• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGLILINIS SA LAGUNA LAKE AT KALIGTASAN NG KALIKASAN, KASAMA ANG PAGBALANGKAS NG MGA PANIBAGONG BATAS NAGING SENTRO SA ISINAGAWANG LEGISHEAR

LALAWIGAN NG LAGUNA — Binigyang-diin ng mga lider ng pamahalaan at lokal na opisyal ang kahalagahan ng pakikilahok ng publiko sa paggawa ng batas sa idinaos na “Legishear” sa lalawigan, na pangunahing naglalayong solusyunan ang mga usaping pangkalikasan at balangkasin ang mga panibagong panukalang batas para sa ikagaganda ng rehiyon, partikular na ang rehabilitasyon ng Laguna Lake na may temang ” Bawat Batas Mahalaga” .

Ang kaganapang ito ay naglalayong dalhin ang proseso ng pagbabalangkas ng batas (anatomy of bills) palapit sa mga mamamayan upang masigurong ang mga naisumiteng panukala ay direktang tutugon sa mga suliranin sa edukasyon, kalusugan, kapayapaan at kaayusan, at kalikasan.

Pinangunahan ang programa ng mga lokal na mambabatas ng Laguna sa pangunguna nina Speaker of the House Cong. Bodjie Dy at Senior Deputy Leader Ferdinand Hernandez, kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang distrito ng lalawigan: Congw. Anne Matibag (Unang Distrito), Cong. Ramil Hernandez (Ikalawang Distrito), Cong. Amben Amante (Ikatlong Distrito), Cong. Benjie Agarao (Ikaapat na Distrito), Cong. Armand Dimaguila (Biñan), Cong. Roy Gonzales (Sta. Rosa), at Cong. Cha Hernandez (Calamba).

Nagpahayag din ng buong suporta sina Laguna Gov. Marisol Aragones, Vice Gov. Atty. JM Carait, at National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag.

Dumalo rin sa pagtitipon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna nina Bokal Angelika Jones Alarva at Bokal Arvin Manguiat, gayundin ang mga alkalde ng mga lungsod at bayan na pinangunahan ni Mayor Vener Munoz ng Rizal, Pangulo ng Liga ng mga Munisipalidad sa Laguna, kasama sina Mayor Arlene Arcillas (Sta. Rosa), Mayor Ross Rizal (Calamba).