• October 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

IBA’T IBANG SAMAHAN, NAG-RALLY PARA SA WEST PHILIPPINE SEA SA ARAW NG MGA BAYANI

Posted on: September 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGSAGAWA ng lightning rally sa harap ng Embahada ng China sa Makati ngayong Araw ng mga Bayani August 31, 2026 ang iba’t ibang grupong Pilipino, sa pangunguna ng Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, upang kondenahin ang patuloy na pangha-harass at agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea, kabilang ang panawagan nitong alisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Iginiit ng mga grupo na ang BRP Sierra Madre ay simbolo ng kalayaan, soberanya, at mga karapatang pandagat ng Pilipinas. Anila, hindi ito dapat alisin sa Ayungin Shoal.

“HINDI ITO AALIS. HINDI ITO ISUSUKO,” pahayag ng mga nagprotesta, kasabay ng pagbibigay-pugay sa mga sundalo, Coast Guard, mga opisyal ng pamahalaan, at mga mangingisdang patuloy na naninindigan para sa karapatan ng Pilipinas sa karagatan.

Muling binigyang-diin ng mga grupo na “HINDI CHINA ANG NAGTATAKDA NG ATING KARAPATAN SA DAGAT,” at itinuro ang UNCLOS at July 12, 2016 Arbitral Award bilang mahahalagang batayan ng paninindigan ng Pilipinas sa ilalim ng internasyonal na batas. Nanawagan din sila para sa proteksyon ng mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.

Tampok sa lightning rally ang isang simbolikong pagtatanghal ng water cannoning, na kumakatawan sa mga insidente ng water cannoning at pangha-harass laban sa mga Pilipinong sundalo, Coast Guard, at mangingisda. Matapos ang pagtatanghal, bumangon at sama-samang nanindigan ang mga kalahok, bilang simbolo ng katatagan at tapang ng sambayanang Pilipino.

Sinundan ito ng pagpapalipad ng mga kalapati bilang simbolo ng kapayapaan, at panawagan para sa paggalang sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Binigyang-diin ng mga grupo na ang pagtatanggol sa karapatan ng bansa ay hindi panawagan para sa digmaan, kundi para sa kapayapaang nakabatay sa batas, dignidad, at paggalang sa karapatan ng bawat bansa.

“HINDI TAYO PAPAYAG. HINDI TAYO MANANAHIMIK. HUWAG GAWING NORMAL ANG PAMBUBULLY AT PANGHA-HARASS NG CHINA SA LOOB NG ATING EEZ!”

Nilinaw din ng mga grupo na hindi ito pagkamuhi sa mamamayang Tsino o sa lahing Tsino. Ang tinututulan ay ang mga agresibong aksyon na nakaaapekto sa karapatan, kabuhayan, at kaligtasan ng mga Pilipino sa West Philippine Sea.

“Hindi digmaan ang hinihingi namin—kundi paggalang sa batas, proteksyon sa ating mga mangingisda, at kapayapaang may dignidad.” Sa paggunita sa Araw ng mga Bayani, nanawagan ang mga grupo sa mga Pilipino na manindigan, at patuloy na ipagtanggol ang ating soberanya at mga karapatan sa karagatan. (PAUL JOHN REYES)

Algorithm ng social media, panganib sa kabataan – Solon

Posted on: September 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGBABALA si Las Piñas Lone District Rep. Mark Anthony Santos na maaaring mailantad ang mga bata at kabataan sa illegal at mapanganib na content dahil sa mas sopistikadong algorithm ng mga social media platform.

Ayon kay Santos, awtomatikong nagrerekomenda ang mga algorithm ng content batay sa online activity, interes, at pakikipag-ugnayan ng mga user, kaya posibleng makita ng mga menor-de-edad ang mga materyal na hindi naman nila aktibong hinahanap.

Kabilang sa mga posibleng lumabas na content ang may kaugnayan sa ilegal na droga, sugal, pornograpiya, karahasan, at pananakit sa sarili.

Sinabi ni Santos na hindi natutukoy ng algorithm kung ang isang user ay simpleng mausisa lamang o mada­ling maimpluwensyahan, kaya maaaring paulit-ulit na maipakita sa mga bata ang kaparehong mapa­nganib na materyal.

Binigyang-diin ng mambabatas na dapat palawakin ng pamahalaan ang kampanya kontra ­ilegal na droga sa digital environment.

