• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2026

Inaasahang lilikha ng humigit-kumulang 2,000 trabaho…PBBM, nakakuha ng investment expansion commitments mula sa Indian companies 

Posted on: September 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKAKUHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga commitment mula sa mga kumpanyang India na palawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas matapos ang serye ng mga pulong kasama ang mga business group sa Taj Mahal Hotel sa New Delhi, India, nitong Sabado.

Target ng mga kumpanya na palawakin ang kanilang operasyon sa agrikultura, healthcare, digital payments, aviation, artificial intelligence (AI), telecommunications, at iba pang industriyang nakabatay sa teknolohiya.

Ipinaliwanag ni Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque na nagpahayag ng kumpiyansa ang mga kumpanya sa economic policy ng Marcos administration.

“Today, we were able to meet important companies that are already in the Philippines and have expressed expansion plans. They are very positive about the economic policies of the President,” ayon kay Roque.

Kabilang sa mga kumpanyang nakipagpulong kay Pangulong Marcos ang iSON Group, isang conglomerate na nakabase sa New Delhi na may mga negosyo sa agrotechnology, healthcare, telecommunications, information technology, renewable energy, business process outsourcing (BPO), at insurance.

“They want to improve technology in the agriculture sector. Agriculture and food security are among the main priorities of the President, so any advancement in agricultural technology is important to the country and definitely to the President,” dagdag pa ng Kalihim.

Nangako ang iSON Group ng US$75 milyon na bagong investment at pagpapalawak ng kasalukuyang investments nito sa Pilipinas, na inaasahang lilikha ng humigit-kumulang 2,000 trabaho.

Kabilang dito ang iminungkahing US$50-milyong agro-solar project, healthcare at 24/7 teleconsultation services, at US$10-milyong pagpapalawak ng BPO at global delivery centers.

“We are a country of 7,600 islands, so sometimes it is difficult to consult a doctor, especially when the nearest facility is in another town. Through teleconsultation, Filipinos can consult doctors online,” pahayag pa ni Roque.

May higit 25,000 empleyado ang iSON Group at mayroon itong operasyon sa humigit-kumulang 35 bansa. Ang digital infrastructure arm nitong iSON Tower Ltd. Inc. ay nagpapatakbo sa Pilipinas mula pa noong 2021 sa ilalim ng Common Tower Policy ng Department of Information and Communications Technology.

Nakapaglaan na ang kumpanya ng humigit-kumulang US$65 milyon para magtayo ng 450 telecommunications towers, na nagsisilbi sa tinatayang 600 tenants sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Nakipagpulong din si Pangulong Marcos sa NPCI International Limited upang isulong ang kooperasyon sa digital payments, kabilang ang pakikipagtulungan sa LandBank para pag-aralan ang paggamit sa Pilipinas ng payment system na nakabatay sa Unified Payments Interface (UPI) ng India.

Ayon kay Roque, maaaring makinabang dito ang mga overseas Filipino workers (OFWs), negosyo, at publiko, lalo na ang maliliit at katamtamang laki ng mga negosyo.

“If this pushes through, it will be very good. It will not only be used by our OFWs and businesses but by everyone in the country, especially small and medium enterprises,” pahayag pa ni Roque. ( DARIS JOSE)

PBBM, pinaiigting ang mga hakbang para mapanatiling kontrolado ang presyo ng bilihin

Posted on: September 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAIIGTING ng pamahalaan ang mga hakbang upang mapanatiling kontrolado ang presyo ng mga pangunahing bilihin habang patuloy na nanganganib ang pandaigdigang suplay ng langis.

Sa isang Kapihan forum kasunod ng 18th BRICS Summit sa New Delhi, India, sinabi nI Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagpapanatiling abot-kaya ng presyo ng mga bilihin at pagtugon sa inflation.

“The real problem that’s driving all of this is inflation,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Food follows fuel.”

Nabanggit ng Pangulong Marcos na nananatili sa pagitan ng dalawang porsiyento at tatlong porsiyento ang core inflation, na hindi kabilang ang pagkain at langis, habang patuloy na nakaaapekto sa pangkalahatang inflation ang presyo ng pagkain at langis.

Kabilang sa mga binanggit ng Pangulo na nagdudulot ng kawalan ng katiyakan sa pandaigdigang suplay ng langis ang pagsasara ng Strait of Hormuz, mga pag-atake sa imprastraktura ng langis at tumitinding tensyon sa Red Sea.

Sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na tumutugon ang pamahalaan sa mga panlabas na pressure upang mapagaan ang epekto nito sa presyo ng mga bilihin.

“We’re trying to do everything that we can to keep prices down,” ang pahayag ng Pangulo. 

(DARIS JOSE)

Panukalang “fixing the term” of barangay at SK officials ay ” legislative trickery” at DAPAT TUTULAN NG TAONG BAYAN!

Posted on: September 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ANG pag-fix ng term ng barangay officials bagamat kapangyarihan ng Kongreso ay HINDI ABSOLUTE. Kailangan ay may COMPELLING GOVERNMENT INTEREST. Kailangan ba ng taong bayan ‘yan? Anong problema ng bayan mabibigyan ng solusyon ng pagpapaliban ng eleksyon?

Ang pabago-bago ng schedule ng eleksyon ng Barangay at SK eleksyon DENIES THE PEOPLE TO REGULARLY VOTE OUT CORRUPT OFFICIALS AND REPLACING THEM WITH TRUE PUBLIC SERVANTS.

Ang mga SK OFFICIALS naman baka SENIOR CITIZENS na ay hindi pa napapalitan dahil puro tayo pagpapaliban!

At ang mga ELECTED OFFICIALS natin ay nagiging LEGISLATIVE APPOINTMENTS dahil sa mae-extend na naman ang termino ng mga nakaupo.

At WALANG KASIGURADUHAN na hindi ito ang huling ” fixing” the term na ipapanukala ng Kongreso.

Pero mukhang iba ang pananaw ng karamihan sa ating mga mambabatas. ARE WE SAVING THE MONEY OF THE GOVERNMENT OR THE MONEY STOLEN FROM THE GOVERNMENT?

I VETO KAYA NI BBM ang mapaglinlang na panukala? O pipirmahan niya para sa kanyang sariling pulitika.

Pagka ganoon ang ating pag-asang natirira ay ang KORTE SUPREMA.

Pag-angat ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2025, umani ng papuri sa mga mambabatas

Posted on: September 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMANI ng papuri sa mga mambabatas ang pag-angat ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2025.

Sa pangunguna ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, pinuri nila si Secretary Juan Edgardo Angara at ang Department of Education (DepEd) sa kanilang pagtugon sa problema ng basic education. 

“This is the result of a collective effort—from the national government and DepEd, down to our school leaders and, most importantly, our teachers who turn policies and resources into actual learning every day. These results tell us that progress is possible when we stay focused on learning outcomes and support our teachers and students,” sinabi ni Dy.

Pinapurihan din ng mga mambabatas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang adhikain na gawin prayoridad ang sektor ng edukasyon.

“That commitment is reflected in the resources government continues to invest in our schools and our young people. These investments matter because improving education requires sustained support—not just for one year, but over many years. Masaya tayo sa progreso, pero hindi tayo dapat makuntento,” ani Dy.

Ayon kay Dy, ang naging pag-angat ng Pilipinas sa PISA ay ebidensiya na posible ang pagpapabuti ng edukasyon sa bansa.

“Our responsibility is to build on these gains and make sure that progress reaches every classroom and every Filipino child. Congress will continue to do its part. We will support the reforms, programs, and investments necessary to give our teachers the tools they need and every Filipino child the quality education they deserve,” sinabi Dy. (VINA de GUZMAN)

P60 wage hike sa NCR, lalarga sa Setyembre 26

Posted on: September 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SIMULA sa Setyembre 26, 2026 makakatanggap ng P60 dagdag sa arawang sahod ang mga minimum wage earner sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nakasaad sa Wage Order NCR-28 na inilathala noong Biyernes at magkakabisa makalipas ang 15 araw, tataas ang minimum wage ng mga manggagawa sa non-agricultural sector mula P695 patungong P755, habang sa agricultural sector ay mula P658 patungong P718.

Inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – NCR ang wage order matapos dumaan sa itinakdang tripartite na proseso sa pagtatakda ng sahod.

Pinaalalahanan ng DOLE ang mga employer na sumunod sa bagong wage rates sa sandaling magkabisa ang mga ito, at tiniyak sa mga mang­gagawa na babantayan ng departamento ang implementasyon.

Sa datos ng DOLE, tinatayang 1.1 milyong ­daily wage earners sa Metro Manila ang makikinabang sa dagdag-sahod.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang purchasing power ng mga manggagawa at isulong ang inklusibong paglago ng ekonomiya.

Malabon Mega Job Fair, dinumog ng daan-daang aplikante

Posted on: September 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DAAN-DAANG aplikante ang dumagsa sa isinagawang Mega Job Fair na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pamamagitan pagtutulungan ng Public Employment Service Office (PESO) at Trabaho Partylist na ginanap sa Robinsons Malabon, Sabado ng umaga.

Umabot sa 50 mga lokal at overseas na kompanya ang nag-alok ng 4,888 na trabaho sa mga aplikante kabilang ang mga bakanteng posisyon tulad ng accounting staff, account managers, customer service associates, cashiers, baristas, drivers, electricians, air-conditioning technicians, construction workers, delivery drivers, field salesmen, marketing assistants, production workers,at marami pang ibang teknikal na posisyon.

Sinabi ni Mayor Jeannie Sandoval na patuloy nilang inilalapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mga Malabueño upang mas marami sa kanila ang magkaroon ng pagkakataong makahanap ng trabaho, mapaunlad ang kanilang kakayahan, at magkaroon ng mas maayos at matatag na kabuhayan.

“Sa pamamagitan ng mga job fair na ito at sa pakikipagtulungan sa ating mga partner employers at employment stakeholders, mas napapalawak natin ang mga oportunidad na maaaring mapakinabangan ng ating mga residente,” pahayag niya.

Itinampok din sa kaganapan ang One-Stop Shop na serbisyo para sa mga naghahanap ng trabaho kabilang ang NBI, GSIS, DOLE, DMW, PSA, OWWA, TESDA, PHILHEALT, SSS, PAG-IBIG Fund, at Malabon City Police.

Umaasa naman ang alkalde na sa dami ng mga oportunidad na trabaho para sa mga Malabueno, tiyak aniya na may mga aplkante na matatatanggap kaagad sa trabaho para makapag-umpisa na sa araw ng Lunes, Setyembre 14, 2026.

Samantala, sinabi ni City Administrator Dr. Alexander Rosete na patuloy na palalakasin ng pamahalaang lungsod ang mga ganitong programa at pakikipag-ugnayan upang mas marami pang oportunidad ang maihatid para mga Malabueño.

“Ang ‘Mas Maraming Oportunidad’ ay nangangahulugan ng pagbibigay ng mas maraming pagpipilian at pagkakataon para sa ating mga residente na makahanap ng trabaho na angkop sa kanilang kakayahan at karanasan, at magkaroon ng mas matatag na kabuhayan para sa kanilang mga pamilya,” dagdag niya. (Richard Mesa)

NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, sa mga operator ng public utility vehicles (PUV) laban sa pagtanggi sa 20% diskuwento sa pasahe para sa mga estudyante, senior citizen at persons with disabilities (PWD).

Posted on: September 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Kasunod ito ng panibagong reklamong natanggap ni Acting LTFRB Chairman Atty. Greg G. Pua, Jr. mula sa isang PWD na umano’y pinagkaitan ng diskuwento ng konduktor ng isang bus na bumibiyahe sa Central at North Luzon at Maynila.

Ayon kay Acting Chairman Pua, ang reklamo, na ipinadala rin sa naturang kompanya ng bus, ay iniendorso na sa LTFRB Legal Division para sa pagsusuri at kaukulang aksiyon.

Alinsunod ito sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na mahigpit na ipatupad ang mga tuntunin at regulasyon sa pampublikong transportasyon, lalo na ang mga may kinalaman sa kaligtasan sa kalsada at kapakanan ng mga pasahero.

