• November 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 21st, 2026

McDaniels, isinalba ang Wolves sa gitgitang laban vs Trailblazers

Posted on: November 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINALBA ng batikang forward na si Jaden McDaniels ang Minnesota Timberwolves mula sa gitgitang matchup laban sa Portland Trail Blazers.

Naging mahigpit ang laban ng dalawang koponan kung saan sa unang quarter ay tinambakan ng Wolves ang Blazers ng 12 points, 29-17.

Agad namang bumawi ang Portland sa ikalawang quarter at ibinuhos ang 31 points kontra sa 20 points lamang ng Wolves, daan upang dalhin ang score sa 49-48, pabor pa rin sa Minnesota.

Sa pagtatapos ng 3rd quarter, naitabla na ng Portland ang laban sa score na 79.

Naging gitgitan pa ang match ng dalawa hanggang sa sampung segundo lamang bago matapos ang laban, hawak ng Portland ang 1-point lead, 105-104.

Gayonpaman, pinilit ni McDaniels na ipasok ang isang layup, 2.5 seconds bago matapos ang regulation – daan upang dalhin ang score sa 106-105.

Hindi na nakabawi pa ang Blazers sa nalalabing halos tatlong segundo at dinanas ang 1-point loss, 106-105 – ang ikalimang pagkatalo ng koponan ngayong season.

Sa kabuuan, kumamada si McDaniels ng 22 points, limang rebounds, at apat na assists. Nagbulsa rin siya ng tatlong steal at isang block.

Nagbuhos naman ng game-high na 30 points si Wolves guard Ayo Dosunmu at nagawang ipasok ang pitong 3-pointers mula sa 11 kaniyang pinakawalan.

Sa pagkatalo ng Blazers, nasayang ang 25 points ng batikang guard na si Damian Lillard, kasama ang 23 points ng reserve na si Jrue Holiday.

Kasalukuyang nasa 11-4 win-loss record ang winning team na Minnesota.

Joshua Pacio napanatili nito ang kaniyang strawweight belt

Posted on: November 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAPANATILI ni Pinoy mixed martial arts fighter Joshua Pacio ang kaniyang ONE Strawweignt World Championship belt.

Ito ay matapos na talunin si Keito Yamakita ng Japan.

Naging agresibo ang Japanese fighter sa laban nila na ginanap sa Tokyo, Japan.

Subalit pagsapit ng ikaapat na round ay doon na umarangkada ng mga suntok at submission ng Pinoy fighter.

Mayroong pang natitirang 17 segundo sa ikaapat na ro und ng pinagana na ni Pacio ang kaniyang arm-triangle choke kaya napilitan ang Japanese fighter na sumuko na.

Ito na ang pangalawang sunod na panalo ni Pacio sa pamamagitan ng submission.

Dahil sa dito ay mayroon na siyang 25 panalo at limang talo kung san mayroong 10 submission ito sa kaniyang 19 laban.

Habang si Yamakita ay mayroong 13 panalo at dalawang talo.

Utah Jazz, pinutol ang nine-game winning streak ng Los Angeles Lakers

Posted on: November 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINALO ng Utah Jazz ang Los Angeles Lakers, sa score na 109-97, upang tuldukan ang siyam na sunod na panalo ng Lakers kanilang paghaharap.

Nanguna si Keyonte George para sa Jazz sa naitalang 30 points, si Ace Bailey naman ay nakapagtala ng 19 points, 10 dito ay nagawa niya sa huling quarter.

Para sa Lakers, nagtala si Luka Doncic ng 29 points ngunit nakapagtala rin ng siyam na turnovers at dalawang three-pointers lamang mula sa 12 attempts, dahil sa pagkatalo, natapos din ang kaniyang sunod-sunod na 11 laro na may hindi bababa sa 30 points.

Naging dikit ang laban sa unang tatlong quarter bago umarangkada ang Utah sa fourth quarter sa pamamagitan ng 15 sunod-sunod na points upang makuha ang kalamangan at tuluyang maselyuhan ang panalo.

Sunod na makakaharap naman ng Jazz ang Phoenix Suns sa Biyernes, habang ang makakatunggali naman ng Lakers ay Sacramento Kings.

