• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

Bibigyan pa rin ng visitation at practicing rights ang mga doktor…Martin Romualdez, posibleng ilipat sa PNP Camp Crame Hospital

Posted on: September 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATAKDANG maghain ng mosyon para ilipat si dating House Speaker Martin Romualdez mula Cardinal Santos Medical Center papunta sa PNP General Hospital sa Camp Crame, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.

Sinabi ni Remulla sa press briefing nitong Martes, Setyembre 8, na maaaring ihain ang mosyon ngayong araw o bukas.

Ayon kay Remulla, hindi pumapayag ang mga awtoridad na manatili si Romualdez sa Cardinal Santos dahil kaya naman umanong ibigay sa PNP General Hospital ang kinakailangan niyang medical care.

Dagdag ni Remulla, bibigyan pa rin ng visitation at practicing rights ang mga doktor ni Romualdez para patuloy siyang maasikaso sa Camp Crame. 

Samantala, nag-ugat ang pag-aresto sa P7.4-bilyong plunder case na isinampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan kaugnay ng mga umano’y kickback at anomalya sa mga flood control projects mula 2022 hanggang 2025.

Walang inirekomendang piyansa ang Sandiganbayan Third Division para sa kanyang pansamantalang kalayaan dahil ang kasong plunder ay isang non-bailable offense. Naglabas din ang korte ng hold departure order (HDO) laban sa kanya at sa kanyang mga kapwa akusado.

Bukod kina Romualdez at Co, pinaaaresto rin sina Joselyn Tragua Serenio, personal assistant ni Romualdez, at Felicito Cristobal Guevarra, presidente ng Samchan Foreign Exchange Corporation.

Sinabi naman ni Atty. Ade Fajardo, legal counsel ni Romualdez na maaring na-pressure lamang si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan para idawit ang dating House Speaker sa iskandalo.

Hiniling din ng kampo ni Romualdez na magkaroon ng impormasyon sa 28 na bagong witness. ( DARIS JOSE)

Construction worker na tulak, kulong sa higit P.1M shabu sa Caloocan

Posted on: September 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASA mahigit P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang construction worker na sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU-NPD) hinggil sa umano’y pagtutulak ng illegal na droga ng 28-anyos na construction worker kaya isinailalim nila ito sa validation.

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng DDEU-NPD ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA kung saan isa sa mga operatiba ng DDEU ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek.

Nang tanggapin umano ng suspek ang markadong salapi mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-9:12 ng gabi sa Alhuda Street, Barangay 188.

Nasamsam sa suspek ang humigi’t kumulang 17.5 grams ng suspected shabu na ay estimated standard drug price na P119,000.00 at buy bust money.

Ayon sa pulisya, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng inquest proceedings. (Richard Mesa)

LTFRB, ISINUSULONG ANG MAAGANG PAGHAHANDA PARA SA UNDAS

Posted on: September 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGSISIMULA sa Setyembre 21 ang pagtanggap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng aplikasyon para sa Special Permit para sa Undas, bilang paghahanda sa inaasahang pag-uwi ng milyun-milyong Pilipino sa kanilang mga probinsya.

Alinsunod ito sa direktiba ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez na tiyaking sapat, ligtas at komportable ang pampublikong transportasyon para sa mga biyaherong uuwi upang gunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon kay Acting LTFRB Chairman Atty. Greg G. Pua, Jr., tatanggap ng aplikasyon mula Setyembre 21 hanggang Oktubre 2 upang magkaroon ng sapat na panahon ang LTFRB na suriin ang mga dokumento at roadworthiness ng mga unit.

“Taun-taon, malaking bilang ng ating mga kababayan ang bumibiyahe pauwi sa kanilang mga probinsya. Kaya naman, maaga tayong naghahanda upang matiyak ang ligtas at komportableng biyahe nila,” ani Acting Chairman Pua.

“Layunin nating walang pasaherong mai-stranded sa pamamagitan ng sapat na pampasaherong bus at iba pang angkop na pampublikong transportasyon,” dagdag niya.

Ayon kay Acting Chairman Pua, ang bisa ng Special Permit mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 6.

Noong nakaraang taon, mahigit 800 pampasaherong bus ang nabigyan ng Special Permit para sa Undas.

Kabilang sa mga pangunahing requirement ang Official Receipt/Certificate of Registration (OR/CR) ng unit, Valid Personal Accident Insurance, at Personal Passenger Accident Insurance (PPAI). Para sa mga juridical entity, kinakailangan din ang Board Resolution at/o Secretary’s Certificate na nagbibigay-awtorisasyon sa aplikasyon at nagtatalaga ng authorized representative.