“Hindi ito katanggap-tanggap dahil kung mapatutunayang totoo sa isinagawang imbestigasyon, hindi lamang ito paglabag sa kondisyon sa pagkakaloob ng Certificate of Public Convenience (CPC), kundi malinaw ding paglabag sa batas,” ani Acting Chairman Pua.

Ang CPC ay dokumentong inilalabas ng LTFRB na nagbibigay ng awtorisasyon sa isang PUV na bumiyahe at mag-operate.

Batay sa reklamo, hindi tinanggap ng konduktor ang PWD ID ng pasahero nang sumakay ito sa isang terminal sa Pampanga. Ayon pa sa sumbong, pinarusahan umano ng kompanya ang konduktor dahil sa pagbibigay ng diskuwento sa isang PWD.

Binigyang-diin ni Pua na obligasyon ng mga PUV operator na ipatupad ang fare discounts dahil nakabatay ang mga ito sa umiiral na batas: Republic Act No. 10754 para sa PWDs, RA No. 9994 para sa senior citizens, at RA No. 11314 para sa mga estudyante.

Nagbabala si Acting Chairman Pua na mahigpit ang LTFRB sa pagpapatupad ng polisiya sa fare discounts, gaya ng ipinakita ng mga naging aksiyon ng ahensiya sa mga nakaraang insidente.

“Ito ay malinaw na babala sa lahat ng PUV operator. Igalang at ipatupad ninyo ang polisiyang ito, kung hindi ay pananagutin namin kayo,” ani Acting Chairman Pua.

Hinimok din ng LTFRB ang mga commuter na ireport ang anumang pagtanggi sa fare discount at iba pang pang-aabuso sa LTFRB Hotline 1342, gayundin sa email at social media accounts ng ahensya. (PAUL JOHN REYES)

2 tambay, huli sa aktong bumabatak ng droga sa Valenzuela

Posted on: September 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SHOOT sa selda ang dalawang hinihinalang drug personalities nang maaktuhan sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City, Sabado ng hapon.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang mga suspek bilang sina alyas “JE”, 41, at alyas “Kamote”, 32.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa umano’y nagaganap na illegal drug activities sa Dulap Compound, Brgy., Pasolo.

Kaagad namang nagsagawa ng validation sa lugar ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek nang maaktuhan na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng bahay ni alyas JE dakong alas-4:00 ng hapon.

Nakumpiska sa kanila ang isang nakabukas na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,788 at ilang drug paraphernalias.

Ayon kay SDEU investigator P/MSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 11, 12 at 15 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng Inquest Proceedings. (Richard Mesa)

Ads September 14, 2026

Posted on: September 14th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PSC planong dagdagan ang benepisyo ng mga atleta kapag nalagpasan ang medalyang makuha sa Asian Games

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAYROONG malaking hamon ngayon si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio sa mga atleta ng bansa sasabak sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Sinabi nito na kapag nalagpasan ng bansa ang hinakot na medalya noong 2022 Hangzhou Asian Games ay siya mismo ang kakausap sa PSC Commissioners na dagdag na incentives sa buong delegasyon.

Hindi naman na nito binanggit pa kung anong dagdag na benepisyo ito.

Noong nakaraang 2022 Asian Games kasi ay nakauwi ng apat na gintong medalya, habang ang mga para athletes ay mayroong 10 gintong medalya.

Paglilinaw nito na ang planong dagdag rewards ay bukod pa sa isinaad sa batas na mayroong P2-milyon na cash na makakatanggap ang sinumang atleta ng bansa na makakakuha ng gintong medalya sa mga international events habang P1-M naman sa silver at P400,000 sa bronze medals.

Kasabay ng isinagawang send-off sa mga atleta ay inanunsiyo ni Gregorio ang dagdag na P6,000 na allowance sa mga delegasyon.

Magpapadala ang Pilipinas ng 464 na atleta sa 38 sports ito na ang pangalawang pinakamaraming delegasyon ng bansa mula 1994 Hiroshima Asian Games.

Magsisimula ang kampanya ng Pilipinas sa 5×5 basketball kung saan makakaharap nila ng Bahrain.

Pormal na magsisimula ang 20th Asian Games sa darating na Setyembre 19 na ito ay magtatapos hanggang Oktubre 4.