• October 13, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 13th, 2026

CALOOCAN LGU, PINALAKAS ANG MENTAL HEALTH SERVICES 

Posted on: October 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAG-AALOK na ngayon ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng libreng mental health screening at konsultasyon para sa mga residente nito sa pamamagitan ng Caloocan City Calm Space, isang mental wellness lounge na nagsisilbing kanlungan para sa mga nais mag-relax, maglinis ng isipan, magbahagi ng kanilang mga saloobin, at humingi ng tulong mula sa mga eksperto sa mental health.

Bukod sa mga nabanggit na serbisyo, nag-aalok din ang Caloocan City Calm Space ng mga libreng sesyon ng yoga, tai-chi exercise, at sound healing.

Hinihikayat ni Mayor Along Malapitan ang lahat na samantalahin ang mga libreng serbisyo ng Caloocan City Calm Space, na naglalayong tumugon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga mamamayan, kabilang na ang mga hamon sa makabagong panahon na nakaaapekto sa mental health at kagalingan.

“In observance of the Mental Health Awareness Month, we are inviting everyone to join the free activities and avail the free services from our newly opened facility. Our Calm Space has specialists that are willing to listen and provide guidance, especially to those who are under emotional and psychological distress,” ani Mayor Along.

Naniniwala rin ang alkalde na ang mga serbisyong ito ay napapanahong tugon sa mga mahahalagang isyung kinakaharap sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na nakaaapekto sa iba’t ibang sektor, lalo na sa mga kabataan.

Matatagpuan ang Caloocan City Calm Space sa ika-limang palapag ng Caloocan City Hall – South at bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Ang mga nagnanais bumisita ay maaaring mag-iskedyul sa pamamagitan ng email na calmspace2.chd@gmail.com, o tumawag sa mga sumusunod na numero: 0949-943-4669/0949-963-6418/ 0949-959-7897/0949-986-1907. 

(Richard Mesa)

2 durugista, tiklo sa sugal at pot session sa Valenzuela 

Posted on: October 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities nang maaktuhan nagsusugal at gumagamit umano ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento sa Casa Rival Northville 1, Brgy. Bignay nang maaktuhan nila ang tatlong individuals na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa harap ng NHA Building alas-9:15 ng gabi.

Kaagad silang nilapitan nina P/MSgt. Conge at PSSg Herrera saka nagpakilala bilang mga pulis na nakatalaga sa Police Sub-Station 7 bago inaresto ang mga ito.

Nakumpiska sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasamsam umano sa factory worker na si alyas Jericho, 29, ng Brgy. Bignay.

Pasado alas-3:20 ng madaling araw nang mahuli sa akto ng mga operatiba ng Police Sub-Station 1 si alyas “Kenet”, 36, na gumagamit umano ng shabu sa isang abandonadong bahay sa F. Santiago St., Brgy., Parada.

Nasamsam sa kanya nina PCpl Laredo at Pat Valencia ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias.

Nahaharap sina ‘Jericho’ at ‘Kenet’ sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

GAMITAN NG PUNTOD ONLINE FINDER ANG PUNTOD NG YUMAO

Posted on: October 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAYUHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na gamitin ang Puntod Online Finder upang madaling maghanap ang puntod ng yumao nilang mahal sa buhay.

Karamihan kasi sa mga puntod ay matagal na ring hindi nabibisita kaya hinikayat ng Manila LGU ang publiko na hanapin ito sa pamamagitan ng nasabing online finder kapag sila ay malilinis bago ang Undas 2026 o kaya sa kanilang pagbisita sa sementeryo sa Nobyembre 1.

Payo ng lokal na pamahalaan na Maynila na mas maiging gamitin ang puntod online finder lalo na’t malawak ang manila north cemetery gayundin ang manila south cemetery sa Makati.

Kailangan lamag mag-log in sa manilanorthcemetery.ph at manilasouthcemetery.com.

Kaugnay nito muling pinapaalalahanan ng Manila LGU ang lahat na maging maingat sa pagdalaw at ugaliing panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga sementeryo. (Gene Adsuara)

DOTr, PATULOY ANG PAGKALAP NG PONDO PARA SA KARAGDAGANG TREN SA LRT-2

Posted on: October 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

GUMAGAWA ang Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) ng mga hakbang upang makalikom ng pondo at makabili ng karagdagang trainsets para sa LRT-2. Pero dahil inaasahang aabutin ng tatlong taon o higit pa bago dumating ang mga bagong tren, naghahanap ang DOTR ng mga alternatibong paraan para umayos ang sitwasyon at mabawasan ang pila ng mga pasahero sa istasyon.

Ito’y alinsunod sa utos ng Pangulo na tiyaking maayos, ligtas at tuloy-tuloy pa rin ang biyahe ng mga pasahero.

Sa ngayon, walong tren lamang ang naka-deploy dahil ang isang bagon ay sumasailalim sa Train Operating Control Panel upgrade habang ang isa naman ay kinukumpuni pa rin. Kasabay nito, patuloy ang pagdami ng bilang ng mga pasaherong sumasakay sa LRT-2.

Bilang agarang solusyon at habang hinihintay ang pondong magagamit sa pagbili ng mga bagong tren, ipinag-utos ni Transportation Secretary Banoy Lopez sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at LRTA na pag-aralan ang pag-iisyu ng special permits sa mga Public Utility Buses (PUBs) para mabigyan ng alternatibong masasakyan ang mga pasahero.

