Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NAKATUON ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapaunlad ng sports sa bansa at pagsuporta sa mga atletang Pilipino, ayon sa isang opisyal ng Malakanyang, araw ng Biyernes.
Sa press briefing sa Orchard Hotel Singapore, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagtutulungan ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, gaya ng Philippine Sports Commission at PAGCOR, at ang pribadong sektor upang itaguyod ang kapakanan ng mga atletang Pilipino.
Kabilang sa mga pangunahing pasilidad na matatapos ang Ilocos Norte Sports Institute and Research Building, na maglalaman ng mga pasilidad para sa pagsasanay sa bowling, gymnastics, badminton, sepak takraw, at iba pang sports.
Pinabibilis din ang pagpapaunlad sa General Luna Convention Center sa Siargao, na nakatuon sa water sports at magkakaroon ng akademya para sa pagsasanay sa water sports kagaya ng surfing, coastal rowing, beach sprints, at dragon boat racing.
Mayroon ding iba pang proyekto, gaya ng mas malawak na Siargao Sports Complex, kung saan itatayo naman ang mga facilities para sa basketball, volleyball, badminton, rubberized track oval, dormitoryo para sa mga atleta, at convention center.
Sa Mindanao, itatayo ang Zamboanga City Sports Complex na magsisilbing regional training center para sa pagsasanay ng mga atleta sa Zamboanga Peninsula.
Sa Luzon naman, magtatayo ng athletic bowl sa Baguio City na magsisilbing regional training center para sa pagsasanay ng mga atleta sa Cordillera.
“Marami pang proyekto ang nais ng Pangulo na matapos. At ang nais ng Pangulo ay talagang world-class ang mga ito,” ani Castro. “Mga proyektong hindi mapipintasan at hindi maaaring pagmulan ng mga kickback para sa mga taong nagbabalak gumawa ng mga anomalya.”
(DARIS JOSE)
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng tig-isang portable water pump sa 33 barangay ng Valenzuela upang makatulong para mas mapabilis ang pagtugon sa pagbaha sa bawat barangay.
Kasabay nito, nakipagpulong din po ang Pamahalaang Lungsod sa Liga ng mga Barangay upang talakayin ang kanilang mga hinaing at pangangailangan.
Ayon kay Mayor Gatchalian, tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan upang mapalakas ang kahandaan ng bawat barangay.
Sa tulong aniya ng mga portable water pump, mas mapapabilis ang pag-alis ng naipong tubig sa mga binabahang lugar at pagtugon sa pagbaha para sa bawat Pamilyang Valenzuelanos. (Richard Mesa)
WINELCOME ng Malakanyang ang naging pagpapasya ng International Criminal Court (ICC) na na nagdedeklara na ‘fit’ si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na humarap sa paglilitis.
Para kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, iyon din naman kasi ang inaasahan ng mga Filipino na malusog na haharap si Digong Duterte sa korte at sagutin ang drug war killings ng kanyang administrasyon.
Si Duterte, nahaharap sa kasong crimes against humanity, ay natuklasan na ‘fit’ para humarap sa paglilitis, araw ng Huwebes sa ICC Trial Chamber III.
“‘Yun naman din po ang nais natin. Unang-una, ang nais lahat ng mga Pilipino ay maging maayos ang kalusugan ng dating Pangulong Duterte — mas maging malakas siya, mas maging malalim ang kaniyang mga pag-iisip para maharap niya ang mga akusasyon na ibinabato sa kaniya,” ang sinabi ni Castro.
Para ma-accommodate ang partisipasyon ni Digong Duterte, ipinag-utos ng Trial Chamber III ang special measures para sa trial, na nakatakdang magsimula sa November 30, 2026.
Ani Castro, “it is only by maintaining good health that the former president can reveal the truth regarding his anti-drug campaign.
Tinuran ni Castro, nang magsasalita na si Digong Duterte, maaaring umamin ito sa nangyaring patayan sa ilalim ng kanyang “alleged drug war.”
“Dahil sa kanyang maging malusog na pangangatawan [at] malusog na pag-iisip, doon lamang niya maaaring isiwalat ang katotohanan. At malamang ay mababanggit niya rin sa hearing kapag panahon na niyang magsalita, ang pag-amin niya sa mga isinagawang planong pagpapatay para sa paglaban di-umano sa droga,” ang litaniya ni Castro.
Bago pa ang third status conference noong September 16, humirit ang defense team ni Digong Duterte sa Chamber na ipag-utos ang karagdagang medical evaluations.
Iginiit ng lead counsel ni Digong Duterte na si Peter Haynes, na makikita sa naunang eksaminasyon ang “significant memory impairment,” dahilan para hindi magawa ng dating Pangulo na mapanatili ang bagong impromasyon o consistently ay maalala ang nakalipas na events.
Sa desisyon nito, inatasan din ng Trial Chamber III ang ICC Registry na “make necessary arrangements” para sa nalalapit na paglilitis.
Ang obserbasyon, inihain noong October 7, hiniling ng Registry sa Chamber na ikonsidera ang its “recommended special measures,” kabilang a ang sitting schedule ng isang one-hour blocks at permitting remote attendance sa pamamagitan ng video link mula sa ICC Detention Center.
( DARIS JOSE)
NANAWAGAN ang Malakanyang kay Vice President Sara Duterte hinggil sa kanyang pagiging “plain arrogance” kaugnay sa Office of the Vice President’s (OVP) confidential funds.
Tinukoy ng Malakanyang ang kakaulangan sa kamalayan ni VP Sara sa nasabing usapin.
Nauna rito, tuluyan nang pinagtibay ng Commission on Audit (COA) ang Notice of Disallowance na nagbabawal sa paggamit ng P73.287 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) para sa panahon ng Disyembre 22 hanggang 31, 2022.
Kaya nagbitiw ng tanong si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kung paano tutugunan ni VP Sara ang desisyon ng COA.
“Ano ulit ang magiging depensa dito? Ayon [kay] Spokes, magtatanga-tangahan. Pero mind you, hindi po galing sa atin iyong word na iyon. Actually, ayaw nating gamitin kaya lang siya iyong nag-bring up, so, gagamitin na lang natin at ito ay mula sa kaniyang sariling bibig,” ani Castro.
Nauna rito, handa ang Office of the Vice President o OVP na gumawa ng kaukulang hakbang matapos pinal na pagtibayin ng Commission on Audit o COA ang disallowance sa paggamit ng confidential funds nito.
Ayon sa OVP, hindi pa nito natatanggap ang kopya ng resolusyon ng COA sa motion for reconsideration kaugnay ng disallowance sa confidential expenses.
Sinabi ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na inaasahan na nila ang naturang desisyon at nakahanda na silang tumugon sa pamamagitan ng naaangkop na legal at institutional channels.
Pinal na pinagtibay ng COA ang disallowance sa ₱73 milyon na confidential funds na inilabas ng OVP noong Disyembre 2022.
Ayon kay Castro “Kung nakita po ng COA na kailangan niyang ibalik ang pondo na ito… lumalabas na hindi tama ang pag-liquidate at maaaring lumabas na nagamit sa iba ang pondo.”
Kaya nga hinikayat ni Castro sa VP Sara na tugunan ang nasabing usapin at tigilan na ang “plain arrogance” kaugnay dito at iba pang usapin lalo n a ang kanyang inaasam na presidential bid sa 2028.
“Iyan ang dapat na ipaliwanag ng Bise Presidente [at] hindi sa pamamagitan ng—again, gamitin ko iyong sinabi ng Spokes—huwag sa pamamagitan na maging magtanga-tangahan o plain ignorance,” ang tinuran ni Castro.
“Iyan na rin po ang napansin ng prosecution, laging nagpapahiwatig na walang alam ang Bise Presidente sa mga isyung katulad nito, na kung ikaw ay nagnanais na maging pangulo ay hindi puwede sa mga isyung ito na wala palaging alam,” dagdag na pahayag nito.
Gayundin, tinanong ni Castro si VP Sara kung pamilyar na siya sa Pax Silica hub at Defense Economy Framework Agreement (DEFA).
Sa isang video na ibinahagi ng OVP sa mga miyembro ng media noong Hulyo, na-caught off guard kasi si VP Sara nang hingan ng komento ukol sa Pax Silica hub, ang naging tugon nito ay “no comment.” ( DARIS JOSE)
NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matiyak na hindi maaabala ang publiko sa pagpapatupad ng pinalawak na No-Contact Apprehension Policy (NCAP) sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Sa press briefing sa Singapore, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nakikipag-ugnayan na si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Don Artes sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga patakaran sa trapiko sa EDSA, Roxas Boulevard, Commonwealth Avenue at Ortigas Avenue.
Ayon kay Castro, kailangang ayusin ang mga posibleng teknikal na problema at maiwasan ang pagkalito sa implementasyon ng NCAP upang hindi maapektuhan ang mga motorista.