STATEMENT OF LAWYERS FOR COMMUTERS SAFETY and PROTECTION (LCSP) on the REPORTED JOYRIDE DATA BREACH

Posted on: November 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LAWYERS for Commuters Safety and Protection (LCSP) is gravely concerned by reports of a data breach involving the motorcycle taxi platform JoyRide PH. We call on the company and the proper authorities to act swiftly to protect every Filipino whose personal information may now be in the ‘wrong hands’.

A threat actor has claimed on a cybercrime forum that it accessed JoyRide’s cloud backend and took about 504 GB of data. It says the haul includes more than 20.5 million customer profiles and over 420,000 driver registrations, along with NBI and police clearances, driver’s licenses and government-issued IDs. 

JoyRide has since confirmed that it was the target of a cyber security incident that may have compromised certain data. It has yet to say how many people were affected or what information was taken.

These are not ordinary records. A government ID, a home address and a mobile number can give a scammer everything needed to open accounts in someone else’s name, apply for loans, or pose as a rider or passenger. 

For the riders who earn their living on the platform, these clearances and licenses are the very documents that prove who they are.

LCSP believes that the safety of every passenger and rider does not end on the road. It extends to the platforms that hold their most personal information. Every company that collects such data has a duty to guard it with the same seriousness it gives to road safety.

We therefore call on JoyRide to disclose the full scope of the breach without delay and to notify every affected customer and rider directly, with concrete guidance on how to protect themselves. We also call on the National Bureau of Investigation to pursue those responsible and stop the stolen data from circulating.

Finally, this incident proves how large the motorcycle taxi industry has grown. If the claims hold, a single platform holds the records of more than 20 million Filipinos and over 400,000 riders. To the Department of Transportation, this incident shows that regulation must keep pace. Any legal framework for motorcycle taxis, whether through legislation or regulation, should include clear data protection and cybersecurity standards so that every platform is held to the same bar.

Our kababayans trust these apps with their journeys and their identities. That trust deserves protection.

==============

Atty. Ariel Inton, Jr.

Founder/President

Sidecar driver, himas-rehas sa panghahalay sa 15-anyos na stepdaughter sa Navotas

Posted on: November 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HIMAS-REHAS ang 33-anyos na sidecar driver matapos ireklamo ng panghahalay sa kanyang stepdaughter sa loob ng kanilang tirahan sa Navotas City.

Mahaharap ang suspek na si alyas “Roberto” sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng inamyendahan ng R.A. 8353 o ang New Anti-Rape Law, pati na ang paglabag sa R.A.7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Sa ulat, kamakalawa ng gabi nang gapangin at puwersahan umanong halayin ng suspek ang biktimang itinago sa pangalang alyas “Maria”, 15, habang mahimbing na natutulog sa loob ng silid ng kanilang tirahan bago pinagbantaan umano ang dalagita na manahimik na lamang kung ayaw niyang may masamang mangyari sa kanya.

Gayunman, nang makakita ng pagkakataon ang biktima ay naglakas loob itong isinumbong sa kanilang kapitbahay ang ginawang seksuwal na pang-aabuso sa kanya ng amain kaya agad siyang sinamahan nito sa Northern NCR Maritime Police Station sa Navotas Fish Port Complex sa North Bay Boulevard North para humingi ng tulong.

Kaagad namang nagsagawa ng operation ang mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek pasado alas-3:00 kamakalawa ng hapon. 

Inamin naman ng suspek ang panghahalay sa stepdaughter at ikinatuwiran na nasa impluwensiya umano siya ng alak nang mangyari ang insidente. (Richard Mesa)

Binata, laglag sa sugal, droga sa Valenzuela 

Posted on: November 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAS bumigat ang kasong kakaharapin ng 32-anyos na binata nang mabisto ang dalang ilegal na droga makaraang maaresto ng pulisya habang nagsusugal, kasama ng dalawang kelot sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Bukod sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) mahaharap din sa kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang suspek na si alyas “John” ng Brgy. Bignay.

Sa ulat, dakong alas-9:20 ng gabi, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 7 nang maaktuhan nila ang tatlong indibidwal na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa Lot 17, Block 7, Phase 2-B, Point 8, Northville 1, Barangay Bignay.

Hindi na nakapalag si alyas John at dalawa niyang kalaro na 37-anyos na security guard at 34-anyos na construction worker nang lapitan nina PSSg Monib at Pat Tinte na nagpakilala bilang mga pulis bago sila inaresto.

Nasamsam sa kanila ang P430 bet money, pangara, coin purse at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,292 na nakuha umano kay alyas John.

Ayon kay Valenzuela Police Chief/Col. Joseph Talento, patuloy na pinaiigting ng Valenzuela City Police ang kampanya nito laban sa illegal na mga aktibidad, lalo na ang kalakalan sa ilegal na droga.

 (Richard Mesa)

League of Municipalities of the Philippines (LMP), malugod na tinanggap ang kasunduan sa DBM

Posted on: November 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MALUGOD na tinanggap ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) nitong Huwebes ang kasunduan nito sa Department of Budget and Management (DBM) na magtatatag ng patas at malinaw na mekanismo sa pagsusuri sa mga lokal na pamahalaang naapektuhan ng pagpapatupad ng FY 2026 Collective Negotiation Agreement o CNA Incentive Guidelines.

Nabuo ang kasunduan kasunod ng dayalogo sa pagitan ng mga opisyal ng LMP at ni DBM Secretary Kim Robert C. De Leon, kung saan inilahad ng mga lider-munisipalidad ang kanilang pangamba sa ilang probisyon ng guidelines na maaaring makapinsala sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan dahil sa pagkaantala ng mga proyektong pangkaunlaran at iba pang sitwasyong hindi nila kontrolado.

Nagpasalamat ang LMP kay Secretary De Leon sa pakikinig sa kanilang mga hinaing at pakikipagtulungan sa mga lokal na lider upang makahanap ng praktikal at makatuwirang solusyon.

Ayon sa LMP, naging produktibo at makabuluhan ang kanilang pag-uusap, na nagbunga ng konkretong hakbang upang matugunan ang lehitimong pangamba ng mga munisipalidad at mapangalagaan ang kapakanan ng mga masisipag na empleyado ng lokal na pamahalaan.

Sa ilalim ng kasunduan, bibigyan ng pagkakataon ang mga apektadong LGU na ipaliwanag ang mga dahilan ng pagkaantala sa pagpapatupad ng kanilang mga proyekto, gayundin ang pagsusumite ng mga kaukulang dokumento at mga hakbang upang makahabol sa implementasyon. Susuriin ang mga ito alinsunod sa umiiral na mga batas at alituntunin.

Ayon pa sa LMP, makatutulong ang mekanismong ito upang matiyak na patas ang magiging pagsusuri sa mga munisipalidad, batay sa aktuwal na kalagayan at mga hamong kanilang kinakaharap sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran.

Binigyang-diin ng organisasyon na dapat magkasabay ang pananagutan at pagiging makatarungan.

Sinusuportahan umano nila ang responsableng pamamahala sa pananalapi ng gobyerno at maagap na pagpapatupad ng mga proyekto, ngunit hindi dapat maparusahan o mawalan ng benepisyo ang mga empleyado dahil sa mga sitwasyong wala naman silang kontrol.

Iginiit din ng LMP na nararapat lamang na mabigyan ng patas na konsiderasyon ang mga kawani ng munisipalidad na direktang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa mga komunidad.

Nagpasalamat din ang organisasyon sa pagiging bukas ni Secretary De Leon sa makabuluhang dayalogo, na nagpapakita umano ng kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng pambansang pamahalaan at mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga usaping may epekto sa kanilang operasyon.

Ayon sa LMP, sa pamamagitan ng kasunduan, mapananatili ng DBM ang pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan habang isinasaalang-alang ang mga lehitimong hamon na kinakaharap ng mga munisipalidad sa pagpapatupad ng kanilang mga proyekto.

Nilinaw din ng organisasyon na hindi nila layuning pahinain ang umiiral na pamantayan sa pananagutan, kundi matiyak na makatarungan at pare-pareho ang pagpapatupad nito, na isinasaalang-alang ang aktuwal na sitwasyon sa mga lokal na pamahalaan.

Muling pinagtibay ng LMP ang kanilang pakikipagtulungan sa DBM upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, mapalakas ang responsableng pamamahala sa pananalapi, at matiyak na ang pondo ng bayan ay nagiging makabuluhang proyekto at serbisyong pampubliko.

