• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2020

Tindero ng pares hinoldap, binaril

Posted on: February 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kritikal ang lagay ng isang tindero ng pares matapos barilin ng holdaper sa Baseco Compound, Port Area, Manila, noong Martes ng hatinggabi.

 

Pauwi na ang biktimang kinilalang si Samson Bautista, 41, kasama ang kanyang kaibigang si Pio Ramos sakay ng kanilang tricycle nang harangin ng armadong lalaki sa Barangay 649. Sa CCTV footage mula sa barangay, makikita ang suspek na inaagaw ang slingbag na dala ni Bautista.

 

Itinaas ng holdaper ang baril bilang babala, ngunit tumanggi pa rin ang biktimang ibigay ang bag na naglalaman ng kinita sa buong araw.

 

Maya-maya ay pinaputukan na ng suspek sa ulo si Bautista at sumibat tangay ang slingbag.

 

Nagtamo ng tama sa leeg si Ramos na kritikal ang lagay sa ospital.

 

Pinaghahanap na ng pulisya ang hindi pa natutukoy na suspek.

DILG Financial Housekeeping, pasado ang Navotas

Posted on: February 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PASADO ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa 2019 Good Financial Housekeeping standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa tapat na pamamahalang pampinansyal.

 

“Ang pagpasa sa good financial housekeeping standards ay nagpapatibay sa ating pagsisikap na gugulin ang pondo ng bayan sa hayag at tapat na paraan,” wika ni Mayor Toby Tiangco. “Nagpapasalamat po tayo sa lahat sa kanilang patuloy na pagsusulong ng mabuting pamamahala at kalidad na serbisyo publko. Ang pagtanggap natin ng pagkilalang ito ay nangangahulugan lamang na nasa tamang landas tayo tungo sa pagsisiguro na ang buwis ng mamamayan ay nagagamit nang mahusay para sa mga serbisyo at programang magbebenipisyo sa mga Navoteño.”

 

Ang isang lokal na pamahalaan na pumasa sa GFH ay sumunod sa Full Disclosure Policy of Local Budget and Finances, Bids and Public Offerings tulad ng Annual Budget, Statement of Receipts and Expenditures, Annual Procurement Plan o Procurement List, at Bid Results On Civil Works, Goods and Services and Consulting Services, at iba pa.

 

Meron din itong unqualified o qualified Commission on Audit (COA) noong nakaraang taon.
Nakatanggap ang Navotas ng Unqualified Opinion ng COA, ang pinakamataas na marka na maaari nitong ibigay sa isang LGU o ahensya ng pamahalaan, sa apat na magkakasunod na taon. Ito lamang ang tanging LGU sa Metro Manila na may ganoong track record.

 

Ang lungsod ay nagawaran din noong nakaraang taon ng DILG Seal of Good Local Governance (SGLG).
Ang GFH ay isang component ng SGLG kasama ang Disaster Preparedness, Social Protection, Business-Friendliness and Competitiveness, Peace and Order, at Environmental Management. (Richard Mesa)

PINOY PUGS VS JAPANESE RIVALS SA INT’L BOXING

Posted on: February 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINOY laban sa Hapon ang namumuong hidwaan ngayon sa international boxing.

 

Isa pang Philippine-Japan fight ang masasaksihan matapos ang naikasang laban nina Giemel Magramo at Japanese pug Junto Nakatani sa Abril 4 sa Tokyo, Japan.

 

Pag-aagawan nina Magramo at Nakatani ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) flyweight crown na iniwan ni Japanese Kosei Tanaka na nagdesisyong umakyat sa super flyweight division laban sa kababayang si Kazuto Ioka.

 

Nakatakda ring labanan ni WBO bantamweight champion John Riel Casimero si International Boxing Federation at World Boxing Association bantamweight titlist Naoya Inoue sa Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada.

 

Una nang nagtuos sina Inoue at Filipino-American Nonito “The Filipino Flash” Donaire noong Nobyembre 7 sa bantamweight finals ng World Boxing Super Series na ginanap sa Saitama, Japan kung saan nanaig ang Japanese pug.
Kaya naman desidido ang mga Pinoy fighters na makabawi sa pagkakataong ito upang maiwagayway ang bandila ng Pilipinas.

