• November 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pax Silica signing, hindi kasama sa biyahe ni Trump

HINDI pipirmahan ang kasunduan sa ilalim ng Pax Silica initiative sa pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas.

Kinumpirma ito nina Marcos at Lipton sa Malacañang habang isinasagawa ang bilateral meetings ng dalawang lider.

“There is no signing,” tugon ni Lipton nang matanong tungkol sa kasunduan.

Nilinaw naman ni Marcos na hindi kasama sa programa ng pagbisita ni Trump ang paglagda sa naturang kasunduan.

“No, no, they… No, not on this trip. We are not covering that on this trip. Thank you very much,” ani Marcos.

Ang Pax Silica ay isang inisyatiba ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang mga supply chain para sa mahahalagang mineral, semiconductors at iba pang strategic technologies.

Gayunman, umani ito ng pagtutol mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga environmental advocates, magsasaka, civil society organizations at mga katutubo.

Kabilang sa mga pangamba ng mga kritiko ang posibleng epekto ng mga proyektong kaugnay ng inisyatiba sa kapaligiran, mga lupang ninuno at kabuhayan ng mga lokal na komunidad.