• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 13th, 2021

Ravena, Kouame swak na sa ‘Calambubble’

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUMASOK na ang 12 basketbolista sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna nitong Linggo, Enero 10 para sa Gilas Pilipinas training pool bubble.

 

Ang hakbang ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) ay kaugnay sa paghahanda sa national men’s basketball team para sa 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup 2021 third & final window qualifier sa Angeles City, Pampanga sa darating na Pebrero 18-22.

 

Pinangunahan ni Philippine Basketball Association (PBA) star Kiefer Isaac Ravena ng Nnorth Luzon Expressway, at  naturalized player candidate Angelo Kouame ang grupo.

 

Pero susundan pa sila ng ikalawang ng PBA stars second batch para rin sa Calambubble sa Enero 22.

 

Swak na rin sa first batch sa pasilidad ng National University ng Pamilyang Sy sina Gilas Cadet members Isaac Go, magkapatid na Matt at Mike Nieto, at Rey Suerte.

 

Gayundin sina Javi Gomez de Liano, Dave Ildefonso, Justine Baltazar, Calvin Matetikaana, William Navarro, at Kenmark Carino.

 

Isa kinausap ng PBA at SBP si Fil-Canadian Matthew Wright ng Phoenix Super LPG ang tumanggi na mas pinili pa ang magliwalis sa Atlanta, Goergia, USA.

 

Tinapik din sina PBA mentors Norman Black ng Meralco at Carlos Garcia ng Rain or Shine bilang assistant coaches ng national squad. (REC)

Duterte bakuna ng China ang ipapaturok

Posted on: January 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dahil mauunang duma­ting sa bansa ang Sinovac vaccine mula sa China, ito ang ituturok kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sinabi ni Roque na ang bakuna mula sa Russia at sa China ang pinagpipilian ng Pangulo.

 

“Si Presidente po malinaw, gusto nga niyang magpaturok kaagad. Gusto niya Tsino at saka Russian. Ang tinatanong niya, puwede bang pareho? Ang tingin ko, hindi. So kinakailangan mamili ang Presidente kung Tsino o Russian ang kaniyang ipa­tuturok. Pero dahil mauuna ang Tsino eh baka naman po ‘no na unahin niya ang Tsino,” sabi ni Roque.

 

Idinagdag ni Roque na maging si Indonesian President Joko Widodo ay magpapaturok ng bakuna mula sa China sa Enero 13. Sinabi pa ni Roque na hindi niya alam kung bakit mas naging mabilis ang inaasahang pagdating sa bansa ng Sinovac.

 

Inulit ni Roque ang sinabi ni Duterte na hindi siya makakapaghintay ng hanggang Hulyo para sa bakuna na inaasahang darating na sa Pilipinas sa susunod na buwan. (Gene Adsuara)