 

Hindi matatawaran ang katatagan ng Japanese fighters sa international arena at tula dng Mexico, tunay na kagigiliwan ang naturang duwelo.

 

Kasalukuyang may limang world titlist kumpara sa apat lamang ng Pilipinas.

 

Kasalukuyang kampeon ng Japan sina Kenshiro Teraji (WBC light flyweight), Hiroto Kyoguchi (WBA light flyweight), Kazuto Ioka (WBO super flyweight), Ryota Murata (WBA middleweight regular champion), at Inoue (WBA, IBF bantamweight).

 

Samantalang kasalukuyang world champions ng Pilipinas ay sina eight-division world titlist Manny Pacquiao (WBA welterweight super champion), Pedro Taduran (IBF minimumweight), Jerwin Ancajas (IBF super flyweight) at Casimero (WBO bantamweight).

Adik na mister kinasuhan, misis kinatay

Posted on: February 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI umobra ang kasong isinampa ng misis sa kanyang mister na umano’y adik matapos tuluyan itong patahimikin nang pagsasaksakin ito sa loob ng kanilang silid, iniulat kahapon (Miyerkules) ng umaga sa lalawigan ng Pangasinan.

 

Kinilala ang biktimang si Jennelyn Qumiang habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Reynaldo Catungal Loresco, at kapwa residente ng Brgy. Cablong sa bayan ng Sta. Barbara Pangasinan.

 

Batay sa report ng Sta Barbara Police Station, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng mag-asawa sa nasabing lugar.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang kuwarto na nauwi sa pananaksak na ikinamatay ng biktima.

 

Kwento ng mga anak ng biktima, narinig pa nilang nag-aaway ang kanilang mga magulang subalit makalipas ang ilang minuto ay bigla na lamang tumahimik.

 

Lumabas sila ng kanilang silid para alamin ang nangyari pero nakita na nila ang ama na duguan ang mga kamay at naghuhugas habang ang kanilang ina ay nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.

 

Kaagad naman humingi ng tulong sa awtoridad ang mga anak pero mabilis na tumakas ang suspek gamit ang motorsiklo.

 

Nabatid na kinasuhan ng biktima ang suspek ng kasong paglabag sa Violence Against Women and their Children (VAWC) dahil sa pananakit sa kanya, subalit nakakapunta pa rin ito sa kanilang bahay.

 

Ayon pa sa pulisya, isa sa mga drug personality si Loresco sa bayan ng Sta. Barbara.

5th All Asia Cup 2020: Pilak, nasungkit ng GP-PH

Posted on: February 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PALABANG nakakopo ng silver medal ang GlobalPort-Philippine team sa 5th All Asia Cup 2020 na nitong Pebrero 2-9 sa VS Sports Club & Siam Polo Park sa Preng, Thailand.

 

Nabigo man sa host team sa gold medal game sa anim na koponang torneo, kuntento naman si Philippine National Federation of Polo Players (PNFPP) founding director at House Deputy Speaker Michael Romero sa niladlad ng koponan.

 

“Up against some of the best teams in the Asian region, we proved we can be at par with them,” bulalas nitong Martes ni Romero, kasapi ng PH squad na naka-bronze medal sa 30th Southeast Asian Games PH 2019 sa world-class Miguel Romero Field sa Calatagan, Batangas noong Disyembre.

 

“Given more time to train and play in various tournaments abroad, I strongly believe we can play much better the next time. The chemistry is there so we just have to sustain it,” panapos niyang sambit.

 

Pagkayuko sa unang laro kontra rin sa Thais, rumesbak sina Anthony Garcia, Adrian Garcia, Robert Esguerra at Romero laban sa Brunei sa dikdikang quarterfinals, 10-9, at Indonesia sa semifinals, 8-5.5, para makapasok sa finals.
Inumpisahan ang polofest ni dating King Power Duty Free owner Vichai Srivaddhanaprabha para mapasigla ang sport sa rehiyon. (REC)

Mr. Football, Ms. Golf sa PSA award

Posted on: February 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY dalawa pang magagaling na atleta sa katauhan nina Stephan Schrock at Bianca Pagdanganan ang special awardee sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa papasok na buwan.

 

Igagawad kay Schrock ang ng Mr. Football award, habang si Pagdanganan ang unang tatanggap ng Ms. Golf sa SMC-PSA gala night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

 

Mahahanay ang 33-anyos na si Schrock at 22-taong-gulang na si Pagdanganan sa Ms. at Mr. Basketball awardees na sina Jack Animam at Ferdinand Ravena III, Ms. at Mr. Volleyball na sina Cherry Ann Rondina at Bryan Bagunas, at Coach of the Year na si Patrick Henry Aquino sa mga may special award mula pinakamatagal na media organization sa bansa sa event na mga ihahatid ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine.

 

Ang Team Pilipinas naman ang napagkaisahan para sa pinakamataas na karangalang Athlete of the Year award sa pagbibigay karangalan sa bansa ng ikalawang overall title sa 30th Southeast Asian Games 2019 PH.

 

Nanguna sa pagwawagi ng bansa sa 11-nation, 12-day sportsfest sa pagkopo ng dalawang medalyang ginto sa women’s golf individual event at team event kasama si Lois Kaye Go.

 

Kinilala na rin siyang 2018 PSA Athlete of the Year kasama sina golfers Go at Yuka Saso, weightlifter Hidilyn Diaz, at skateboarder Margielyn Didal Wagi pa si Pagdanganan sa 2019 Hawkeye El Tigre Invitational sa Mexico sa nakaraang taon.

 

Bukod sa 2018 Asiad gold nang nag-aral sa Gonzaga University at ngayo’y sa University of Arizona, natulungan din ni Pagdanganan ang huli sa NCAA Division 1 women’s golf championship at ngdesisyon nang mag-pro ang sports at society major sa nagdaaang taon.

 

Tatanggapin naman ni Schrock ang ikalawa niyang Mr. Football matapos magwagi noong 2013.

 

Ang beteranong midfielder ng Ceres Negros ang nagsilbing pundasyon ng PH Azkals na kasalukuyan ngayong nasa pagbabagong bihis sa pagsisilbi bilang captain ng U22 team sa nakalipas na SEA Games at halos naabot ang unang pagtuntong sa knockout stage.

 

Kinilala rin ang Fil-German player ng ASEAN Football Federation bilang isa sa mga tatanggap ng AFF Best XI Award sa gaganapin na AFF Awards sa Hanoi, Vietnam.

 

Namuno rin si Schrock sa Ceres Negros sa ikatlong kinopong titulo ng Football League at giniyahan ang koponan sa ASEAN Zonal semifinals ng AFC Cup.

 

Kasama ang goalkeeper na si Neil Etheridge, pinamunuan din ni Schrock ang kampanya ng Azkals sa 2022 FIFA World Cup at 2023 AFC Asian Cup joint qualifiers.

Ads February 20, 2020

Posted on: February 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Bato, nag-sorry sa ABS-CBN

Posted on: February 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

“Pasensya na po kung kayo ay nasaktan.”

 

Ito ang pahayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa mga kawani ng ABS-CBN Corporation matapos niyang sabihin noong Martes na mas prayoridad niya ang kapakanan ng milyong Pinoy kaysa 11,000 kawani na mawawalan ng trabaho kung magsara ang naturang network.

 

“Pasensya na po kung kayo ay nasaktan. Ang tingin ko po ay ang buong kapakanan ng buong bansang Pilipinas, kasama na po kayo doon, ‘di po ito exclusive kapakanan po ng buong bansa ang inisip natin,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng CNN.

 

“Hindi na pabayaan na kung may mali magpatuloy ang mali. Tayong mga mahihirap lalo tayo kinakawawa ng mga oligarch na ito, hindi pwede ‘yun, hindi fair yun, dapat pantay ang laban. Hindi ‘yung iisahan tayo porke mahirap tayo,” sambit pa nito.

 

Sabi ni Dela Rosa, kung mapatunayang na pinagsamantalahan ng ABS-CBN ang Sambayang Pilipino, nararapat lang aniya hindi na bigyan ito ng panibagong prangkisa.

 

Pero kung mapatunayan aniya sa gagawing pagdinig ng Senado sa franchise bill ng ABS-CBN, itutulak aniya na ma-renew ang prangkisa nito.

 

“If during the hearing ma-establish natin na itong ABS-CBN pala ay isang Santo at hindi makasalanan, so ako mismo I will push para ma-renewal ng franchise,” sabi ni Dela Rosa.

 

“At ako mismo ang magsasabi kay President na “Sir mukhang mali ‘yung information na dumating sa iyo, ganito ganito pala ang tama. Ako mismo hindi ko hahayaan na mangibabaw ang mali, dapat ang tama lang, you tell the truth, yang dapat ang lalabas,” dagdag pa nito. (Daris Jose)

Mga Pinoy sa cruise ship na nagpositibo sa COVID-19, umakyat pa sa 41 – DOH

Posted on: February 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pumalo na sa 41 ang bilang ng mga Pilipinong sakay ng naka-quarantine na MV Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, Japan ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19).

 

Anim pang Pinoy ang nakumpirmang positibo sa sakit nitong Miyerkoles, ayon sa Department of Health.
Pawang mga crew member umano ang dinapuan ng virus.

 

Kaugnay nito, inaayos na ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapauwi sa nasa 500 Pilipinong manggagawa na sakay din ng Diamond Princess.

 

Sabi ng DOH, ang mga walang sintomas ng COVID-19 lamang ang mga maisasama sa repatriation habang ang mga Pilipinong nagpositibo sa virus ay maiiwan sa Japan hanggang sa makarekober.

 

Nilinaw naman ng DOH na boluntaryo o hindi sapilitan ang pagpapauwi sa mga Pilipino kaya kung ayaw bumalik ng mga ito sa Pilipinas ay hindi nila ito pipilitin.

4 na empleyado, ayaw mag-overtime, ikinulong sa loob ng warehouse

Posted on: February 20th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ang dalawang Chinese national at may-ari ng isang kumpanya matapos na ireklamo ng mga empleyado nito na “ikinulong” sa loob ng kanilang warehouse upang mapilitang mag-overtime sa Kawit, Cavite.

 

Kasong illegal detention ang isinampa laban kina Qinghui Qui, 37 at Bin Chen, 32, kapwa Chinese national at Operations Manager ng Dan Chang Company at kapwa stay-in sa Gold Key Construction Management Inc Warehouse sa Brgy. Toclong, Kawit, Cavite dahil sa reklamo nina Rolando Averilla, 30, may live in partner ng 106 Brgy Toclong, Kawit, Cavite; Jaime Valenzuela, 43, driver ng Brgy. Toclong, Kawit, Cavite; Ian Clark Madlangbayan, 23, helper ng Brgy. Toclong, Kawit, Cavite at Ronald Grino, 37, driver ng Brgy Carsadang Bago, Imus Cavite.

 

Sa reklamo ng mga empleyado kay PSSg Ernesto Dasalla Jr ng Kawit Municipal Police Station, pinilit umano sila ng mga suspek na mag-overtime sa kanilang trabaho simula noong Biyernes ng hapon sa loob ng Dan Chang Company Warehouse sa loob ng Golden Key Construction Management Incorporated sa Brgy Toclong, Kawit, Cavite at wala na silang nagawa dahil hindi na umano sila pinalabas sa kumpanya.

 

Ayon pa sa mga nagreklamong empleyado, natatakot din umano silang sumuway sa utos dahil baka tanggalin sila sa kanilang tarabho.

 

“Wala naman daw problema kung mag-overtime ang mga empleyedo kaya lang hindi naman daw sila binabayaran ng kanilang overtime pay’ ayon kay Dasalla.

 

Pero nitong Martes, February 18, tumawag si Averilla sa kanyang live- in partner na si Ma. Angela Burgos dahil hindi pa rin umano sila pinapalabas kaya humingi na ng tulog sa pulisya ang huli dahilan upang magsagawa ng operasyon ng Kawit police at nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang Chines national at pagkakasagip sa mga empleyado nito.
Pero paliwanag ni Dasalla na nasa loob lamang sila ng warehouse subalit pinagbawalang lumabas at nakakakain naman umano ang mga empleyado sa kanilang kantina. (Gene Adsuara)