Itinakda rin ng LTFRB ang mga sumusunod na kondisyon:

1. 50% lamang ng kabuuang authorized units ng bawat operator sa bawat awtorisadong ruta ang maaaring mag-aplay;

2. Ang unit ay hindi dapat higit 14 na taong gulang mula sa petsa ng pagkakagawa; at

3. Dapat ilahad ang tiyak na address ng mga terminal sa magkabilang dulo ng rutang inaaplayan.

Tiniyak ni Acting Chairman Pua ang patas na pagproseso ng mga aplikasyon, alinsunod sa direktiba ni Secretary Banoy na walang palakasan sa proseso.

Hinimok naman niya ang mga aplikante na i-report sa LTFRB Hotline 1342 at official social media accounts ng ahensya ang sinumang indibidwal o grupong maaaring magsamantala sa proseso ng aplikasyon. (PAUL JOHN REYES)

Leptospirosis, epidemya na sa Maynila

Posted on: September 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITINUTURING nang nasa epidemic condition ang leptospirosis sa Maynila matapos lumampas sa epidemiologic threshold ang mga kaso ng sakit sa lungsod.

Sa kanyang report kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sinabi ni Manila OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla na tumaas sa 3.48% ang attack rate mula sa 1.27% noong nakaraang linggo, indikasyon ng mabilis na pagdami ng mga kaso.

Dahil dito, umabot na sa full capacity ang ilang district hospitals, kabilang ang Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos General Hospital, dahil sa pagdagsa ng mga pasyente.

Nabatid sa datos ng MHD na may 12 bagong kaso ng leptospirosis ang naitala hanggang kahapon, Setyembre 7 kaya umakyat sa 982 ang kabuuang kaso mula Enero 1.

Agad namang inutos ni Domagoso ang pagpapaigting ng kampanya laban sa leptospirosis, kabilang ang information drive at pamamahagi ng libreng doxycycline sa mga posibleng nalantad sa kontaminadong baha.

Magagamit ang libreng doxycycline sa 44 health center at pitong district hospital ng lungsod, ayon sa lokal na pamahalaan.

Muling nagbabala ang MHD sa publiko na iwasang lumusong sa baha, lalo na kung may mga sugat sa katawan, upang maiwasan ang leptospirosis.

Nagbiro pa totoo ang photos nila at hindi AI…ALEX, nagbigay nang update para ipakilala anak na si ISAAC (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: September 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MULING nag-post Alex Gonzaga para magbigay ng update sa baby boy nila ni VM Mikee Morada kasama ang mga larawan.Nagbiro pa ito sa simula ng caption, “Hindi na ’to AI, totoo na ’to hehehe.”

Pagpapatuloy pa ni Alex, “Exactly one month ago, we finally met our baby boy, Isaac Gerard G. Morada. 

“Thank you Jesus, for a successful CS delivery and for giving us our answered prayer, our son Isaac.”

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa pagbabahagi ni Alex kaya million views na ito…

“Happy 1 month Baby Isaac. Congratulations Ms. Alex and VM Mikee. #𝐚𝐧𝐬𝐰𝐞𝐫𝐞𝐝𝐩𝐫𝐚𝐲𝐞𝐫 Abangers ang mga online tita!”

“Galinggg ng circle mo Alex, 1 month na pala nakalipas nung nanganak ka. Kailan lang umere ang Media walang alam na isang bwan na!!””Hi baby you’re so pogi. 

Salamat lord for the gift of life – from Your online ninang hahahah dami mong ninang dto.”

“Nakakaiyak sa saya na para bang bahagi tayo ng pamilya HAHAHA hi online aunties and uncles.”

“Buti pa ito hindi pa-fame ita talaga ang mukha ni baby in public.”

“Finally ma’am ka ng matatawag anak na tita mabait din na mommy.”

“Biglang nag matured look ni alex ano?? Kaya tlaga siguro hindi pa binigay ni lord noon kasi parang bata bataan pa si alex dati malikot, kalog, careless .. ngayon kita nyo biglang naging matured talaga pati the way mag salita sya at kumilos. Finally buo na ang netizen family.”

“Ang galing ISAAC name ni baby then ang story nila parang si Abraham at Sarah na antagal bago nagkaanak. ISAAC means HALAKHAK (Laughter). God is good all the time. 

