• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 13th, 2021

3 MENOR DE EDAD NA KABABIHAN, NAISALBA SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATION

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAISALBA ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Human Trafficking (AHTRAD) ang tatlong menor de edad na kababaihan na biktima ng Human trafficking sa Dasmarinas City, Cavite.

 

Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor na nag-ugat ang kaso mula sa  Federal Bureau of Investigation (FBI) na ipinadala sa Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) kung saan isang Filipina ang nagpadala  sa isang American  national ng mga hubad na larawan ng kanyang menro de edad na anak at dalawang kaibigan kapalit ng pera sa pagitan ng 2018 at 2019.

 

Nalaman na dahil sa mga ipinadala, nakatanggap ng nasabing Filipina mula sa American cititzen  ng kabuuang USD 2,680.oo sa pagitan ng April hanggang August 2019. Ang nasabing mga porn materials ay ipinadala sa facebook App.

 

Ang nasabing Filipina ay nakilala ng NBI-AHTRAD kaya nagsagawa ng surveillance operation sa kanilang lugar kung saan nalaman na isa sa mga biktima ay anak nito at nasa kanyang pangangalaga.

 

Upang malaman ang dalawa pang kasama ng menor de edad na biktima ay humingi ng tulong ang NBI-AHTRAD sa principal ng dalawang  bata kung saan sila ay nag-aaral na naibigay naman ng Principal ng eskuwelahan ang pangalan ng kanilang mga magulang at kanilang address at nitong January 8, 2021, ay nagsagawa ng operasyon ang NBI, Philippine National Police – Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) at Dasmariñas City , Cavite, City Social Welfare and Development Office (CSWD) na nagresulta sa pagkakasalba ng mga menor de edad saka ito in-turn over sa isang shelter sa Rizal. (GENE ADSUARA)

Validity ng student permits, driver’s licenses pinalawig ng LTO hanggang Marso 31

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits, pati na rin ang lisensya ng mga drivers at konduktor, hanggang Marso 31.

 

Ang extension na ito ay valid para sa mga indibidwal na may edad na 17 hanggang 20-anyos, pati na rin sa mga 60 pataas.

 

Ang student permit at driver’s at conductor’s licenses sa age groups na ito ay papalawigin dahil required silang manatili sa loob ng kanilang bahay sa kasagsagan ng quarantine period bunsod ng COVID-19 pandemic.

 

Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution No. 79, ang mga indibidwal na 15 hanggang 20-anyos, pati na rin ang mga higit 60, ay maari lamang lumabas ng bahay para sa essential travel.

 

Ito na ang ikatlong pagkakataon na pinalawig ng LTO ang validity ng ilan sa mga lisensya na kanilang iginawad dahil sa prolonged restrictions sa gitna ng pandemya.

Ex-Justice Sec. Vitaliano Aguirre bagong hepe ng NAPOLCOM

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre II bilang Commissioner ng National Police Commission (NAPOLCOM).

 

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Lunes ng gabi.

 

“We confirm that President Rodrigo Toa Duterte has signed the appointment of Mr. Vitaliano “Vit” Aguirre II as Commissioner of the National Police Commission (NAPOLCOM) representing the private sector,” ani Sec. Roque.

 

Si Aguirre ay nagsilbing kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng Duterte administration simula 2016 hanggang 2018.

 

Sinabi ni Sec. Roque, makakatulong ang dati nitong papel sa pamahalaan sa kanyang bagong posisyon na gawing competent, epektibo, responsive at credible ang police service sa pangangailangan ng mga Pilipino.

 

Nagpaabot ng “good luck wish” si Sec. Roque sa bagong appointment nito. (Gene Adsuara)

Astrazeneca ‘mabenta’

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kanya-kanyang pareserba ang iba’t ibang local goverment units (LGUs) sa Metro Manila ng COVID-19 vaccine mula sa pharmaceutical giant na AstraZeneca buhat sa United Kingdom para sa kanilang mga constituents.

 

Nagkakahalaga ang mga Ito ng mula sa multi-milyon hanggang sa bilyong piso kumporme sa budget ng mga lungsod.