Punum-puno ng tapang ang banat sa mga sangkot..DENNIS, kinamusta ang mga nagnakaw sa flood control projects (ni: ROHN ROMULO)  

Posted on: September 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PUNUM-PUNO ng tapang at banat ang post ni Kapuso Drama King Dennis Trillo laban sa mga politiko at personalidad na sangkot sa mga maanomalyang flood control projects sa bansa.

Di nga napigilan na maglabas ng saloobin ang hubby ni Jennylyn Mercado dahil sa patuloy na malawakang pagbaha sa iba’t ibang lugar ng bansa, kabilang na ang kalakhang Metro Manila. 

“Kamusta na kaya yung mga nagnakaw sa mga flood control projects?” ang patutsada ng premyadong aktor sa mga corrupt government officials. 

Gamit ang hashtag na, “#Never Forget.”

Bumaha naman ng libu-libong komento mula sa netizens ang hugot FB post ni Dennis at ilan dito… 

“Masarap ang tulog, masarap ang kinakain, maganda ang mga suot nilang damit, nasa magagarang mansyon.”

“Ayun masarap ang tulog dahil malamig daw ang panahon dipa malunod sa baha eh ng makarandam Lol.”

“Chill lang cla habang nakataas ang paa n nanonood ng Netflix… Yung iba nga my pa-concert pa. “

“Pakape kape prenteng nakaupo habang nanonood.”

“Nakapag-abroad na at nakabili ng mga ari-arian na.”

“ANG DAMI NG NEGOSYO AT PANAY TRAVEL PA YUNG IBA PANAY SABONG PA.”

“Ang sarap ng tulog ng mga Buwaya…busog na busog.”

“Ayun nasa kwarto lng nila naka aircon nagmomovie marathon tpos oorder ng masarap n pagkain sa grab tpos shot ng wine.”

“Sa tuwing umuulan at bumabaha, muling nanunumbalik sa alaala ng mga tao na hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring big fish o sangkot na politikong nakukulong dito.”

“Ang tinatawag na flood control project scam sa Pilipinas ay tumutukoy sa malawakang imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa paggamit ng pondo para sa mga proyektong pangontra sa baha—kabilang ang mga proyektong sinasabing ghost projects, substandard, overpriced, o hindi talaga nakatulong sa pagbaha.”

“Sana ‘di na sila humihinga ngayon!! Kylie Padilla Amihan pakibawian sila ng hininga, please!”

Two months lang ang usapan bilang co-host ng EB… BIMBY, priority pa rin ang pag-aalaga kay KRIS at sa kanyang pag-aaral (ni: REY PINEDA) 

Posted on: September 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

GAANO katotoo ang balitang sapilitang tinanggal ng pamunuan ng Eat Bulaga si Bimby Aquino bilang isa sa mga host ng longest-running noontime variety show sa bansa? 

Umugong ang balitang nagkaroon diumano ng engkuwentro sa pagitan nina Joey de Leon at Kris Aquino sa likod ng kamera.  

Dahilan daw ito upang tuluyang paalisin ang mag-ina matapos ang halos dalawang buwan na pagco-host ni Bimby.

Ganun daw kasi ka-powerful si Joey sa nabanggit na show.   

Sina Tito, Vic at Joey nga raw ang halos nagdedesisyon sa show.

Ganito rin kaya ang nangyari sa hosting career nina Atasha Muhlach at Julia Barretto?

Wala rin daw kasing naidadagdag para lalung mapasigla ang “Eat Bulaga.”

Kung kaya’t tsinugi rin ang mga ito.

Ang mga ito ay puros alegasyon lamang.  Walang makapagsabi kung totoo ang mga sapantahang ito ng mga kritiko. 

Ang totoo raw ay talagang nagsilbing training ground ni Bimby ang pagko-host. Usapan daw talaga na dalawang buwan lamang ito magiging co-host.

Kamakailan lang ay naglabasan ang mga photos nina Kris Bimby at ilang taga-ABS-CBN para sa isang meeting.

Hindi pa rin matukoy kung ano ang meeting na naganap sa pagitan ni Kris at mga taga kabilang istasyon.

May mga nagsabing papasukin daw ni Bimby ang music industry kung kaya’t kasama si Jonathan Manalo sa nasabing photo.

Si Jonathan ay isang songwriter at music producer. siya rin ang creative director ng ABS-CBN Music. Nagsilbi rin itong composer ng iba’t ibang theme song ng mga programa ng nasabing istasyon.