“Seving sevi yung face card napaka pogeeeee!!!!” 

“Bat ako umiiyak habang naka smile. Randam ko talaga ang pakiramdam ng bagong parents.”

Kinunsinti sa pagpa-fangirl kay Harry Styles…JANINE, kinarga ni JERICHO para makatawid sa`baha sa Hollywood (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: September 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

‘MR. Pogi na, Superman pa!’ yan ang karamihang sinabi sa award-winning actor na si Jericho Rosales dahil sa ginawa niyang pagkarga sa girlfriend na si Janine Gutierrez. 

Umani nga ng libu-libong papuri si Echo nang buhatin niya ang aktres para itawid ito sa baha at hindi mabasa.

Kinaaliwan at pinusuan ng netizens ang mga litrato at video ng celebrity couple na nasa Los Angeles, California para sa Manila International Film Festival.  Na kung saan si Jericho ang nanalong Best Actor para ‘Quezon’.

In-upload sa Instagram ng manager ni Jericho na si Pinky Tady-Angodung ang video na kuha sa Beverly Hills, na nagkaroon ng baha gutter ng street.

“Coz it’s raining in Manila, pati dito sa Hollywood,” caption ni Pinky sa kanyang IG post.

Comments naman ni Janine, “Akala ko tatalon kami patawid eh.”

Ang ilang reaksiyon ng mga netizen…

“Ama namin, nasan yung amin??”

“The more i admire jericho that much..very consistent pagiging gentleman nia…sarap sa feeling ..parang princess nini nmin..luv u both thanks miss.Pinky for capturing that precious moment for us.”

“I knew Echo would do the right thing.”

“10000 pogi points. Guys.. LEARN.”

“Ay ang sweeeeet sanaol talaga hahaha!”

“Disney Princess yan siya!!”

“Sana all Lord pls hahaha!”

“Mabuhay ang bagong kasal.”“Ayan talaga ang tunay na lalake, hindi pa cute… superman.”“Love this couple.”“Sobrang mahal na mahal ni Echo si Janine nakakatuwa, kaya naman proud na proud ang mommy Lotlot ni Nini.”Samantala, sobrang saya ni Janine nang mapanood niya ang concert ni Harry Styles sa Madison Square Garden, kasama siyempre ang kanyang boyfriend.Kaya lang epic failed ang kanyang plano kay Harry habang nanonood ng concert.

Caption niya sa post, “a full crash out *headphone warning*

“ILY Harry!!!!!!!!!!! @harrystyles!!!!!! ginawa ko ang lahat para makawayan, pero hindi ako naging successful. 

“medyo natakot na si @jerichorosalesofficial. ang nasabi nalang niya, “you lost it.” 

“thank you baba sa patuloy na pagmamahal.”

Super react uli ang netizens sa pagpa-fangirl ni Janine kay Harry, kaya deadma si Echo, at okey lang kahit tumili ito to the max sa harap niya.

“Ha…ha…Thanks for the warning! 

“Now we know how loud you can scream when you see your favorite personality. 

“Ako kaya, if and when I bump into you here in NYC, I might scream, too! Love you Echonine!”

“U rly scared echo his face says it all.”

“Nini watched Harry Styles at MSG!!! Our girl is having the time of her life with her baba!!!”

“Yes our janine so. very happy together with her baba Jr happy seeing them together. happy anniversary! echonine enjoy your moment and have fun with harry stlye!”

“Takot na Sl jowaaaa HAHAHAH cutie Nini mahal na mahal ka ni Mr. Pogi wahhhh ily both so much”

“Mas gwapo pala si Mr. Pogi mo JG haha..”

“Pinapanood niya ang kamukha ni Echo.”

“Wow grabe nag-enjoy ka talaga Nini, talagang fan na fan ah. Love you both Echonine.”

Hiyang-hiya kina Sen. Robin at Mariel dahil damay sa isyu…MOCHA, tahasang itinanggi na nabuntis kaya biglang nawala (ni: REY PINEDA) 

Posted on: September 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGING madamadamin ang paglabas ni Frankie “Kakie” Pangilinan sa programa ni Boy Abunda sa ‘Fast talk With Boy Abunda’.

Kamakailan lang ay naging panauhin ang baguhang aktres/singer sa naturang programa. 

Dito isiniwalat na matagal na silang hindi nakakapag-usap ng kanyang nakatatandang kapatid na si KC Concepcion. 

Alam naman ng lahat na si Kakie ay anak ng megastar na si Sharon Cuneta at ni Senator Kiko Pangilinan.  

