• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2021

Panaga idinagdag na ng Creamline Cool Smashers

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAKARAANG kumawala sa Petro Gazz Angels via free agency, pinapirma ng Creamline Cool Smashers nitong Martes ang kalibre ni veteran player Jeanette Panaga bilang paghahanda sa Premier Volleyball League (PVL) sa Abril.

 

Araw ng Linggo nang kumawala mula sa Petro Gazz Angel ang 25-year-old, six-footer  middle blocker kasama ang apat na iba pa mga susi sa pagkakampeon ng team sa 2019 Reinforced Conference.

 

Nakatengga nga lang sapul noong Marso 2020 ang PVL dahil sa Coronavirus Disease 2019 bago umakyat ng professional level nitong Nobyembre.

 

Balak magbukas ng liga sa Abril kapag nabakunahan na ang mga balibolista, ayon kay PSL Chairman Philip Ella Juico. (REC)

May Pinoy na sa 11th World Cup sa Belarus sa Agosto 1

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TUTUKLASIN ng National Chess Federation of the Philippines  (NCFP) ang magiging pambato para sa $1,892,500 (P94M) 11th International Chess Federation (FIDE) World Cup 2021 sa Minsk, Belarus sa Agosto 1-28.

 

Kaugnay ito sa nakatakdang pagsasagawa ng pederasyon ng National Chess Championship sa mga papasok na buwan o bagong mag-deadline sa pagsusumite ng pangalan sa FIDE sa Hunyo 5.

 

“Top 100 countries all over the world were given wildcard seats and we will give that one spot to our national champion this year,” bigkas kahapon ni NCFP executive director Cliburn Orbe sa Facebook account.

 

Idinagdag pa niyang puwede pang madagdagan ang Pinoy bets sa kompetisyon sa pagpasa naman dapat sa mga nalalapit ding continental qualifying events.

 

Ang mga papasok sa 206-player World Cup ay may premyong $3,750 (P187,500) sa first round pa lang. At ang magiging hari naman ay magsusubi ng $110,000 (P5.5M). (REC)

BAKUNA SA COVID-19 SA CAMANAVA, KASADO NA

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng apat na alkalde ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) sa kani-kanilang nasasakupan na magkakaroon na ng bakuna para sa Covid-19 na magagamit sa kanila simula sa ikalawang quarter ng taon.

 

Ito’y, matapos sabihin nina Mayors Oscar Malapitan (Caloocan), Antolin Oreta III (Malabon), Toby Tiangco (Navotas) at Rex Gatchalian (Valenzuela) na gumawa na sila ng kasunduan sa British-Sweden multinational pharmaceutical company, AstraZeneca para sa pagbili ng bakuna sa Covid-19.

 

Ayon kay Malapitan, hindi bababa sa 600,000 doses ang bibilhin ng Pamahalaang Lungsod sa AstraZeneca bilang bahagi ng Covid-19 vaccination program ng lungsod.

 

Sinabi naman ni Oreta na ang Malabon ay naglaan din ng paunang halaga na P150-milyon sapagkat ito rin ang tiniyak ng parehong pharmaceutical company para sa bakuna sa Covid-19.

 

Sa Navotas, lumagda na rin Mayor Toby Tiangco sa kasunduan sa AstraZeneca pharmaceutical company para makabili ng 100,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Paliwanag ni Tiangco, dahil dalawang dosage ang kailangan ng bawat tao, 50,000 Navoteño ang unang mabibigyan ng bakuna na inaasahang darating sa ikalawang bahagi ng 2021.

 

Aniya, inaprubahan ng city council ang paglabas ng P20-milyon para sa layuning ito.

 

Muling pinaalalahanan ng alkalde ang nasakaupan na manatiling maingat at sundin ang safety protocols habang hinihintay ang bakuna.

 

“Good news! Valenzuela City signs a deal with AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines for the advance purchase of 640,000 AstraZeneca vaccine doses” pahayag naman ni Mayor Gatchalian sa kanyang FB page.

 

Ani Gatchalian, inihahanda na nila ngayon ang vaccine roll out plan ng lungsod upang maging maayos na ang distribusyon ng bakuna kapag nagsimula na itong dumating.

 

Nasa 320,000 mga indibidwal ang mababakunahan, na 70 porsyento ng target na populasyon ng lungsod (hindi kasama ang 18 taong gulang pababa).

 

Nilinaw ng CAMANAVA Mayors na ang kasunduan na nilagdaan nila sa AstraZeneca ay aprubado ng Inter-Agency Task Force at Food and Drug Administration. (Richard Mesa)

John 1:14

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

The word became flesh and made his dwelling among us.

