• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas pool isa-isa nang pumapasok sa bubble

Dumating na ang u­nang batch ng Gilas Pilipinas pool na sasailalim sa puspusang training camp sa Inspire Sports Aca­demy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.

 

Unang pumasok sa bubble sina Isaac Go, Calvin Oftana at Kemark Cariño kasama si assistant coach Andrei Tolentino.

 

Nasa bubble na rin si NLEX guard Kiefer Ra­vena na magsisilbing team captain ng Gilas Pilipinas sa third window.

 

Inaasahang papasok na rin ang iba pang mi­yembro ng pool kabilang na sina Javi Gomez de Liaño, Matt Nieto, Mike Nieto, Dave Ildefonso, Justine Baltazar, Kobe Paras at Rey Suerte.

 

Nakatakdang sumunod sa bubble sina Dwight Ramos at Juan Gomez de Liaño.