Punum-puno ng tapang ang banat sa mga sangkot..DENNIS, kinamusta ang mga nagnakaw sa flood control projects (ni: ROHN ROMULO)
- Published on September 1, 2026
- by Francis Paolo Torres
PUNUM-PUNO ng tapang at banat ang post ni Kapuso Drama King Dennis Trillo laban sa mga politiko at personalidad na sangkot sa mga maanomalyang flood control projects sa bansa.
Di nga napigilan na maglabas ng saloobin ang hubby ni Jennylyn Mercado dahil sa patuloy na malawakang pagbaha sa iba’t ibang lugar ng bansa, kabilang na ang kalakhang Metro Manila.
“Kamusta na kaya yung mga nagnakaw sa mga flood control projects?” ang patutsada ng premyadong aktor sa mga corrupt government officials.
Gamit ang hashtag na, “#Never Forget.”
Bumaha naman ng libu-libong komento mula sa netizens ang hugot FB post ni Dennis at ilan dito…
“Masarap ang tulog, masarap ang kinakain, maganda ang mga suot nilang damit, nasa magagarang mansyon.”
“Ayun masarap ang tulog dahil malamig daw ang panahon dipa malunod sa baha eh ng makarandam Lol.”
“Chill lang cla habang nakataas ang paa n nanonood ng Netflix… Yung iba nga my pa-concert pa. “
“Pakape kape prenteng nakaupo habang nanonood.”
“Nakapag-abroad na at nakabili ng mga ari-arian na.”
“ANG DAMI NG NEGOSYO AT PANAY TRAVEL PA YUNG IBA PANAY SABONG PA.”
“Ang sarap ng tulog ng mga Buwaya…busog na busog.”
“Ayun nasa kwarto lng nila naka aircon nagmomovie marathon tpos oorder ng masarap n pagkain sa grab tpos shot ng wine.”
“Sa tuwing umuulan at bumabaha, muling nanunumbalik sa alaala ng mga tao na hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring big fish o sangkot na politikong nakukulong dito.”
“Ang tinatawag na flood control project scam sa Pilipinas ay tumutukoy sa malawakang imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa paggamit ng pondo para sa mga proyektong pangontra sa baha—kabilang ang mga proyektong sinasabing ghost projects, substandard, overpriced, o hindi talaga nakatulong sa pagbaha.”
“Sana ‘di na sila humihinga ngayon!! Kylie Padilla Amihan pakibawian sila ng hininga, please!”