PSC Comm. Ramon Fernandez, chef de mission sa 2021 SEA Games

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pormal na inanunsyo ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkakatalaga kay PSC Commissioner Ramon Fernandez bilang Team Philippines’ Chef de Mission para sa 2021 Southeast Asian Games.

 

Una nang sinabi sa Bombo Radyo ni Fernandez na handa siyang alalayan ang mga manlalaro, para mapapanatili ng Pilipinas ang hawak na mga titulo.

 

Pormal na inanunsyo ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkakatalaga kay PSC Commissioner Ramon Fernandez bilang Team Philippines’ Chef de Mission para sa 2021 Southeast Asian Games.

 

Una nang sinabi sa Bombo Radyo ni Fernandez na handa siyang alalayan ang mga manlalaro, para mapapanatili ng Pilipinas ang hawak na mga titulo.

Ai Ai, ramdam ang sakit sa ina ni Christine at sa LGBT na nahusgahan

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DUMAAN man tayo sa pandemic nitong nagdaang taon, marami pa rin dapat ipagpasalamat si Ms. Ai Ai delas Alas.

 

Bagong blessing sa kanya ngayong 2021 ang renewal ng contract niya para sa Hobi Bihon and Noodles bilang endorser. Ito ang ikaanim na taon ni Ai Ai bilang endorser. At sabi ni Boss Bobby Go ng Hobe, forever na raw nilang endorser ang comedy queen.

 

Kahit na may pandemya ay hindi naman ito nakaapekto sa sales ng Hobe. In fact, with Ai Ai as endorser ay lalong lumaki ang kita ng kompanya. Kaya naman buong-buo ang tiwala nila kay Ai Ai.

 

Thankful si Ai Ai dahil hindi naman daw siya pinabayaan ni Lord. Aminado naman siya na humina ang kanyang kita dahil sa pandemic pero ipagpapasalamat pa rin niya kumakain pa rin sila three times a day at wala naman nagkakasakit sa kanila.

 

After The Clash which recently had its grand finals ay magre-resume naman sina Ai Ai ng lock in taping ng Owe My Love sa Bulacan. Bale 55 days silang walang uwian. Pagpunta nila sa taping ay hindi na sila pwedeng umuwi para sure na hindi kakalat ang virus.

 

Sanay na raw sila ng mga co-stars niya working together at sabay sa pagkain kaya parang isang family na sila. Para raw silang OFW na nalayo sa kanilang family. Naging close na silang lahat sa taping at nagka-sepanx daw si Ai Ai nang mag-uwian sila.

 

Ginagampanan ni Ai Ai ang papel ng boss ni Lovi Poe. Siya ang may-ari ng La Vida Shop kung saan nagwo-work si Lovi. Kasama rin sa bagong serye sina Benjamin Alves, Winwyn Marquez, Nova Villa, Leo Martinez, Jackielou Blanco, Ruby Rodriguez at marami pang iba

 

Noong panahon ng pandemic ay lagi raw siyang pinapadalhan ng noodles ng Hobe kaya naman naisama niya ang mga noodles sa mga food ayuda na kanyang ipinamigay.

 

Wala man siyang increase sa TF bilang endorser dahil sa pandemic pero in-assure naman siya ng kanyang boss na next year ay may dagdag na siya sa budget.

 

Nahingan si Ai Ai ng opinion tungkol sa kaso ni Christine Dacera at narito ang kanyang pahayag: “Ayokong masabing sumasawsaw ako, tinatanong nyo lang ako, ha. Ang sagot ko, una bilang inang nawalan ng anak, masakit talaga yun so I can understand yung nanay ni Christine.

 

Sana, may she rest in peace na kasi nalibing na siya. Yun namang mga inaakusahan, iba na ang social media ngayon, sana bago manghusga, himayin munang mabuti ang mga pangyayari bago tayo maging judgmental.

 

Alamin muna natin ang mga tunay na nangyari, lalo na yung mga miembro ng LGBT na nilait na buong pagkatao nila, paano pa maibabalik yung nasabi against them at yung dating buhay nila kung mapatunayang inosente pala sila? Kawawa rin naman sila.” (Ricky Calderon)

Sinovac, natatanging opsyon ng ‘Pinas -Sec. Roque

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang COVID-19 vaccine na Sinovac mula sa China ang natatanging opsyon para sa pagbabakuna sa mga Filipino hanggang sa kalagitnaan ng taon.

Ang first batch ng Sinovac vaccine ay nakatakdang dumating sa bansa sa Pebrero habang ang mga doses mula sa Western drug makers ay magiging available pa lamang sa buwan ng Hunyo.

