumating na ang unang batch ng Gilas Pilipinas pool na sasailalim sa puspusang training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.
ISANG rider ang namatay matapos magulungan ng isang dump truck nang tumilapon sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.
IPINAHAYAG ng San-En Neophoenix kamakalawa na tatlong buwang magpapahinga si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III makaraan ang fractured right finger operation sa Chunichi Hospital sa Narita, Japan.
ISANG taon nang nakakulong si Andrew Joshua delos Reyes sa San Mateo Municipal Jail sa San Mateo, Rizal.
Iginiit ng mga organizers ng Tokyo Olympics na tuloy pa rin ang pagdaraos ng Summer Games kahit na isinailalim ang Japan sa state of emergency dahil sa pandemya.
Upang makatiyak na hindi mahahawahan ang mga kapamilya kung sakaling nakakuha ng COVID-19, pinayuhan ng Department of (DOH) na mag-self quarantine muna ang mga deboto na nagtungo sa simbahan ng Quiapo nitong Sabado.
Inatasan ni Speaker Lord Allan Velasco ang House Committee on Constitutional Amendments na buksan at simulan ang deliberasyon sa pag-amyenda sa mga mahihigpit na probisyon sa ekonomiya, na nakasaad sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, sa isang Resolution of Both Houses (RBH) 2 na kanyang inihain.
Kumpiyansang umano ang mga navy drivers na mari-retrieve nila ang dalawang flight recorders sa bumagsak na pampasaherong eroplano sa Indonesia sa tulong ng mga narekober na black boxes.