Samantalang si KC naman ay naging bunga ng pagmamahalan nina Sharon at Gabby Concepcion.     

Inamin ni Kakie na hindi perpekto ang kanilang pamilya. Tulad ng ibang ordinaryong pamilya, may mga pinagdadaanan din silang problema.

Binigyan diin din nitong ang problema ay madalas sa pagitan ng kanyang mga Magellan.     

Subali’t ayaw na nitong magbigay ng detalye kung ano ang pinag-uugatan ng mga problema.

Binanggit din nitong mataas ang kanyang paghanga sa kanyang Ate KC, kahit malayo ang agwat ng kanilang mga edad.     

Kung totoo nga na matagal na silang hindi nakakausap ng kanyang ate, bakit hindi ito mag-reach out.  Siya mismo ang nagsabing malaki ang paghanga niya sa kanyang kapatid.

Bakit niya hinahayaang tumagal ang kanilang di pagkakaunawaan?     

Samantalang sa panahon ngayon, napakadali ng kontakin ng isang tao.

Kung gugustuhin lang, maraming paraan, kung ayaw talagang maraming dahilan.

***  

TAHASANG itinanggi ni Mocha Uson ang balitang nabuntis siya kaya’t bigla siyang nawala sa limelight.

Sa isang panayam ni Susan Enriquez sa kanyang radio program kay Mocha, matipid ang mga naging sagot nito.     

Matagal na ang isyu at nagsimula sa isang blind item.

Ang itinuturong ama raw ng ipinagbuntis niya ay si Senator Robin Padilla.

Nahihiya nga raw ito dahil nadamay sa isyu, hindi lamang siya maging si Sen. Robin at ang asawa na si Mariel Padilla. 

Alam naman ng lahat na naging matinding supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha. 

Nagsilbi itong miyembro ng MTRCB, hanggang sa ma-appoint ito bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).     

Subalit makaraan lamang ang ilang buwang pamamalagi sa posisyon, nag-resign ito.     Personal na itinalaga ito ng dating presidente bilang deputy executive director ng OWWA, kung saan binatikos siya nang husto dahil sa pagkakatalaga niya sa nasabing posisyon.

Sa ngayon, ‘di malinaw kung ano na ang pinagkakaabalahan ng dating miyembro ng Mocha Girls.

Ads September 9, 2026

Posted on: September 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Armand Duplantis umatras sa paglahok sa Diamond League

Posted on: September 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPASYA si Armand ‘Mondo’ Duplantis na hindi muna lumahok sa Diamond League finals sa Brussels.

Ang two-time Olympic at three-time world champion ay nakilahok sa track ng King Baudouin stadium.

Dahil dito ay malakas ang tsansa ni Greek rival Emmanouil Karalis na paboritong manalo sa Brussels.

Sinabi ng 26-anyos Swedish pole vaulter na nagkakaroon ito ng pananakit sa kaniyang mga hita.

Umaasa ito na gumaling na ito sa nasabing injury para agad na makalahok sa mga susunod mga kumpetisyon.

Carlos Alcaraz at Aryna Sabalenka, pasok na sa quarter-finals ng US Open

Posted on: September 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINATAOB ng defending champion na si Carlos Alcaraz ang American player na si Tommy Paul sa pamamagitan ng straight sets (6-4, 6-3, 6-4) ngayong Linggo upang makatuntong sa quarter-finals ng US Open, kung saan nakatakda niyang makaharap si Ben Shelton.

Ito ang pinakakumbinsidong panalo ng second-seeded na si Alcaraz mula nang bumalik siya sa paglalaro matapos ang limang buwang pagpapahinga dahil sa injury sa kanang pulso noong Abril.

Gagamitin ng Espanyol ang kaniyang agresibong laro laban kay Shelton, na pumasok din sa last-eight matapos gibain si Stefanos Tsitsipas sa iskore na 6-2, 6-3, 6-4 sa loob lamang ng isang oras at 52 minuto.

Inaasahan ang matinding bakbakan sa pagitan nina Alcaraz at Shelton sa Martes ng gabi para sa isang puwesto sa semi-finals ng naturang Grand Slam tournament.

Samantala, umabante rin sa quarter-finals ang two-time women’s defending champion na si Aryna Sabalenka matapos manalo sa kaniyang kategorya.

Nakatakdang makatapat ni Sabalenka sa huling walong puwesto ang nagkampeon sa Wimbledon na si Linda Noskova.