Hiyang-hiya kina Sen. Robin at Mariel dahil damay sa isyu…MOCHA, tahasang itinanggi na nabuntis kaya biglang nawala (ni: REY PINEDA)
- Published on September 9, 2026
- by Francis Paolo Torres
NAGING madamadamin ang paglabas ni Frankie “Kakie” Pangilinan sa programa ni Boy Abunda sa ‘Fast talk With Boy Abunda’.
Kamakailan lang ay naging panauhin ang baguhang aktres/singer sa naturang programa.
Dito isiniwalat na matagal na silang hindi nakakapag-usap ng kanyang nakatatandang kapatid na si KC Concepcion.
Alam naman ng lahat na si Kakie ay anak ng megastar na si Sharon Cuneta at ni Senator Kiko Pangilinan.
Samantalang si KC naman ay naging bunga ng pagmamahalan nina Sharon at Gabby Concepcion.
Inamin ni Kakie na hindi perpekto ang kanilang pamilya. Tulad ng ibang ordinaryong pamilya, may mga pinagdadaanan din silang problema.
Binigyan diin din nitong ang problema ay madalas sa pagitan ng kanyang mga Magellan.
Subali’t ayaw na nitong magbigay ng detalye kung ano ang pinag-uugatan ng mga problema.
Binanggit din nitong mataas ang kanyang paghanga sa kanyang Ate KC, kahit malayo ang agwat ng kanilang mga edad.
Kung totoo nga na matagal na silang hindi nakakausap ng kanyang ate, bakit hindi ito mag-reach out. Siya mismo ang nagsabing malaki ang paghanga niya sa kanyang kapatid.
Bakit niya hinahayaang tumagal ang kanilang di pagkakaunawaan?
Samantalang sa panahon ngayon, napakadali ng kontakin ng isang tao.
Kung gugustuhin lang, maraming paraan, kung ayaw talagang maraming dahilan.
***
TAHASANG itinanggi ni Mocha Uson ang balitang nabuntis siya kaya’t bigla siyang nawala sa limelight.
Sa isang panayam ni Susan Enriquez sa kanyang radio program kay Mocha, matipid ang mga naging sagot nito.
Matagal na ang isyu at nagsimula sa isang blind item.
Ang itinuturong ama raw ng ipinagbuntis niya ay si Senator Robin Padilla.
Nahihiya nga raw ito dahil nadamay sa isyu, hindi lamang siya maging si Sen. Robin at ang asawa na si Mariel Padilla.
Alam naman ng lahat na naging matinding supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha.
Nagsilbi itong miyembro ng MTRCB, hanggang sa ma-appoint ito bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Subalit makaraan lamang ang ilang buwang pamamalagi sa posisyon, nag-resign ito. Personal na itinalaga ito ng dating presidente bilang deputy executive director ng OWWA, kung saan binatikos siya nang husto dahil sa pagkakatalaga niya sa nasabing posisyon.
Sa ngayon, ‘di malinaw kung ano na ang pinagkakaabalahan ng dating miyembro ng Mocha Girls.