“Pagdating po ng bakuna hanggang Hunyo, wala po talagang pilian ‘yan dahil iisa lang po ang bakuna na magiging available. Iyon nga po iyong galing sa Tsina,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kahapon, pinasaringan ni Sec.Roque ang mga Filipino na mas pinipili ang COVID-19 vaccine mula sa US-based pharmaceutical giant na Pfizer.

Sinabihan niya ang mga ito na huwag nang maging “choosy” sa bakunang ibibigay sa kanila ng pamahalaan.

Gayunpaman sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez na ang Pfizer vaccine ay maaaring dumating ng mas maaga kaysa sa Sinovac dahil ang pag-rollout nito ay pangangasiwaan ng COVAX Facility, isang global initiative na naglalayong tiyakin ang equitable access sa gamot.

Ang lahat ng bakuna na bibigyang awtorisasyon para sa emergency use ng local Food and Drug Administration ay mayroong “equal footing,” ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Ito po ay magiging ligtas saka magiging epektibo para sa ating mga kababayan,” ayon kay Usec. Vergeire sa press briefing ni Sec. Roque.

“Hindi po natin kailangan na mamili po tayo ng bakuna. Kung ano po iyong mauunang bakuna, atin pong tanggapin iyan,” dagdag na pahayag ni Usec. Vergeire. (Daris Jose)

5 timbog sa shabu sa Caloocan at Valenzuela

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.

 

Ayon kay Caloocan polic chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 9:50 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ng Sub-Station 15 ang natanggap na text message mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong shabu session sa 657 Anonas St., Amparo Subd, Brgy. 179.

 

Pagdating sa lugar, nakita nina PCpl Rodolfo Domingo II at Pat. Gellord Catapang si Jhon Lester Mayor, 19, at Raymond Debangco,  28, na sumisinghot ng shabu kaya’t agad nilang inaresto ang mga suspek.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong medium plastic sachets na naglalaman ng nasa 15.06 gramo ng hinihinalang ng shabu na tinatayang nasa P102,408 ang halaga at ilang drug paraphernalias.

 

Sa Valenzuela, nadakma naman ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforecment Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa buy-bust operation sa Blk 3, Compound 2, Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. Deleon si Wilfredo Paragas Jr. alyas Nog-nog, 34, Cherry Deloria, 32, at Jaspher Reyes, 24, bandang alas-12:15 ng madaling araw.

 

Narekober sa kanila ang nasa P34,000 halaga ng hinihinalang shabu, P500 marked money, cellphone at P500 bills. (Richard Mesa)

Philippine Sports Hall of Fame headquarters mabubuksan na

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG babasbasan at pasinayaan ang magiging bahay ng Philippine Sports Hall of Fame sa (PSHoF) darating na Hulyo o Agosto.

 

“We have decided to inaugurate on July, Philippine Sports Hall of Fame in PNB office at Rizal Memorial Sports Complex Malate, Manila. PNB will vacate the building on May 31,” pagbubunyag kahapon ni Philipine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez.

 

Ang pasilidad ang magiging national headquarter na ng PSHoF para sa mga itinalang kasaysayan ng pinakamahuhusay na atletang Pinoy na nagbigay ng karangalan sa bansa sa sa larangan ng sports.

 

Ikinatuwa naman ni dating PSC Chairman Aparicio Mequi ang nasabing hakbang ng PSC Board na kinabiblangan din nina Commissioners Ramon Fernandez, Charles Raymond Maxey, Arnold Agustin at Fatima Celia Kiram. (REC) 

Daquis pinasilip ang kurba

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi papatinag pagdating sa paseksihan si Philippine SuperLiga (PSL) star Rachel Anne Daquis ng Cignal High Definition Spikers na ipinasilip ang kanyang alindog sa social media nito lang isang araw.

 

Pinaskil ng 33-taong gulang at may taas na 5-9 ang ilang mga larawan niya sa Instagram kung saan makikita ang taglay pa ring kaseksihan suot ang isang orange two-piece swimsuit.

 

Sumisid na parang sirena ang dati ring national indoor women’s volleyball team  sa ilalim ng isang karagatan.

 

“Fear is only as deep as the mind allows,” bulalas pa ng dalagang beteranang balibolista.

 

Maaring masaksihan si Daquis sa pagbabalik ng liga sa pamamagitan ng Beach Volleyball Challenge Cup sa darating na Pebrero sa Subic, Zambales mula nang matengga nitong Marso 2020 dahil sa Covid-19. Planong maging kasunod na okasyon ng PSL ang Fan’s Day sa Marso 7. (REC)