Maballik tayo kay Bimby, isa sa mga totoong balita ay gusto pa rin ituloy ni Bimby ang kanyang pag-aaral. 

Bukod dito, ayaw raw nitong maokupa nang husto ang kanyang schedule dahil makakasagabal iyon sa pag-aalaga sa kanyang ina. 

Malambing at mapagmahal daw kasi itong si Bimby at sobrang attached kay Kris.

***                                                           KAMAKAILAN lang ay ibinunyag na ni Gee Canlas ang madilim niyang kahapon sa piling ng kanyang dating asawang si Archie Alemania.

Ayon kay Gee, dumanas siya ng sobrang hirap physically at mentally sa piling nito.

Nandiyan daw yung hampasin siya ng tumbler sa may gilid ng tainga.

Binanggit din nitong nabalian siya ng dalawang ribs sanhi ng kanilang pag-aaway. 

Hindi nga lang daw verbal abuse ang inabot nito sobrang pisikal na daw.

Dahilan daw iyon upang lumipat sila ng bahay at tumira sa dati nitong bahay kasama ang kanyang mga magulang.

Marami pang claims si Gee laban kay Archie.  At lahat daw ng claims nito ay mayroon siyang ebidensiya. 

Marami rin ang nagtatanong bakit niya hinayaan?

Bakit nagtagal ng ilang taon ang kanilang pagsasama? 

At kung nakatira sila sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi ba naririnig ng mga ito sa tuwing magaaway sila?

Sa mga interviews daw ni Archie, pinalilitaw nitong devoted husband siya at loyal.

Huli na rin daw ng malaman ni Gee na may ibang babae raw itong kinahuhumalingan.

Kung totoo ang mga paratang ni Gee laban dito kay Archie, kaaawa-awa naman ito.

Sa sobra sigurong pagmamahal sa asawa ay nakuha nitong magtiyaga at magsakripisyo para lang huwag masira ang kanilang pagsasama.

Kaya lang di ba’t ang salop ng bigas kapag sobra na, hindi ba dapat ay kalusin na.

Bakit pinatagal pa niya?

Dahil sa pagpapa-sexy ng dating Kapuso sa VMX…ANGEL, tahasang inamin na naiilang na kasama sa ‘My Bespren Emman’ (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: September 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DATING Kapuso, Kapatid na ngayon ang VMX number 1 female star na si Angel Castro na noon ay Claire Castro sa GMA.

Lumabas dati si Angel sa GMA sa seryeng Makiling noong 2024. At ngayon namang 2026 ay sa “My Bespren Emman” ng TV5 mapapanood ang dalaga.

Gaganap siya bilang babaeng liligawan ng karakter ni Mike “Pekto” Nacua.

Tahasang inamin ni Angel na naiilang o na-o-awkward-an siya na maging artista ng “My Bespren Emman” dahil isa itong religious program.

“To be honest, nailang po ako kasi, di ba, po yung ‘My Bespren Emman’ is a religious show?

“I am religious po, but people think kasi na when you are a sexy star, that’s who you really are, which is far from the truth.

“Because to be honest, I’m not really a sexy… I don’t think of myself as a sexy person all the time.

“Actually, when I have to be sexy, I find it very awkward,” pagtatapat ni Angel.

Hindi naman raw porke sexy star siya ay ganoon na rin ang pagkatao niya kahit wala sa harap ng kamera.

“So may tinanong din po ako, ‘Hindi ba magkakaroon ng reaksyon yung mga tao? Bakit may VMX sa ‘My Bespren Emman?’ Because it’s a religious show.

“But you know what, I’m just honored po na naka-work ko po yung mga magagaling na artista dun.

“I know myself, I don’t need to anticipate yung mga magiging reaksyon ng mga tao.”

Sa “Sex Drive” ay mapapanood si Angel kasama sina Apphle Celso, Juan Calma at Benz Sangalang, sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr. at napapanood na ngayon.

Speaking of Benz, sinabi ng tinaguriang VMX King na si Angel ang number 1 na female star ngayon sa VMX.

Ano ang reaksyon ni Angel dito?

“Hindi ko po in-expect. At the same time, in-expect ko. Does that make sense?

“Because Direk Rodante, his films do really well. But at the same time, I do not expect it for myself.”Napakalakas at isang malaking tagumpay ang unang pelikula ni Angel sa VMX, ang “Creampie” ng direktor na si Rodante Pajemna.

Ads September 1, 2026

Posted on: September 1st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments