• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Two months lang ang usapan bilang co-host ng EB… BIMBY, priority pa rin ang pag-aalaga kay KRIS at sa kanyang pag-aaral (ni: REY PINEDA) 

GAANO katotoo ang balitang sapilitang tinanggal ng pamunuan ng Eat Bulaga si Bimby Aquino bilang isa sa mga host ng longest-running noontime variety show sa bansa? 

Umugong ang balitang nagkaroon diumano ng engkuwentro sa pagitan nina Joey de Leon at Kris Aquino sa likod ng kamera.  

Dahilan daw ito upang tuluyang paalisin ang mag-ina matapos ang halos dalawang buwan na pagco-host ni Bimby.

Ganun daw kasi ka-powerful si Joey sa nabanggit na show.   

Sina Tito, Vic at Joey nga raw ang halos nagdedesisyon sa show.

Ganito rin kaya ang nangyari sa hosting career nina Atasha Muhlach at Julia Barretto?

Wala rin daw kasing naidadagdag para lalung mapasigla ang “Eat Bulaga.”

Kung kaya’t tsinugi rin ang mga ito.

Ang mga ito ay puros alegasyon lamang.  Walang makapagsabi kung totoo ang mga sapantahang ito ng mga kritiko. 

Ang totoo raw ay talagang nagsilbing training ground ni Bimby ang pagko-host. Usapan daw talaga na dalawang buwan lamang ito magiging co-host.

Kamakailan lang ay naglabasan ang mga photos nina Kris Bimby at ilang taga-ABS-CBN para sa isang meeting.

Hindi pa rin matukoy kung ano ang meeting na naganap sa pagitan ni Kris at mga taga kabilang istasyon.

May mga nagsabing papasukin daw ni Bimby ang music industry kung kaya’t kasama si Jonathan Manalo sa nasabing photo.

Si Jonathan ay isang songwriter at music producer. siya rin ang creative director ng ABS-CBN Music. Nagsilbi rin itong composer ng iba’t ibang theme song ng mga programa ng nasabing istasyon.

Maballik tayo kay Bimby, isa sa mga totoong balita ay gusto pa rin ituloy ni Bimby ang kanyang pag-aaral. 

Bukod dito, ayaw raw nitong maokupa nang husto ang kanyang schedule dahil makakasagabal iyon sa pag-aalaga sa kanyang ina. 

Malambing at mapagmahal daw kasi itong si Bimby at sobrang attached kay Kris.

***                                                           KAMAKAILAN lang ay ibinunyag na ni Gee Canlas ang madilim niyang kahapon sa piling ng kanyang dating asawang si Archie Alemania.

Ayon kay Gee, dumanas siya ng sobrang hirap physically at mentally sa piling nito.

Nandiyan daw yung hampasin siya ng tumbler sa may gilid ng tainga.

Binanggit din nitong nabalian siya ng dalawang ribs sanhi ng kanilang pag-aaway. 

Hindi nga lang daw verbal abuse ang inabot nito sobrang pisikal na daw.

Dahilan daw iyon upang lumipat sila ng bahay at tumira sa dati nitong bahay kasama ang kanyang mga magulang.

Marami pang claims si Gee laban kay Archie.  At lahat daw ng claims nito ay mayroon siyang ebidensiya. 

Marami rin ang nagtatanong bakit niya hinayaan?

Bakit nagtagal ng ilang taon ang kanilang pagsasama? 

At kung nakatira sila sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi ba naririnig ng mga ito sa tuwing magaaway sila?

Sa mga interviews daw ni Archie, pinalilitaw nitong devoted husband siya at loyal.

Huli na rin daw ng malaman ni Gee na may ibang babae raw itong kinahuhumalingan.

Kung totoo ang mga paratang ni Gee laban dito kay Archie, kaaawa-awa naman ito.

Sa sobra sigurong pagmamahal sa asawa ay nakuha nitong magtiyaga at magsakripisyo para lang huwag masira ang kanilang pagsasama.

Kaya lang di ba’t ang salop ng bigas kapag sobra na, hindi ba dapat ay kalusin na.

Bakit pinatagal pa niya?