 

Ang Maynila ay bibili ng may 800,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.

 

Bukod dito, bibili rin ang Maynila ng 12 refrigeration units para pag-imbakan ng iba’t ibang bakuna mula sa AstraZe­neca, Pfizer, Moderna, Johnson & Johnson, Novavax, Sinovac at iba pa.  Ilalagay ito sa ipatatayo ng lokal na pamahalaan na cold storage facility sa Sta. Ana Hospital.

 

Isang milyong doses naman ng AstraZeneca vaccine ang inorder ni Makati City Mayor Abigail Binay makaraang maglaan ng P1 bilyong pondo para rito.  Sinabi ni Binay na sa naturang bilang ng order, makatitiyak na mababakunahan ang lahat ng residente ng lungsod maging hindi residente ngunit may-ari ng mga establisimiyento at may negosyo sa siyudad.

 

Sinabi pa ng alkalde na tinatapos na rin ang kasunduan sa iba pang vaccine manufacturer para madagdagan ang suplay ng bakuna sa lungsod.

 

Sa Pasig City, sinabi ni Mayor Vico Sotto, 400,000 doses ng bakuna na nagkakahalaga ng P100 milyon ang inorder   mula sa AstraZeneca.

 

Gayunman, wala pang eksaktong petsa kung kailan maidedeliber ang mga bakuna sa lungsod.

 

Bukod naman sa AstraZeneca, bibili rin aniya sila ng mga bakuna mula sa iba pang vaccine makers sa sandaling mabigyan ng pagkakataon.

 

Sa San Juan, sinabi naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora na lumagda na rin sila ng tripartite agreement sa British-Swedish pharmaceutical firm na AstraZeneca at sa national government para sa pagbili ng mga bakuna laban sa COVID-19 nitong Linggo.

 

Ayon sa alkalde, layunin nitong mabigyan kaagad ng bakuna ang mga residente sa lalong madaling panahon.

 

Hindi naman binanggit ni Zamora kung ilan ang doses ang sangkot sa kasunduan.

 

Gayunman,  sinabi nito na naglaan ang city government ng P50 milyon para sa pagbili ng mga bakuna para sa kanilang constituents.

 

Lumagda na rin ang Mandaluyong City government, sa pangunguna ni Mayor Menchie Abalos, ng tripartite agreement sa pagitan ng AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines, Inc. at ng national government para sa maagang pagbili ng COVID-19 vaccine na may halagang P200 milyon.

 

Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod noong Enero 6 ang Resolution No. 2961, Series 2021 kung saan pinapayagan si Abalos na pumasok, lumagda, at magpatupad ng isang multilateral agreement sa AstraZeneca.

 

Pormal na ring lumagda ng kasunduan ang Caloocan City sa AztraZeneca para sa bibilhing 600,000 doses ng COVID-19 vaccine na bahagi ng vaccination program ng lokal na pamahalaan.

 

Dahil dito, sinabi ni  Caloocan City Mayor Oca Malapitan tiyak nang mabibigyan ng bakuna ang mga residente ng lungsod  upang maproteksiyunan laban sa virus.

 

Nagkakahalaga ng P125 milyon ang nasabing mga  bakuna habang may naka antabay pang P1 bilyon additional fund para sa pagbili ng bakuna.

 

Maging ang Navotas ay pumirma na rin sa kasunduan  si Mayor Toby Tiangco sa AstraZeneca para sa pagbili ng may 100,000 na bakuna.

 

May inisyal na 1.1 million doses ng  AstraZeneca vaccine ang tatanggapin ng QC government para sa COVID-19.

 

Ito ay makaraang lumagda ang city government  sa isang tripartite agreement sa pagitan ng national government sa pamamagitan ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) at AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines.

 

“This is part of the plan of our Task Force Vax to Normal. Now that we have secured 1.1 million doses, we will continue talking to other pharmaceutical companies to secure more vaccines for QCitizens to complement the national government’s goal. When more QCitizens are vaccinated, we can soon achieve herd immunity,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

 

Sinabi ni Belmonte na ang dagdag na alokasyon ng  AstraZeneca vaccines na inaasahang darating sa third quarter ngayong taon ay magpapahusay sa  vaccination program ng lokal na pamahalaan at mas maraming makikinabang sa  priority sectors na kinilala ng  World Health Organization.

 

Pumirma na rin ng kasunduan ang mga Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas at Makati sa pagitan ng British drug maker AstraZeneca para makatiyak ng suplay ng kanilang COVID-19 vaccine sa oras na maaprubahan na ang kanilang ‘emergency use authorization (EUA)’ sa bansa.

 

Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar na nasa 300,000 doses ang inilaan nilang alokasyon sa ilalim ng COVID-vaccination program ng lokal na pamahalaan. Inaasahan na darating ang suplay ng bakuna sa buwan ng Hulyo ngayong taon.

 

Ipaprayoridad sa Las Piñas na mabakunahan ang kanilang mga medical at iba pang frontliners, mga miyembro ng Las Piñas City Police, senior citizens, ibang sektor na mas may pangangailangan ng bakuna at mga mahihirap na residente.

 

Nasa P200 milyong pondo ang inilaan ng Las Piñas sa vaccination program at makikipagtulungan sa nasyunal na pamahalaan para mabigyan ng libreng bakuna ang mga residente ng Las Piñas.

 

Samantala, inihayag na rin ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi at Taguig City Mayor Lino Cayetano ang pagpirma ng kontrata sa AstraZeneca para mabigyan din ng suplay ng bakuna ang kani-kanilang lungsod.  Hindi naman naisaad kung ilan ang suplay na inilaan sa ilalim ng kanilang mga kasunduan. (Daris Jose)

Ads January 13, 2021

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

‘Wag choosy sa bakuna – Malacañang

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi maaaring mamili ng brand ng libreng bakuna ang mga magpapaturok, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Roque na bagaman at may karapatan ang lahat upang magkaroon ng mabuting kalusugan pero hindi maaaring maging pihikan sa mga babakunahan.

 

“Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan,” sabi ni Roque.

 

Sinabi pa ni Roque na hindi maaaring mamili dahil hindi naman pipilitin ang mga ayaw magpabakuna.

 

Pero kailangan aniyang lumagda sa isang waiver ang ayaw magpaturok lalo na kung kasama ito sa listahan ng mga prayoridad na tuturukan.

 

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay may prayoridad, siyempre mawawala ang prayoridad mo, sasama ka sa the rest ng taumbayan na naghihintay ng bakuna,” ani Roque.

 

Sinabi pa ni Roque na hindi naman makokontrol kung ano ang darating na bakuna kaya hindi maaa­ring mamili.

 

“So tama lang naman po ’yan, walang pilian kasi hindi naman natin makokontrol talaga kung ano ang darating at libre po ito,” sabi ni Roque. (Daris Jose)

Lim, iba pang karatekas gagawin lahat para makapasok sa Tokyo Olympics

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Para kay national karateka Jamie Lim, ito na ang pinakahuling tsansa niyang makapaglaro sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan.

 

Kaya naman lahat ay kanyang gagawin para manalo sa lalahukang Olympic qualifying tournament sa Hunyo sa Paris.

 

“Everyone wants to be part of the Olympics, and this is really the last shot,” wika ng 22-anyos na si Lim na inangkin ang gold medal sa women’s kumite individual +61kg event ng 2019 Southeast Asian Games.

 

“I’m gonna do everything I can. I’ll do my best and hope for the best.”

 

Isa lamang ang anak ni PBA legend Samboy Lim sa mga national athletes na papasok sa ‘bubble’ training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

Makakasama ng eight-member national karatedo team sa ‘Calambubble’ ang 27-member boxing squad pinamumunuan nina 2021 Tokyo Olympics-bound Irish Magno at 2019 Wo­men’s World Championship gold medalist Nesthy Petecio, at ang five-member taekwondo squad.

 

Dalawa hanggang tatlong buwan ang itatagal ng nasabing ‘bubble’ para sa tatlong national squads na naghahanda sa Olympic qualifying.