“Maiaayos na kung anuman ang gusot dito, kung magkaroon ng mga technical issues dito. Maaayos naman ito. Ang nais ng Pangulo, ang laging utos ng Pangulo, hindi dapat magdusa ang ating mga kababayan sa mga isyung kaya namang iresolba,” ayon kay Castro.
Makikipag-ugnayan din ang mga lokal na pamahalaan sa MMDA sa paglalagay ng mga kamera upang maiwasan ang pagsasapawan ng mga ito sakaling maglagay din ang ahensiya ng kaparehong kagamitan.
Ipinagpatuloy ang pagpapatupad ng NCAP sa mga piling lungsod sa Metro Manila noong Oktubre 5, matapos alisin ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) laban dito. ( DARIS JOSE)
Isa sa mga pangunahing tinalakay sa forum ay ang patuloy na problema sa Laguna Lake at ang mga hakbang upang ito ay maisalba. Ayon kay Cong. Armand Dimaguila, layunin ng bagong balangkas na batas na maisakatuparan ang malawakang dredging o pag-aalis ng makapal na burak sa lawa upang maibalik ang sigla at linis nito.
Sa pamamagitan ng Legishear, inaasahang magiging mas mulat at aktibo ang mga mamamayan sa bawat hakbang ng lehislatura—mula sa pagtukoy ng problema, paghahain ng bill, mga pagbasa at debate sa Kongreso at Senado, hanggang sa tuluyang pagsasabatas at implementasyon nito para sa kapakanan ng buong Laguna.
(Yvonne Bagang/ Kim Bornella/ Jeremiah Solomon and Boy Morales Sr.)
LALAWIGAN NG LAGUNA — Binigyang-diin ng mga lider ng pamahalaan at lokal na opisyal ang kahalagahan ng pakikilahok ng publiko sa paggawa ng batas sa idinaos na “Legishear” sa lalawigan, na pangunahing naglalayong solusyunan ang mga usaping pangkalikasan at balangkasin ang mga panibagong panukalang batas para sa ikagaganda ng rehiyon, partikular na ang rehabilitasyon ng Laguna Lake na may temang ” Bawat Batas Mahalaga” .
Ang kaganapang ito ay naglalayong dalhin ang proseso ng pagbabalangkas ng batas (anatomy of bills) palapit sa mga mamamayan upang masigurong ang mga naisumiteng panukala ay direktang tutugon sa mga suliranin sa edukasyon, kalusugan, kapayapaan at kaayusan, at kalikasan.
Pinangunahan ang programa ng mga lokal na mambabatas ng Laguna sa pangunguna nina Speaker of the House Cong. Bodjie Dy at Senior Deputy Leader Ferdinand Hernandez, kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang distrito ng lalawigan: Congw. Anne Matibag (Unang Distrito), Cong. Ramil Hernandez (Ikalawang Distrito), Cong. Amben Amante (Ikatlong Distrito), Cong. Benjie Agarao (Ikaapat na Distrito), Cong. Armand Dimaguila (Biñan), Cong. Roy Gonzales (Sta. Rosa), at Cong. Cha Hernandez (Calamba).
Nagpahayag din ng buong suporta sina Laguna Gov. Marisol Aragones, Vice Gov. Atty. JM Carait, at National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag.
Dumalo rin sa pagtitipon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna nina Bokal Angelika Jones Alarva at Bokal Arvin Manguiat, gayundin ang mga alkalde ng mga lungsod at bayan na pinangunahan ni Mayor Vener Munoz ng Rizal, Pangulo ng Liga ng mga Munisipalidad sa Laguna, kasama sina Mayor Arlene Arcillas (Sta. Rosa), Mayor Ross Rizal (Calamba).
QUEZON CITY – Sa ginanap na Saturday News Forum noong ika-10 ng Oktubre 2026, ibinahagi nina Rep. Gerville Luistro ng Batangas, Tagapangulo ng House Prosecution Team sa Paglilitis sa Pagpapatalsik kay Bise Presidente Sara Duterte sa Senado, at dating Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao, na siyang Tagapagsalita ng House Impeachment Panel, ang mga pinakabagong pag-unlad sa nasabing paglilitis.
Matapos magpasya ang panig ng akusasyon na ibaba na ang paratang ng panunuhol laban kay Bise Presidente Duterte, at matapos na ring makapagpatotoo ang lahat ng mga saksi para sa isyu ng hindi maipaliwanag na yaman, inaasahang malapit nang magtapos ang paglilitis na ito. (SER MORALES Sr.)