Pinamumunuan ang League of Municipalities of the Philippines ni Mayor Faustino “Inno” Arcega Dy V, na nagsisilbing National President ng organisasyon para sa 2025–2028 term at kasalukuyang alkalde ng Echague, Isabela. ( VINA de GUZMAN)

‘Sa sampung sinabi, labing-isa mali’ reaksyon ng mambabatas sa Spokesperson ni VP Sara

Posted on: November 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITO ang reaksyon ni House prosecutor, Manila Rep. Joel Chua kaugnay sa show-cause order ng senate impeachment court order sa spokesperson ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Paolo Panelo na magpaliwanang sa kanyang mga naging pahayag ukol sa mga senator-judges.

Naniniwala pa ang mambabatas na ang mga pahayag nito laban sa mga senator-judges ay para i-divert ang atensiyon mula sa mga butas sa ebidensiya ng depensa.

“So masyado siyang maraming issue na binabato na sa tingin namin para lamang ma-cover up ang mga pagkukulang ng defense sa kanilang mga testigo,” ani Chua.

Una dito, isinulong ni Senator-judge Erwin Tulfo na magpalabas ng show-cause order para sa naging pahayag ni Panelo na inaprubahan ni Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero kasabay nang pag-atas sa clerk of court na mag-isyu ng order.

Ang direktiba ay mag-aatas kay Panelo na magpaliwanag para sa mga ginawa niyang pahayag.

Hindi naman nangangahulugan na ang kautusan ay magdedeklara sa kanya na guilty ng contempt.

(VINA de GUZMAN)

Sa pamamagitan ng Voucher Assistance Program…PBBM, tinintahan ang batas na nagpapalawak ng access ng mga mag-aaral sa de-kalidad na edukasyon

Posted on: November 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang batas na nagtatatag ng Basic Education Voucher Assistance Program upang mapalawak ang pagkakataon ng mga mag-aaral na makakuha ng de-kalidad na edukasyon at makatulong sa pagpapabawas ng siksikan sa mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan.

Ang Republic Act No. 12327, o mas kilala bilang Basic Education Voucher Assistance Act, na pinirmahan ng Pangulo noong Nobyembre 12, ay nagtatatag ng isang sistemang pinopondohan ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga voucher. 

Layunin nitong mabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa mga kalahok na pribadong paaralan ang mga kuwalipikadong mag-aaral mula sa mahihirap at mga pamilyang nangangailangan ng tulong.

Sa ilalim ng batas, magbibigay ang pamahalaan ng mga voucher sa mga kuwalipikadong mag-aaral na naka-enroll sa mga kalahok na pribadong paaralan upang makatulong sa pagbabayad ng kanilang gastusin sa pag-aaral.

Saklaw ng batas na ito ang lahat ng pribadong institusyong pang-edukasyon na tumatanggap ng tulong mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga voucher para sa mga kuwalipikadong mag-aaral, subsidiya para sa mga guro, o iba pang tulong pinansyal para sa mga paaralan.

Ang Department of Education (DepEd) ang magtatakda ng halaga ng mga voucher batay sa mga pag-aaral na kanilang ipagagawa. 

Susuriin at rerepasuhin ang halaga ng mga ito nang hindi bababa sa isang beses kada tatlong taon upang maisaalang-alang ang implasyon at iba pang mga salik na nakaaapekto sa gastusin sa edukasyon.

Mas mataas na halaga ng tulong-pinansyal sa pamamagitan ng voucher ang matatanggap ng mga mag-aaral na mula sa mga pamilyang may mababang kita. 

Samantala, kailangang maibigay ang bayad sa mga kalahok na pribadong paaralan sa loob ng 60 araw matapos maisumite ang kumpleto at kinakailangang mga dokumento.

Bibigyang-priyoridad sa programa ang mga mag-aaral na dating nag-aral sa mga pampublikong paaralan na natukoy na may matinding siksikan sa mga silid-aralan, ang mga nakatira sa mga lugar na walang malapit na pampublikong paaralan, at ang mga naninirahan sa mga komunidad kung saan labis na siksikan ang mga pampublikong paaralan.