 

Maliban kay Lim, papasok din sa ‘Calambubble’ sina 2019 SEA Games gold medal winner Junna Tsukii, Joan Orbon at limang iba pang national karatekas na naghahangad ng Olympic berth.

 

Tatlong karatekas sa bawat weight division ang papasok sa main tournament ng 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Atienza pabibilisin Wifi sa bawat isang tahanan

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUNTIRYA ni dating National Taekwondo Team member at newly-appointed Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Arnold ‘Ali’ Atienza na makatulong kay Secretary Gregoprio Honasan upang mapabilis ang internet o Wi-fi para sa bawat tahanan.

 

Itinalaga ang Manila 11th Asian Taekwondo Championships 1994 gold medalist bilang bagong DICT Undersecretary sa Government Digital Broadccast Television at sa digitization ng Entertainment Industry Sector sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ilang araw pa lang ang nakararaan.

 

“Happy and excited to be working with Sec Gringo in DICT. Thank you Lord that even with the pandemic I have a chance to help our country. Thank you Lord and to everyone who helped. I’m back in IT! This has always been my profession, hobby, education, and definitely my passion!,” pahayag kamakalawa ni Atienza sa kanyang FB account. (REC)

Malakanyang, ipinaubaya na sa Kongreso ang isyu ng party-list system

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Kongreso ang pagtugon sa concerns ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa party-list system.

Napaulat na ipinanawagan ni Pangulong Duterte ang abolisyon ng party-list system bunsod ng concerns na pinalulusot ng sympathizers ng communist rebels.

May ilang mambabatas sa kabilang dako ang nagpahayag na mas magiging madali na amiyendahan ang party-list law sa halip na -rewrite o muling isulat ang 1987 Constitution, na may mandatong sectoral representation sa Kongreso.

“We defer to the wisdom of Congress. Hindi naman po nagli-legislate ang Presidente. If that is the solution of some senators, number one, of course it has legal basis; number two it would still depend on them,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Bayan Muna party-list Representative Ferdinand Gaite noong nakaraang linggo na ang abolition ay magreresulta ng “crackdown of representation for the poor and marginalized.”

Si Gaite ay miyembro ng Makabayan bloc of lawmakers kung saan inakusahan ni Pangulong Duterte na may kaugnayan sa rebeldeng komunista.

Sa kasalukuyan, nakatutok ang Mababang Kapulungan ng KOngreso sa pag-amiyenda ng “restrictive” economic provisions ng Constitution na naglalayong gawing mas “attractive” ang Pilipinas sa foreign investors.

Hinikayat naman ni Senator Panfilo Lacson ang Malakanyang na maging “a little bit more creative in accomplishing that objective without opening the floodgate to possibly tinker with the Constitution in its entirety.”

Sinabi naman ni House constitutional amendments committee chairperson Alfredo Garbin na hindi nila tatalakayin ang political sections ng charter ng bansa sa gitna ng espekulasyon na ang inisyatiba ay maaaring maging daan ng term extension para sa mga elective officials. (Daris Jose)

Harden at Rockets hindi umubra kina LeBron, Davis

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inilampaso ng Los Angeles Lakers ang Oklahoma City Thunder, 120-102.

 

Ito na ang ikalawang panalo ng defending champion mula sa 11 laro ngayong season.

 

Ito rin ang ikaanim na panalo sa huling pitong mga laro.

 

Nagpakitang gilas naman si Anthony Davis sa muling pagbabalik na may 27 points habang si LeBron James ay nagdagdag ng 18.

 

Noong Sabado ay hindi nakalaro si Davis.

 

Umabot pa sa 27 ang kalamangan ng Lakers at halos napanatili ang double digit lead sa buong game.

 

Sa panig ng Rockets (3-5) sina Christian Wood ay may 23 points habang si James Harden ay nag-ambag naman ng 20.

 

Hindi lamang sa opensa naging manit ang dalawang koponan kundi maging sa pisikalan na laro.

 

Umabot sa limang technical fouls ang naitawag ng mga referee, kabilang na ang dalawang flagrant fouls at sa first-half ejections nina Markieff Morris at DeMarcus Cousins.