“Patuloy po ang paghahanap namin ng pondo para sa kailangang dagdag na tren para sa LRT-2. Kailangan na rin pong ma-upgrade ang iba nating tren. Pero habang ina-ayos po natin ito, naghahanap po tayo ng ibang paraan para maibsan ang pila sa mga istasyon at matulungan ang ating mga komyuter. Inatasan po natin ang LTFRB at LRTA na mag-coordinate para sa panukalang pag-i-isyu ng special permits sa mga bus nang sa gayo’y may alternatibong masakyan ang ating mga pasahero habang tinutugunan natin ang kakulangan sa bilang ng tren,” ani Sec. Lopez.

Inutusan ng Kalihim ang LTFRB at LRTA na tingnan at pag-aralan ang pag-i-isyu ng special permits sa mga bus na bibyahe sa ruta ng LRT-2 mula Antipolo Station hanggang Recto Station at pabalik, na may designated stopping points sa mga istasyon ng LRT-2. 

Pag-aaralan din sa naturang panukala na PUB service ang operational arrangements, pagsunod pa rin sa mga umiiral na franchising at regulatory requirements, at ang halaga ng pamasahe na sisingilin sa mga pasahero.

Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng alternatibong masasakyan ang mga komyuter at mabawasan ang siksikan sa mga istasyon ng LRT-2, lalo na tuwing peak hours. (PAUL JOHN REYES)

SHORT CUT SA SALIGANG BATAS PARA SA NO ELECTION SA 2028?

Posted on: October 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SIX years ang termino ng Presidente at Bise Presidente. Malinaw ito sa Saligang Batas

(Art 7 sec. 4).

Para magkaroon ng amendment o revision sa Konstitusyon, dapat proposed ng Kongreso upon a vote of three fourths of all its members o kaya constitutional convention. Pero kailangan din ma-ratify ng majority of the votes cast sa isang plebiscite. ( Art. XVII)

So mahirap para sa mga nais ng no election at extension of term ng Presidente para makapag BENDA LAW?

Pero may SHORT CUT pala?

At BATAS lang ang kailangan para magawa ng mga BENDA LAW legislators na ma extend ang termino ng Presidente TULAD NG GINAWA NILA SA BARANGAY AT SK OFFICIALS.

Kongreso ang taga balangkas ng batas. Kaya pag sa Konstitusyon may nakalagay AS PROVIDED FOR BY LAW — Ibig sabihin ay as provided ng batas na ginawa ng kongreso at pinirmahan ng presidente. 

Ito :yun mga constitutional provisions na non executory without an implementing law.

So nasan yun SHORT CUT?

Art VII sec. 4 third paragraph:

UNLESS OTHERWISE PROVIDED BY LAW, the regular election for President and Vice President shall be held on the second Monday of May.

Ang susunod na presidential elections ay sa MAY 8, 2028. PERO pag nag BENDA LAW ang mga Congressmen AT GUMAWA NG BATAS PARA MABAGO ANG DATE NG ELECTION TULAD NG GINAWA SA BSKE AT PINIRMAHAN NG PRESIDENTE RESULTA – NO ELECTIONS.

Pero ma extend ang term nila beyond six years? 

SABI NGA NG SOLICITOR GENERAL INCIDENTAL LANG YUN SA FIXING THE TERM . So incidental lang sa pagbago ng date ng election.

Magagawa ba nila ito? Kung hahayaan ng taong bayan ay mangyayari ito.

Pipirmahan kaya ni BBM?

Pero makakasama sa extension ang Vice President?

Convict muna si VP SARA pumalit ang iba at tuloy ang ligaya.

Pag-acquitted si VP SARA , idemanda ng plunder ipakulong at kahit bise pa siya ay PRESIDENTE PA RIN SI BBM.

Pero ang mas delikado ay maari ng gawin yan sa mga susunod na panahon lalo na mga BENDA LAW ang mga nasa Kongreso. ( ATTY. ARIEL INTON)

2027 logo ng Pista ng Itim na Nazareno isinapubliko ng Quiapo Church

Posted on: October 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINAPUBLIKO na ng Quiapo Church sa kanilang Facebook page ang magiging opisyal na logo para sa Pista ng Itim na Poong Nazareno sa Enero 2027.

May temang “Tuwirin Ninyo ang daraanan ng Panginoon,” na base sa Juan 1:23 ng banal na Bibliya, makikita sa opisyal na logo ang Itim na Nazareno, si San Juan Bautista na may hawak na tungkod, ang simbahan ng Quiapo, at ang lubid na ginagamit sa Traslacion.

Sa naturang paskil, sinabi rin ng Quiapo church na ang larawan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa logo ay imbitasyon sa bawat deboto na ipagpatuloy ang paglakad sa daan ng pananampa­lataya. Nakalagay rin naman si San Juan Bautista bilang ‘tagapagpauna ng Panginoon.”

Ang simbahan naman anila ang sumisimbolo sa mga korporal at espiritwal na gawain ng awa. Ito anila ang nagpapakita ng ating mga responsibilidad at ginagawa sa lipunan at simbahan upang tuluyang maituwid ang ating buhay para kay Kristo.

Samantala, ang lubid naman anila ang nagpapaalala sa ating panawagan bilang mga deboto na ituwid ang mga ‘buhul-buhol’ o baluktot na landas sa ating buhay.

Kabilang sa mga pa­ngunahing aktibidad sa pista ay ang Traslacion.