Pinahihintulutan din ng batas ang mga lokal na pamahalaan (LGUs), pribadong sponsor, at iba pang tagapagbigay ng scholarship na magdagdag ng tulong-pinansyal upang matugunan ang kakulangan sa pagitan ng halaga ng voucher at kabuuang gastusin sa pag-aaral.

Upang matiyak ang pananagutan at kalidad ng edukasyon, sasailalim sa pagkilala at regular na pagsusuri ng DepEd ang mga pribadong paaralang lalahok sa programa.

Susubaybayan din ng kagawaran ang resulta ng pagkatuto ng mga mag-aaral, kabilang ang antas ng kanilang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pagbilang (literacy and numeracy), mga resulta sa pambansa at pandaigdigang pagsusulit, gayundin ang kanilang akademikong pagganap at antas ng pagtatapos ng mga mag-aaral mula sa mga pamilyang nangangailangan.

Itinatakda rin ng batas ang iba pang uri ng tulong para sa mga kalahok na pribadong paaralan at kanilang mga guro. 

Kabilang dito ang mga pagsasanay para sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga guro, subsidiya sa kanilang sahod, at mga oportunidad sa scholarship para sa mga kuwalipikadong tagapagturo.

Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng pamahalaan na gawing mas abot-kamay ng mga mag-aaral ang de-kalidad na batayang edukasyon, habang tinutugunan din ang problema ng pagsisiksikan sa mga pampublikong paaralan. ( DARIS JOSE)

Natawa na lang: PBBM, dedma sa mga espekulasyon sa pagpili ng kantang “Anak” sa APEC

Posted on: November 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DEDMA lang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga espekulasyon tungkol sa pagpili ng China sa kantang Pilipinong “Anak” bilang tugtog sa kanyang pagpasok sa red carpet sa gala dinner para sa mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Inilarawan niya ito bilang isang “napakainit at taos-pusong pagpapakita ng paggalang.”

Sa isang press briefing kasama ang mga mamamahayag na Pilipino bago siya lumipad pabalik ng Maynila, sinabi ng Pangulo na masyado lamang binibigyan ng malisya ng ilang tao ang pagpili ng naturang kanta.

Para kay Pangulong Marcos, “napakaganda” at “mahusay” ang naging pagpili sa kanta, at inilarawan niya ito bilang isang magalang at magandang pakikitungo mula sa China.

“It was a very good choice,” ayon kay Pangulong Marcos.

“I thought it was a very, how do we say, gracious choice by the Chinese,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang “Anak” ang pinakakilalang awiting Pilipino sa buong mundo at naisalin pa ito sa 51 wika.

Binanggit din niya na tinugtog ang “Leron-Leron Sinta” sa hapunang pandangal (gala dinner).

“It was a very, very nice gesture na pinag….na ganun kalalim nila pinag isapan,” ang winika ni Pangulong Marcos.

Ang pagpili ng China sa kantang gagamitin sa pagpasok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa red carpet sa gala dinner ng APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM), na ginanap sa Shenzhen International Communication Center, ay umani ng mga katanungan mula sa ilang netizens.

Sa naturang gala dinner, isa-isang pumasok sa Xiangmi Hall ang mga pinuno ng mga bansang kasapi ng APEC, habang pinapatugtog ang isang kanta na nagmula sa kani-kanilang bansa.

Halimbawa, sinalubong ng kantang “Sukiyaki” ang Punong Ministro ng Japan na si Sanae Takaichi, habang ang Pangulo naman ng Estados Unidos na si Donald Trump ay sinalubong ng kantang “America the Beautiful.”

At nang si Pangulong Marcos na ang sumalang, tinugtog ng orkestra ng mga Tsino ang “Anak,” isang klasikong awiting Pilipino na pinasikat ni Freddie Aguilar.

Ang awiting “Anak” ay tungkol sa isang anak na hindi nakinig sa mga payo ng kanyang mga magulang, naligaw ng landas, at kalaunan ay napagtanto ang kanyang mga pagkakamali nang huli na ang lahat.

Samantala, nagbunsod ng samu’t saring haka-haka sa internet ang pagpili sa awitin, kung saan may ilang nagtatanong kung bakit pinili ng mga tagapag-organisa ang isang kantang naglalaman ng mga liriko na may babalang mensahe. (Daris Jose)