• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela LGU, namahagi ng portable water pumps sa 33 barangay

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng tig-isang portable water pump sa 33 barangay ng Valenzuela upang makatulong para mas mapabilis ang pagtugon sa pagbaha sa bawat barangay.

Kasabay nito, nakipagpulong din po ang Pamahalaang Lungsod sa Liga ng mga Barangay upang talakayin ang kanilang mga hinaing at pangangailangan.

Ayon kay Mayor Gatchalian, tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan upang mapalakas ang kahandaan ng bawat barangay.

Sa tulong aniya ng mga portable water pump, mas mapapabilis ang pag-alis ng naipong tubig sa mga binabahang lugar at pagtugon sa pagbaha para sa bawat Pamilyang Valenzuelanos. (Richard Mesa)