• November 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 19th, 2026

3 drug suspects, isinelda sa Valenzuela

Posted on: November 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SHOOT sa kalaboso ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa isinagawang anti-criminality operation sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat ni Police Investigator P/MSg rlito Nerit Jr. kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 sa Industrial St., Brgy. Karuhatan nang matiyempuhan nila ang dalawang construction worker na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ alas-10:00 ng gabi.

Nilapitan sila nina Pat Balisi at Pat Quiaño saka inaresto kung saan nasamsam sa kanila ang P380 bet money, pangara at isang plastic sachet ng umano’y shabu na nakuha umano kay alyas “Omer”, 36.

Pasado ala-1:00 ng madaling araw nang mahuli sa akto nina Pat Macalla at Pat Teniola, kapwa ng Police Sub-Station 6 si alyas “Rey”, 27, na gumagamit umano ng droga sa isang bakanteng lote sa Raminel Street, Barangay Veinte Reales.

Nauna rito, alas-7:00 ng gabi nang maaktuhan ng mga operatiba ng Police Sub-Station 2 ang 26-anyos na tambay na si alyas “Patrick” na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang shanty house sa Angeles Street, Barangay Gen. T. De Leon.

Nakumpiska ng pulisya sa kanila ang mga drug paraphernalias kabilang ang may mga laman ng traces ng hinihinalang shabu.

Ang tatlong nahuli na may kaugnayan sa droga ay mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s office. (Richard Mesa)

BI, NABUKING ANG UMANO’Y PEKENG RECRUITMENT PARA SA TRABAHO SA ARMENIA; ANIM NA PILIPINO, IPINASA SA IACAT

Posted on: November 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na Pilipinong umano’y ni-recruit para magtrabaho sa Armenia sa pamamagitan ng mapanlinlang na pamamaraan ng paglalakbay.

Nasita ang mga ito sa NAIA Terminal 3 noong Nobyembre 6, 2026, habang naghahanda silang sumakay ng mga flight patungong Hong Kong. Apat ang isinailalim sa masusing inspeksyon, habang dalawa naman ang hinarang sa mismong boarding gate.

Una nilang idinahilan na magbabakasyon lamang sila sa loob ng tatlong araw. Gayunman, sa masusing pagtatanong, lumitaw na patungo talaga sila sa Armenia upang magtrabaho bilang hotel cleaner at janitor na may ipinangakong buwanang sahod na ₱40,000 hanggang ₱50,000.

Nagbayad umano sila ng halagang ₱27,000 hanggang ₱160,000 para sa travel arrangements, pagproseso ng visa at mga susunod na flight. Inamin din ng ilan na binigyan sila ng umano’y recruiter ng mga pekeng dokumento sa pagtatrabaho.

Natuklasan sa imbestigasyon na inutusan ang mga pasahero na itago ang kanilang tunay na destinasyon, kabisaduhin ang mga sagot sa mga tanong ng immigration officers at palabasing Hong Kong lamang ang kanilang pupuntahan. Ibibigay umano sa kanila ang mga visa para sa Armenia at mga onward ticket pagdating nila sa Hong Kong.

Ipinasa ang anim na pasahero sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang pagsusuri at kaukulang tulong.

Nagbabala naman si Immigration Commissioner Joel Anthony M. Viado laban sa mga mapanlinlang na alok ng trabaho sa ibang bansa at hinimok ang mga naghahanap ng trabaho na tiyakin muna ang pagiging lehitimo ng employer, recruitment agency at mga dokumento bago magbayad o mag-ayos ng kanilang paglalakbay. (Gene Adsuara)

On the Solemnity of Christ the King, let us deepen our love for Jesus in the Holy Eucharist and grow together in faith.

Posted on: November 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Join us in our Eucharistic Conference on Saturday, Nov 21, 2026 at The Lord’s Flock Heritage Worship and Spiritual Formation Center.

Registration starts at 12:00 PM, and the program begins at 1:00 PM. 

Come with an open heart, invite your family and friends, and let us encounter Christ more deeply in the Eucharist. 🙏

Happening at #5 Catanduanes St (near cor. of West Ave. & Del Monte Ave.), Q.C.

This is OPEN TO ALL and is for FREE. 

For more details, you may call 8376-5780 or visit the FB Page: The Lords Flock Catholic Charismatic Community 

Task Force Night Watch, palalakasin ng NPD sa CAMANAVA

Posted on: November 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PALALAKASIN ng Northern Police District (NPD) ang inisyatibo sa kanilang mga operasyon sa pagmamanman sa gabi sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Night Watch Guidelines and Procedures sa (CaMaNaVa) Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Inutusan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili ang lahat ng Assistant Chiefs of Police for Operations (ACOPOs) ang mga Police Station sa CAMANAVA na personal na magsagawa ng pang-araw-araw na random at hindi inaasahang inspeksyon upang matiyak ang pagiging alerto, pananagutan, at kahandaan sa operasyon ng mga tauhan ng pulisya sa kanilang mga tungkulin sa gabi habang pinapanatili ang epektibong pag-deploy at mabilis na paghahatid ng de-kalidad na serbisyo ng kapulisan.

Sa ilalim ng mga alituntunin, ang mga ACOPO ay inaatasan na personal na magsagawa ng pang-araw-araw na random at hindi inaasahang Night Watch inspections na sumasaklaw sa mga itinalagang yunit ng pulisya, mga posisyon, pasilidad, at mga operasyon sa kanilang mga nasasakupang lugar ng responsibilidad.

Nakatuon ang inspeksyon sa pag-verify ng presensya at pagiging alerto ng mga tauhan, pag-check ng pagsunod sa mga tungkulin, mga operational na pamamaraan, at pagtukoy sa mga alalahanin na maaaring makaapekto sa tugon ng pulisya at paghahatid ng serbisyo, partikular sa gabi.

Sa pamamagitan ng regular na pagmamanman at mga on-the-spot na inspeksyon, layunin ng NPD na palakasin ang disiplina, patatagin ang pananagutan, at tiyakin na ang mga tauhan ng pulisya ay mananatiling mapagbantay, tumutugon, at handang magbigay ng agarang tulong kapag kinakailangan.

Ang nasabing inisyatibo ay pagpapakita ng patuloy na pangako ng distrito na mapanatili ang matatag na presensya ng pulisya, mapabuti ang kahusayan sa operasyon, at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga komunidad sa buong CAMANAVA, araw at gabi. (Richard Mesa)

Pax Silica signing, hindi kasama sa biyahe ni Trump

Posted on: November 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI pipirmahan ang kasunduan sa ilalim ng Pax Silica initiative sa pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas.

Kinumpirma ito nina Marcos at Lipton sa Malacañang habang isinasagawa ang bilateral meetings ng dalawang lider.

“There is no signing,” tugon ni Lipton nang matanong tungkol sa kasunduan.

Nilinaw naman ni Marcos na hindi kasama sa programa ng pagbisita ni Trump ang paglagda sa naturang kasunduan.

“No, no, they… No, not on this trip. We are not covering that on this trip. Thank you very much,” ani Marcos.

Ang Pax Silica ay isang inisyatiba ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang mga supply chain para sa mahahalagang mineral, semiconductors at iba pang strategic technologies.

Gayunman, umani ito ng pagtutol mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga environmental advocates, magsasaka, civil society organizations at mga katutubo.

Kabilang sa mga pangamba ng mga kritiko ang posibleng epekto ng mga proyektong kaugnay ng inisyatiba sa kapaligiran, mga lupang ninuno at kabuhayan ng mga lokal na komunidad.

Ads November 19, 2026

Posted on: November 19th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments