DUMAAN man tayo sa pandemic nitong nagdaang taon, marami pa rin dapat ipagpasalamat si Ms. Ai Ai delas Alas.
Bagong blessing sa kanya ngayong 2021 ang renewal ng contract niya para sa Hobi Bihon and Noodles bilang endorser. Ito ang ikaanim na taon ni Ai Ai bilang endorser. At sabi ni Boss Bobby Go ng Hobe, forever na raw nilang endorser ang comedy queen.
Kahit na may pandemya ay hindi naman ito nakaapekto sa sales ng Hobe. In fact, with Ai Ai as endorser ay lalong lumaki ang kita ng kompanya. Kaya naman buong-buo ang tiwala nila kay Ai Ai.
Thankful si Ai Ai dahil hindi naman daw siya pinabayaan ni Lord. Aminado naman siya na humina ang kanyang kita dahil sa pandemic pero ipagpapasalamat pa rin niya kumakain pa rin sila three times a day at wala naman nagkakasakit sa kanila.
After The Clash which recently had its grand finals ay magre-resume naman sina Ai Ai ng lock in taping ng Owe My Love sa Bulacan. Bale 55 days silang walang uwian. Pagpunta nila sa taping ay hindi na sila pwedeng umuwi para sure na hindi kakalat ang virus.
Sanay na raw sila ng mga co-stars niya working together at sabay sa pagkain kaya parang isang family na sila. Para raw silang OFW na nalayo sa kanilang family. Naging close na silang lahat sa taping at nagka-sepanx daw si Ai Ai nang mag-uwian sila.
Ginagampanan ni Ai Ai ang papel ng boss ni Lovi Poe. Siya ang may-ari ng La Vida Shop kung saan nagwo-work si Lovi. Kasama rin sa bagong serye sina Benjamin Alves, Winwyn Marquez, Nova Villa, Leo Martinez, Jackielou Blanco, Ruby Rodriguez at marami pang iba
Noong panahon ng pandemic ay lagi raw siyang pinapadalhan ng noodles ng Hobe kaya naman naisama niya ang mga noodles sa mga food ayuda na kanyang ipinamigay.
Wala man siyang increase sa TF bilang endorser dahil sa pandemic pero in-assure naman siya ng kanyang boss na next year ay may dagdag na siya sa budget.
Nahingan si Ai Ai ng opinion tungkol sa kaso ni Christine Dacera at narito ang kanyang pahayag: “Ayokong masabing sumasawsaw ako, tinatanong nyo lang ako, ha. Ang sagot ko, una bilang inang nawalan ng anak, masakit talaga yun so I can understand yung nanay ni Christine.
“Sana, may she rest in peace na kasi nalibing na siya. Yun namang mga inaakusahan, iba na ang social media ngayon, sana bago manghusga, himayin munang mabuti ang mga pangyayari bago tayo maging judgmental.
“Alamin muna natin ang mga tunay na nangyari, lalo na yung mga miembro ng LGBT na nilait na buong pagkatao nila, paano pa maibabalik yung nasabi against them at yung dating buhay nila kung mapatunayang inosente pala sila? Kawawa rin naman sila.” (Ricky Calderon)
Ang COVID-19 vaccine na Sinovac mula sa China ang natatanging opsyon para sa pagbabakuna sa mga Filipino hanggang sa kalagitnaan ng taon.
Limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.
NAKATAKDANG babasbasan at pasinayaan ang magiging bahay ng Philippine Sports Hall of Fame sa (PSHoF) darating na Hulyo o Agosto.
Hindi papatinag pagdating sa paseksihan si Philippine SuperLiga (PSL) star Rachel Anne Daquis ng Cignal High Definition Spikers na ipinasilip ang kanyang alindog sa social media nito lang isang araw.
INAASAHAN na ng marami na mabibigyan ng contract extension si Raymon ‘Jammer’ Jamito sa Meralco dahil sa impresibong pinakita sa 45th Philippine Basketball Association 2020 Philippine Cup bubble sa Angeles City.
PINAALALAHANAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang simbahan at mga residente hinggil sa pagdiriwang ng Kapistahan naman ng Poong Sto. Nino de Tondo.
Namigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga smart phones na magamit ng 3,057 na mga estudyante ng public elementary at high school para sa school year 2020-2021.
Nakaamba ang pagpapatupad ng mas istriktong quarantine sa Metro Manila kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
NAISALBA ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Human Trafficking (AHTRAD) ang tatlong menor de edad na kababaihan na biktima ng Human trafficking sa Dasmarinas City, Cavite.